A/N: Finally! Haha Sorry for the wait. Enjoy niyo na lang 'to
"Eh? So sino sila?" Tanong ko kay Kyle and then he answers with, "Secret Service." As he entered the classroom leaving me with questions, ano? Secret service? I thought i heard it before but I didn't know it actually exists. Sumunod na rin ako sa room dahil nandyan na pala ang next teacher namin. I'll just save the questions.
After the classes were done, agad kong inapproach si Kyle na nakayuko lang sa desk niya at parang natulog lang sa buong klase. "Pst. Hey Kyle. Tapos na ang klase." Marahan kong gising sa kanya pero parang hindi siya yung type na nagigising agad. Paulit ulit ko siya sinubukang gisingin but no good. That's it. Kinurot ko siya sa may braso dahilan para magising siya sa sakit. "Ow! What was that for!?" Galit niyang sabi sa akin "Next time wag kamatutulog sa klase kung hirap kang gumising!" Sumbat ko naman sa kanya. Pinunasan naman niya ang mata niya na may muta. Really, how long was he asleep? "Oh by the way, may itatanong pala ako, meet me at the rooftop." As I picked my bag, and headed there.
Habang naglalakad ako papuntang rooftop, nagtext na ako kina Jessy na hindi muna ako sasabay sa service namin.
Nung nasa rooftop na ako, umupo ako sa bench. Yup, may bench sa rooftop. May mga students kasi na dito naglulunch or tumatambay. Nakabakod naman ang paligid nito kaya no worries. Naupo lang ako dun and waited for him to come... If pupunta siya that is. Hindi kasi ako naghintay ng approval basta na lang ako umakyat dito.
"Malalim ata iniisip mo ah?" Napansin ko na nasa tabi ko na pala si Kyle. So he really did come. "Go on. Ask anything pero don't expect na accurate ang answers ko." Eh? So what's the point? Oh well, I looked at him as I say "What do you mean hindi police yung mga nakasama natin kanina? And Secret Service? Ano yun?""Well, nagstart ang lahat 20 years ago, the age they say na nabuo ang organization. Binubuo 'to ng mga agents, and spies. This is a little different because these agents and spies work as bodyguards and hard to define. They go on missions na walang nakaka alam kahit na ang mga pulis. They work so neat and leaves no trace at all. The founder later named this 'Secret Service.' Probably wondering bakit kasama ako sa ganitong organization. 15 years back, ang mga natatrabaho talaga dito ay mga adults. Not until the founder decided to train kids and recruit teens that have potential on this job. He reasoned na mas flexible ang mga bata and are more skilled than the grown ups." Patuloy niyang pagpapaliwanag sa akin. "So... Are you trained or recruited?" Tanong ko sa kanya. "I was trained since I was 6 years old. Actually, I was working on an assignment on this school." Sagot niya sabay tingin sa relo niya. "That's why nagtransfer ka from a powerhouse school to a newly built." He just smiled at me. "They assigned me here to guard someone. I can't tell why, but they assured that may balak na pumatay sa taong iyon at sila, ay nasa school na 'to." Nadadala ako sa mga nakukwento niya sa akin like their gadgets, hacking devices, they're too far fetched.
"Say, Isn't the skies beautiful?" Sabi niya habang nakatingin sa langit kaya napatingin na rin ako. The beautiful sight of sunset.
I also realized na late na pala! 5:43 pm to be exact! Maan I have to go home or else. Nadala talaga ako sa kwentuhan namin. Lumabas na kami ng campus and waved to each other as we separate ways. I have no choice but to commute now. Tinuruan naman ako ni mama kaya no worries. Medyo malayo ang biyahe ko kaya nakatulog ako.
Miss? Miss? Gising na po Miss...?
Nagising ako sa boses ng isang matandang nakauniporme. "Miss saan ba ang baba niyo?" Tanong niya sa akin, I looked around and... Wait... Hindi ako pamilyar sa lugar... Don't tell me...
"S-sa East Ville po.." Kinakabahan kong sagot sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata niya "Nako Miss, lagpas ka na! Nasa North Ville tayo." Sagot niya sa akin. Nabigla naman ako. Napatingin ako sa relo ko It's 6:10 pm. Wala na rin akong magagawa dahil nandito na rin man ako, nagtanong na lang ako kung ano ang mga dapat kong sakyan pauwi ng East Ville.
