Prologue

87 2 6
                                    

Kyline's POV

"Jusko dai, sa sobrang kulang ko sa tulog hindi ko man alam na hindi pala parehas yung sapatos ko." Singhal ni Max sakin.

"Hindi parehas?" Nanlaki mata ko sakanya sabay silip sa mga sapatos niya. HINDI NGA PAREHAS HAHAHA!

"HOY MAX BAKIT HINDI PAREHAS HAHAHA! Jusko bangag ka no? Gising na hoy, umaga na!" Saad ko sabay palo sa braso niya.

"Saya mo naman, itapon kita sa labas eh." Sabi niya sabay tingin sakin ng masama, kaya dahil mabait ako, tumigil na ako sa pagtawa.

Pero galing talaga, hindi talaga parehas. Hindi mo naman mapapansin unless titingnan mo talaga.

"Umayos ka nga dai, gusto mo masampal?" Ayan nagalit na kaibigan ko, banas na yata sakin hihi.

Inayos ko yung gamit ko at kinuha yung cellphone ko. "Hoy, sino na naman katext mo niyan, dami mong fafs grabe." Si Xyrene naman ang nang-aaway ngayon. Stressed na sina lola mo, lagi ako inaaway nila.

"Wala, si Smart as usual. Labidabs talaga ako ni Smart, lagi nagtetext." Sagot ko sabay pakita sakaniya si Smart kahit na iba talaga kausap ko. Buti pa si smart loyal sakin, hindi nakakalimutan magtext nakakaloka.

"Che, nakita ko 'Kian' name ng boy. Sipain kita diyan eh." Singit ni Max. Mukhang-singit talaga to jusko, nakita pa niya yun. Talas ng mata, lagi siguro kumakain ng carrots hihi.

"Shh basta. Di niyo naman kilala."sabat ko na ikinatawa ng dalawa.

"In love ka no? Umamin ka nga. Yieeee!" Kinilig pa talaga si Xyrene ha? 

Napaisip ako dun sa sinabi niya na in love ako. The dream I got last night suddenly flashed back. Ang weeeeeird. Sa totoong buhay nga wala akong love life pero sa panaginip ko meron? Seriously? The thing is, minsan pati ako napapaniwala na totoo yung panaginip ko. Parang ayaw ko na magising dahil dun.

Basta! Basta weird. 

"Okay class, Good morning." 

Noong narinig ko yun, dinaig ko pa si flash sa pagtago ng cellphone ko. Muntikan na yun grabe ah. Napansin nina Alas yung panic ko kaya pasimple nila akong tinatawanan.

"Ganiyan kayo no, ang bait niyo talagang kaibigan." saad ko kaya naman nagkunwari silang hindi tumatawa.

Bahala nga kayo diyan, che. Mga peste talaga minsan eh.

"Pwede na ba akong magsalita Ms. Zamora?" tanong bigla ng teacher namin. Naririnig niya pala akoooo! Bakit di ako binawalan ng mga to?! Aish. "Yes Sir." yun nalang nasabi ko sabay hinga ng malalim.

"Class, bago tayo magsimula sa araw na to, pakikilala ko muna yung bago niyong kaklase okay? Mr. Monteverde pasok na." bulong ni sir sabay bukas ng pintuan sa room namin. Isang maputi, gwapo at mukhang masungit yung dumating. 

"Good morning, I'm Kleo Nathaniel Monteverde. Pleased to meet- " bigla siyang natigilan noong dumapo ang mata niya sakin. Bakit? May muta pa ba ako? May kulangot ba? 

I furrowed my eyebrows that stopped him from spacing out. He cleared his throat at inulit yung sinasabi niya kanina.

"I'm Kleo Nathaniel Monteverde, pleased to meet you all." sabi niya at dumapo ulit ang paningin niya sakin. Nostalgia suddenly hit me. Parang kilala ko to eh, pero saan? Argh! I hate this feeling promise.

"Okay Mr. Monteverde, you may take your seat on the back." sabi ni sir sabay turo dun sa upuan na mahigit dalawang upuan lang ang layo sakin. He's on edge, near the window. Tapos isang bakanteng upuan, si Max, tapos ako na. 

Magtuturo na sana si sir, noong pinatawag sila sa faculty room para mag-meeting. Siyempre, as students kunwari mabubuti kami, pero nung wala na yung teacher daig pa namin mga nasa zoo sa gulo at ingay ng room namin.

"Hoy Kyle, dito ka nga." tapik ni Max dun sa kabilang upuan sa kaliwa niya. "Bakit? Dito nalang ako." sabi ko sabay higa sa mesa. Tinapik niya ako ng malakas kaya napatingin ako sakanya. Nanlalaki mata niya omg ha. Amazona huhu. 

"Eto na nga." Lipat ko sabay upo dun sa isang upuan kung saan nasa kaliwa ko yung bagong estudiyante na naka-earphones lang sa isang sulok. Napansin niya yatang nakatingin ako sakanya kaya tumingin din siya sakin.

"Excuse me pero, nagkita na ba tayo?" tanong ko at nag-iba yung tingin niya sakin. I don't know what's the emotion in his eyes, di ko malaman kung ano yon. He cupped his chin at tumingin lang sakin with a smile on his face. "In a dream maybe."


DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon