Kabanata 1: Simula
. . .
"Parang ordinaryong kwintas lang naman yan..." sabi ni Venice. Napatingin ako sakanya at mukha siyang disappointed sa itsura ng kwintas na nasa harapan namin ngayon. Isang kulay puting kwintas. "Tsaka wala namang makapag-papatunay na totoo yung alamat ng kwintas na yan. Tinatakot lang natin ang sarili natin kung maniniwala tayo sa isang alamat..." dagdag niya pa.
"Big deal ba 'yun?" Sarcastic na sagot ng pinsan kong si Clyde. "Alam naman ng lahat na hindi totoo yang alamat na 'yan..."
Napairap nalang si Venice at iniwan kaming dalawa ni Clyde sa harap ng kwintas na nakasilid sa loob ng napaka-kapal na salamin.
"Ikaw ba Stephen? Naniniwala ka sa alamat ng kwintas na 'yan?" Baling sa'kin ni Clyde. Napakibit-balikat nalang ako dahil parang napaka-imposible talaga na mangyari ang sinasabi ng alamat.
"Ewan" sagot ko. "Pero ilalagay ba 'yan dito sa loob ng museum kung hindi totoo?" Dagdag ko.
"Sabagay. May point ka naman.." aniya, tapos ay napahawak siya sakanyang baba at parang may malalim na iniisip.
Ang sabi kasi ng alamat ay may makapangyarihang itim na mahika ang matagal ng natutulog sa loob ng kwintas na iyon 4,999 years na ang nakakalipas at nalalapit na raw ang araw ng muling pagkagising ng itim na mahika sa loob ng kwintas na iyon. Kung iisipin ay talaga namang nakakatakot pakinggan ang alamat na iyon.
Makalipas ang ilan pang oras ng paglilibot ay ipinatawag na ng pricipal ang lahat ng mga estudyante dahil uuwi na. Sabay-sabay kami nina Clyde at Venice na bumalik sa bus at sa huling minuto ay muli kong sinulyapan ang museum.
...
Pansamantala lang ang pananatili ni Clyde dito sa bahay namin dahil hindi naman siya dito sa Chardoux nag-aaral. Ang mama niya ay isang salamangkera o witch at ang papa niya naman ay isang ordinaryong tao lamang. Nang mamatay ang mama ni Clyde (na tita ko at kapatid ni mama) ay napagdesisyunan ng tatay niya na ilipat silang magkakapatid sa mundo ng mga tao. Iniwan nila ang Chardoux kung saan namamalagi ang mga kauri namin pero hindi naman yun naging hadlang dahil isang salamangkero o wizard si Clyde kung kaya't kaya niyang maglabas-pasok sa Chardoux. Isinama ko lang siya sa Field Trip namin kaya siya pumunta rito.
Si Venice naman ay isang mariposa o isang tao na may pakpak ng paruparo. Ang sabi nila ay naninirahan sa mga gubat at bundok ang mga mariposa noong sinaunang panahon pero natutunan na rin nilang makihalubilo sa mga tao at salamangkero sa paglipas ng panahon. Ang mga mariposa ay walang kakayahang gumamit ng salamangka pero bihasa naman sila sa paggawa ng iba't ibang klase ng potion at kahanga-kahanga rin ang kakayahan nila sa paggamit ng mga sandata. Kaya rin nilang makalipad dahil sa mga pakpak na nakatago sa kanilang likuran. Magkababata kaming tatlo at pareparehas na 4th year junior highschool.
Dalawang araw ang lumipas mula ng makauwi na si Clyde sa mundo ng mga tao samantalang kami naman ni Venice ay kasalukuyang nandito sa loob ng classroom namin at parehas kaming sinusumpong ng pagka-antukin namin dahil napaka-boring talaga ng subject na tinuturo ng teacher namin ngayon.
Tumunog ang bell bilang hudyat ng lunch break na siya namang nagpa-active sa lahat ng cells ko sa katawan.
Lumabas kami ni Venice at dumiretso sa cafeteria. Bumili lang kami ng pagkain at saka nagtungo sa football field dahil malamig-lamig ang simoy ng hangin at mukhang masarap tumambay sa bench. 1 hour naman ang lunch break kaya pwede pa kaming magpalamig pagkatapos kumain.
"Oh? Anong problema?" Tanong ko kay Venice dahil kanina pa siya tulala. Nakaupo na kami sa isa sa mga bench dito sa field at nakakaagaw talaga ng pansin ang mga kinikilos ni Venice ngayong araw. Madalas kasi ay nagsusungit siya, at kung minsan ay parang timang na tumatawa mag-isa, bipolar kumbaga haha! Pero iba siya ngayon at alam kong may problema siyang hindi sinasabi.
"Eh kasi" panimula niya. "Pag-uwi natin galing sa museum noong field trip ay nasira ang halos kalahati ng grains, corns and herbs namin sa farm..."
Nanlaki ang mata ko sa balitang iyon ni Venice dahil ang pamilya nila ang isa sa nagsusuplay ng mga halamang gamot at iba pa sa buong Chardoux. Nakakapagtaka dahil ngayon lang ito nangyari. Madalang lang ang mga ganitong kaso dito sa Chardoux dahil ang mga pananim ay madalas na nilalagyan ng spell kaya naman ang siyudad na ito ang nangunguna pagdating sa dami at ganda ng mga pananim at produkto. Kaya isa lang ang maaaring sagot sa pagkasira ng mga pananim nina Venice... sinadya ang pangyayaring iyon at may sumasabotahe sakanila.
"Ang kutob ni Mom and Dad ay sinadya ang pagsirang iyon sa farm namin. May bumali ng spell na ipinalagay namin kaya nakapasok ang mga insekto na kumain ng halos kalahati ng mga pananim..." malungkot na saad ni Venice. Sinasabi ko na nga ba! Pero sino? Sinong gagawa no'n sakanila?
"May ideya na ba kayo kung sinong gumawa nito sa farm niyo?" Tanong ko.
"May kutob si Dad na pwedeng ang mga kalaban namin sa pag-iimport at export ng mga pananim namin ang may gawa nito. Pero mukhang imposible 'yon dahil..." napahinto siya bigla sa pagsasalita. Parang nag-aalangan siyang magsabi.
"Dahil?..." tanong ko. Kinakabahan ako na ewan sa pwede niyang isagot. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Ngayon ko lang nakitang ganito si Venice.
"Dahil.." huminga siya ng malalim bago magsalita. "Dahil maganda ako!" Aniya sabay irap.
WHAAAAAAAAAATTTTTT!!??
"Duhh! Oo maganda ako bakit? Haha! Hindi ba obvious sa mukhang 'to!?" Aniya sabay turo sa mukha niya. Ang babaeng 'to talaga!
"So ano pala yung kinukwento mo kanina? Trip mo la--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagulat ako ng biglang ilabas ni Venice ang mga pakpak niya at saka inilipad ako papunta sa ibabaw ng pinakamataas na building sa loob ng unibersidad na ito kung saan kami nag-aaral.
Ng makarating kami sa bubong ng building ay halos masuka-suka ako sa pagkalula. Grabe! Unang beses niya palang akong ilipad at talagang nakakalula!
"A-ano bang p-problema mo!!?" Pautal-utal kong bulyaw sakanya dahil nanginginig parin ako dahil sa biglaang pag-lipad namin.
"Sorry talaga Stephen! Naramdaman kong may nakikinig sa usapan natin kanina sa bench kaya nag-change topic ako agad..." paliwanag niya.
"H-ha!? Ano naman kung may makarinig? Malalaman din naman ng buong Chardoux ang nangyari sa farm niyo dahil ang pamilya niyo ang may pinakamalaking ambag pagdating sa produksiyon nitong city kaya imposibleng maitago niyo yan sa public..." Mahinahon kong saad na medyo nakaka-recover na sa biglaang paglipad namin kanina.
"Alam ko. Pero ang gusto kong isikreto ay hindi ang nangyari sa farm namin kundi ang pangalawang suspect namin sa nangyaring pananabotahe..." paliwanag niya. May point din naman siya. Hindi pwedeng marinig ng iba ang expected suspects nila sa nangyari dahil wala pa silang ebidensiya at baka ma-missinterpret ng makakarinig. Pero kung may nakikinig pala saamin kanina, edi narinig rin pala niya ang first suspect nina Venice sa nangyari sa farm nila!
May kutob si Dad na pwedeng ang mga kalaban namin sa pag-iimport at export ng mga pananim namin ang may gawa nito. Pero mukhang imposible 'yon dahil... -Venice
"Hala! Edi narinig din pala nung sinumang nakikinig satin kanina kung sino ang first suspect niyo!?" Pakaba kong tanong. Ewan ko pero kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari. Kapag nakarating to sa mga katunggali ng mga magulang ni Venice, paniguradong malaking gulo ito.
"Hindi na importante 'yon. Dahil mas importante ang pangalawang suspect namin sa nangyaring pagkasira ng mga pananim namin..." aniya. Sa pagkakataong ito ay napansin ko ang matinding panginginig ng katawan ni Venice, senyales na siya'y kinakabahan.
"S-sino ang suspect niyo?" Napalunok nalang ako dahil nahawa na ko sa panginginig ni Venice. Bakit? Bakit parang masama ang pakiramdam ko dito?
"Ang alamat..."
YOU ARE READING
The Magic Squad
FantasySiya si Stephen Corvin. Isang ordinaryong wizard na naninirahan sa siyudad ng Chardoux. Kahit na isa siyang wizard ay hindi parin siya bihasa sa paggamit ng magic. Sa totoo lang ay wala talaga siyang interes na pag-aralan ang sining sa likod ng sala...