Kabanata 10: Moira Venice Flores
. . .
[Venice's Point Of View]
Bumaba akong maganda from the karwahe. Ako ang unang hinatid ni mamang karwahe-driver dahil mas malapit lang ang house ko kumpara kay Stephen na medyo malayo pa ng kaunti.
I glanced at my wrist watch and crap! It's almost 2:30 am! For sure pauulanan nanaman ako ng sermon like duhh? I can handle myself naman. My parents are so OA lang talaga. I understand naman na they just love me, but to the point na nasasakal na 'ko? Ugh, no thanks!
Nakatayo lang ako sa tapat ng gate namin nang biglang mapatingin sa'kin si kuyang guard.
"M-ms. Venice, kanina pa po kayo hinihintay ng mga magulang niyo" He said then nagmadaling buksan ang gate. Medyo mabagal niyang binuksan ang gate namin dahil sa may kalakihan ito at mabigat. Sa totoo lang, pwede naman akong lumipad nalang at lagpasan ang gate namin to enter the house sa mas madaling paraan but guess what? Bawal kong ilabas ang wings ko kahit man lang sa sarili kong bahay! Crazy right? Nakakasakal!
Nang tuluyan na akong makapasok sa gate ay nagmadali akong maglakad papunta sa pinto ng mansion habang kinakagat ang pang-ibabang labi at nagchachant na Sana tulog na si Mom and Dad.
Nakapasok ako sa mansion at naabutan ang tahimik na living room. Oh goodness! Mukhang tulog na nga sila.
Tumalikod na muna ako upang i-lock ang pinto kung saan ako pumaso--
"MOIRA VENICE FLORES!" Nanginig ako bigla ng marinig ang nakabibinging sigaw ni Dad na nag-echo sa bawat sulok ng mansion. Oh-my-G.
Dahan-dahan akong lumingon sa gawi ni Dad habang pilit na nakangiti at naka-peace sign.
"I'll explain" I said. Namumula na ang mukha ni Dad sa inis habang si Mom naman ay pilit pinapa-kalma si Dad sa pamamagitan ng pag-himas sa likod nito.
"Ang sinabi mo ay mamamasyal lamang kayo ni Stephen sa park! Talagang idinamay mo pa si Stelina at dinala rito para paniwalaan ka namin!" Muling sigaw ni Dad but this time, mas kalmado na siya.
"Easy, guys" sagot ko. "Totoo po na namasyal kami ni Stephen. But hindi sa par--"
"Sa Samsodóniâ" Mom said, cutting my statement with an emotionless tone.
Wait? Paano nila nalaman na sa Samsodóniâ kami pumunta ni Stephen?
"We went at Stephen's house earlier para i-check kung nandoon ka since ang huli mong paalam is siya ang kasama mo at lumalalim na ang gabi. Unfortunately, Stephen's mom told us na sa Samsodóniâ daw kayo pumunta" Pagpapatuloy ni Mom. Hindi siya makatingin sa'kin ng deretso as if she's disappointed of what I did.
I understand kung bakit sila nagkakaganyan. And it's because hindi naging maganda ang relasyon ni Dad at ni King Querick sa isa't isa. Ugh, and so what? Problema na nila 'yon and dapat hindi na ako damay!
"You're grounded for 1 week!" Mahina ngunit may awtoridad na sigaw ni Dad. Here we go again. Nakakainis talaga! "Go to your roo--" Hindi ko na pinatapos si Dad sa sasabihin niya dahil napairap nalang ako sa kawalan sabay labas ng wings ko at lumipad ng mabilis papunta sa 2nd floor ng mansion kung nasaan ang kwarto ko.
"At sinong nagsabing pwede mong ilabas yang pakpak mo dito sa loob ng pamamahay natin!" Rinig ko pang sigaw ni Dad mula sa 1st floor ng mansion kung nasaan ako kanina. Natin? Did he say 'Pamamahay natin'? Like duhh? Baka sakanila lang. I never saw this place as my own house! Why? Dahil hindi ko pwedeng gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa'kin. This house should be my comfort place! Should be one of my favorite places! But it's not. Never been and will never be!
YOU ARE READING
The Magic Squad
FantasySiya si Stephen Corvin. Isang ordinaryong wizard na naninirahan sa siyudad ng Chardoux. Kahit na isa siyang wizard ay hindi parin siya bihasa sa paggamit ng magic. Sa totoo lang ay wala talaga siyang interes na pag-aralan ang sining sa likod ng sala...