Kabanata 7

43 1 0
                                    

Kabanata 7: Laboratory

. . .

"Alam kong mahirap paniwalaan pero totoo ang alamat, Stephen" bumuntong hininga muna ang prinsesa. "At kaya ka namin dinala rito ay para sa--"

Hindi niya na natapos pa ang sinasabi niya dahil sa tunog ng mga yapak na papalapit sa'min. Lumingon kaming tatlo sa pinanggagalingan ng mga yapak at doon ko napagtanto na ang mga yapak na iyon ay galing pala sa.... Hari.

Nanlaki ang mga mata namin ni Venice at saka dali-daling tumayo at nag-bow. "M-magandang g-gabi po, M-mahal na hari" Nanginginig kaming dalawa at hindi alam ang gagawin. Nakakaloko naman 'tong sitwasyon namin. Nakita ko naman sa gilid ng aking mga mata kung paano pinipigilan ni prinsesa Eliza ang pagtawa niya dahil sa ka-praningan namin ni Venice. Sana pala nandito si Clyde para mas masaya! Sigurado akong mas manginginig pa yun kesa samin ni Venice.

Pagkatapos mag-bow ay sandali ko munang pinagmasdan ang hari. Grabe, mukha talaga siyang hari! Nakasuot siya ng outfit na madalas suot ng mga hari sa pelikula kaso 4× na mas maganda! May suot siyang korona kaso hindi ito gawa sa ginto kagaya ng mga gamit dito sa palasyo. Gawa ito sa salamin. Isang glass crown na may maliliit na rubies at diamonds na nakakulong sa loob.

"Magandang gabi rin sainyo" Pagkatapos ay nginitian kami ni King Querick. "Nabanggit sa'kin ng mga tagapagsilbi na may panauhin raw na dumating at halata namang kayo iyon" aniya sabay tawa habang tumataaas-baba yung mga kilay niya. H-huh? Ang weird. Anong nakakatawa?

"Ah-hehehe" pinilit nalang namin ni Venice na sabayan yung tawa niya. Napansin ko naman si prinsesa Eliza na nagpipigil parin ng tawa. Nahalata niya siguro na sinasabayan lang namin yung tatay niya, haha!

Humarap naman si King Querick kay prinsesa Eliza. "Kung gayon, nagtagumpay na pala kayo ng iyong kapatid na hanapin ang ipinapahanap ko?" Masayang tugon ni King Querick.

"Opo ama. Hindi pa po ba naikukwento ni Krypton ang lahat sainyo?" Tanong ni prinsesa Eliza.

"Hindi pa" sagot ng hari habang hinahaplos ang balbas niya. "Sa katunayan ay hindi ko pa nakikita si Krypton. Mukhang nakakulong nanaman siya sa kanyang kwarto kagaya ng lagi niyang ginagawa. Alam mo naman iyong si Krypton, hindi iyon magsasalita kung hindi kakausapin" aniya tapos tumawa ulit. Seryoso, hindi ko ma-gets kung anong nakakatawa.

Niyaya kami ni King Querick na pumunta muna doon sa mahabang lamesa na gawa sa ginto. Umupo kaming lahat sa mga upuan. Ilang sandali pa at biglang dumating ang mga tagapagsilbi na may dalang naglalakihang mga plato na gawa sa ginto. Inilapag nila ang iba't ibang klase ng mga putahe sa harapan namin at--WOW! Salad, Turkey, Steak, Ice cream, Lechon, at marami pang iba! May dalawa ring fountain na gawa sa ginto. Yung isang fountain ay naglalaman ng tinunaw na tsokolate! Yung isa naman ay fruit juice. Apat lang naman kami pero bakit napakaraming putahe? Tinignan ko si Venice at parang wala lang sakanya ang mga sosyal na pagkaing nasa harap namin ngayon. Mayaman kasi siya kaya parang sanay na rin siya sa mga ganitong pagkain. Doon narin kami nagpakilala kay King Querick.

Pagkatapos ng dinner na iyon ay agad niligpit ng mga tagapagsilbi ang mga pinagkainan. Bago umalis ang mga tagapagsilbi ay sinabihan sila ni King Querick na pagsaluhan nalang ang mga tira naming pagkain. Actually, hindi mukhang tira yun dahil konti lang naman ang nabawas namin. Napakaswerte nga nung mga tagapagsilbi dahil yung salad, turkey, at chocolate fountain lang yung ginalaw namin. Buong-buo pa yung lechon at ibang putahe. Mukhang mabubusog sila. Doon ko na-realize na sobrang bait pala ni King Querick. Maalalahanin siya sa mga trabahador ng palasyo at palagi rin siyang nakangiti kagaya ni prinsesa Eliza. Si prinsipe Krypton lang talaga ang naiiba sakanila dahil hindi ito ngumingiti at tipid pa kung mag-salita.

Tumambay kaming apat dito sa balcony at masasabi kong natanggal na ang pagka-ilang namin ni Venice kay prinsesa at sa hari. Madali lang pala silang pakisamahan at gusto nilang ituring namin sila na parang barkada lang, pero siyempre, hindi namin yun sinunod ni Venice dahil sila parin ang hari at prinsesa ng Chardoux. Oh diba ang bait namin, haha!

9:00 na ng gabi pero napakaliwanag parin dito sa Samsodóniâ.

"Eliza" wika ni King Querick. "Gusto ko munang makausap ng sarilinan si Stephen upang linawin sakanya ang mga dapat linawin" aniya. "Kung maaari ay ipasyal mo muna si binibining Venice sa palasyo o kaya sa buong isla ng Samsodóniâ upang hindi siya mabagot" dagdag niya pa.

"Masusunod po, ama" Pagkatapos ay niyaya na ni prinsesa Eliza na mamasyal si Venice. Si Venice naman ay excited na excited. Bago siya umalis ay binulungan niya muna ako ng "good luck!"

Sinenyasan naman ako ni King Querick na sumunod sakanya. Kinakabahan ako. Ano kayang lilinawin niya sa'kin? Tungkol saan? Para saan? Hays! Malalaman ko rin yan!

Bumaba kami ni King Querick papunta sa kinalalagyan ng mga trono. Dumiretso kami sa kanan kung saan nakapwesto ang isang dambuhalang pinto. Nagdiri-diretso lang si King Querick at kusa namang bumukas yung pinto kahit hindi siya nag-cast ng anumang spell. Wow! May buhay kaya 'tong pinto? Bakit si prinsesa Eliza kanina kailangan pang mag-cast ng spell?

Nagdire-diretso lang kami sa paglalakad hanggang sa marating na namin ang isa nanamang malaking pinto. Gawa ito sa... as usual, ginto parin. May dalawang guards na naka-armor ang nagbabantay sa pinto. Nang makita nila si King Querick ay nag-bow sila at saka pinagbuksan kami.

Pumasok kami ni King Querick doon sa pinto at--Woah! Pakiramdam ko nagkikislapan ang mga mata ko sa sobrang ganda at kintab ng silid na ito.

May isang malaking table sa gitna at sa paligid ay may mga naglalakihang book shelves na punong-puno ng mga nagkakapalan at naglalakihang mga libro.

"Ito ang aking opisina" Wika ni King Querick habang pinagmamasdan ang kabuoan ng opisina niya.

Napansin ko namang pumalakpak si King Querick ng tatlong beses na siyang nagpa-bukas sa mga bintana ng silid na ito. Naks! High-tech. O baka naman magic parin?

Nagtungo ang hari dun sa table niya sa may gitna nitong office. May kung ano siyang pinindot doon sa may ilalim na parte ng lamesa. Nagulat naman ako ng biglang umusog yung mga dambuhalang bookshelves na nakadikit doon sa kaliwang pader nitong office at--Wow! May hidden door sa likod ng mga bookshelves! Wait-- ganito rin yung sa mga pelikula eh. Yung sa mga spy na palabas. Ang galing hehe.

Sumenyas ang hari na sundan ko siya. Nag-tungo siya papunta doon sa nakatagong pintuan kanina. Sinundan ko siya at sabay kaming pumasok sa pinto. Isang madilim na hagdan pababa ang bumungad sa'min. Parang isang dungeon. Bakit niya naman ako dadalhin dito? Kinakabahan ako ah.

Habang naglalakad pababa ay napansin kong may kinuha si King Querick na kung ano sa bulsa ng damit niya. Isang wand. Pina-ilaw niya ang wand niya upang maging gabay namin sa madilim na daang tinatahak namin ngayon. Kinuha ko narin yung wand ko at pina-ilaw ito para naman hindi ako umaasa sa liwanag ng wand ni King Querick.

Sa wakas ay nakababa na kami ng tuluyan. Isang mahabang pasilyo naman ngayon ang kaharap namin. Isang madilim na pasilyo.

Pinakiramdaman ko ang paligid at wala naman akong napansing kakaiba. Madilim lang talaga at wala ng iba.

Huminto si King Querick sa paglalakad kaya naman huminto narin ako. Ha? Bakit naman kami humint--oh crap! Nasa dulo na pala kami at isang lumang pinto na gawa sa kahoy ang kaharap namin ngayon.

Simpleng itinulak lang ni King Querick ang pintuan upang bumukas ito kasabay ng pagtakip ko sa aking mga mata dahil sa nakakasilaw na liwanag sa likod ng pinto.

Dahan dahan kong kinusot ang mga mata ko at saka dumilat. Isang lab. Isang laboratory ang nasa likod ng pinto. Napakalawak, napakaganda, nakakamamgha.

The Magic SquadWhere stories live. Discover now