Kabanata 5: At the Palace
. . .
Habang nasa biyahe kami papuntang palasyo ay tumatagaktak ang pawis ko. Kinakabahan talaga ako ng sobra. Isa lang naman akong ordinaryong salamangkero na tahimik na nakikinig sa tinuturo ni sir Dexter kanina tapos sa isang iglap lang ay bigla na kong haharap sa hari.
"Maputi ba?" Tanong ni Venice sa'kin habang nakaturo sa mukha niya. Kanina pa siya hindi mapakali sa kakalagay ng pulbo, liptint at kung anumang mga kaartehang alam ng mga babae.
"Okay lang" tipid kong sagot dahil mukhang mag-uutal-utal ako sa pananalita kung hahabaan ko pa ang sasabihin ko dahil sobra na talaga akong kinakabahan!
10 minutes narin kaming lumilipad sakay ng karwaheng pinapatakbo ng mga naka-armor na pegasus. Nasa ibabaw kami ng mga ulap at napakagandang pagmasdan ng pag-lubog ng araw mula rito. Ngayon ko lang naappreciate ang ganda ng himpapawid. Sa t'wing ililipad kasi ako ni Venice ay biglaan at napaka-bilis pa! Kahit sino ay mapa-praning talaga pag nilipad nitong si Venice, except nalang sa kapatid kong si Stelina dahil tuwang-tuwa talaga siya sa mga pakpak ni Venice.
Magkatabi kami ni Venice dito sa loob ng karwahe. May upuan pa sa harapan namin kung saan naman nakaupo sina kuya Krypton at ate Eliza. Sa gitna naman ng mga kinauupuan namin ay may isang malaking bilog na bintana na may nakaharang na salamin.
Si kuya Krypton ay tahimik paring nakapikit habang naka-crossed arms, nagbabasa naman si ate Eliza ng isang libro na kung hindi ako nagkakamali ay isang book of spells kung saan nakapaloob ang iba't ibang klase ng pamamaraan kung paano gagamitin ang kapangyarihan naming mga salamangkero. Meron din ako no'n at nakatago lang palagi dito sa bulsa ko. Bawat witch at wizard na nasa ika-6 na baitang sa elementarya (Grd. 6) ay binibigyan ng physical at mental na pagsusulit kung saan tatalakayin ang mga natutuhan nila mula kinder hanggang grade 6. Kapag ang isang salamangkero ay nakapasa sa pagsusulit na iyon ay makakatanggap siya ng isang wand at isang book of spells.
"Stephen" mahinang bulong sa'kin ni Venice. Tinaasan ko naman siya ng isang kilay.
"Ano?" Pabulong kong sagot. Mukha tuloy kaming mga bubuyog dito.
Tinuro niya naman si kuya Krypton gamit ang nguso niya. Ganon parin ang posisyon nito, nakapikit parin at naka-crossed arms. "Pogi niya no? Ngayon ko lang napansin" Bulong niya pa ulit tapos mukha siyang natatae sa kilig. OA nito.
"So? Anong gagawin ko?" Sarcastic kong sagot. Tumamlay naman bigla yung mukha niya.
Magsasalit pa sana siya ng biglang mapatingin samin si ate Eliza. "Do you need something?" Nakangiting tanong ni ate Eliza. Napansin niya yatang nagbubulungan kami.
"Wala po" sabay naming sagot ni Venice.
"Don't worry. We're here at the palace" tugon ni ate Eliza na ikinalaki naman ng mga mata namin ni Venice. Nandito parin kami at lumilipad sa himpapawid kaya paanong nakarating na kami? "Tumingin kayo sa bintana"
Sinunod naman namin ang utos ni ate Eliza at tumingin kami sa binta--WOW! Isang isla na lumulutang ang nasa harap namin ngayon. Napakaganda. Parang paraiso. Nasa ibabaw ito ng mga ulap at isang dambuhalang kastilyo ang naka-tayo sa gitna nito. Sa paligid ng kastilyo ay maraming puno at kitang-kita ang isang malaking ilog sa tabi nito.
"Do you like it?" Tanong ni ate Eliza. Napatango-tango nalang ako dahil hindi parin ako makapaniwala sa nakikita ng mga mata ko. "Welcome to Samsodóniâ..."
Nahagip naman ng mga mata ko si Venice na ngayon ay nakabagsak ang panga dahil sa nakikita namin ngayon. Hindi rin siya makapaniwala. Nakapunta na ko sa hacienda nina Venice at sa ilan pa nilang mga properties pero kahit pagsama-samahin mo lahat ng properties nila ay hindi parin maitatanggi na wala pa ang mga iyon sa kalingkingan ng islang nakikita namin ngayon.
"Prepare for the landing" Kalmadong saad ni ate Eliza.
Ilang sandali pa ay unti-unti na kaming lumalapit sa isla hanggang sa tuluyan na nga kaming lumanding. Itiniklop na ng mga pegasus ang mga pakpak nila. Tinatahak ng karwaheng sinasakyan namin ngayon ang isang gintong kalsada na may mga kumikinang na bato. Kung hindi ako nagkakamali ay mga diyamante at iba pang klase ng hiyas ang mga batong iyon. Sa paligid ng kalsada ay may mayayabong na puno at maraming nagliliparang mga ibon at paruparo sa paligid. Ibang-iba ang lugar na 'to sa ibaba. Sa gilid naman ng kalsada ay may mga sundalong nakasuot ng armor na ginto. Isa-isa namang nagba-bow ang mga sundalong madadaanan namin. Hindi parin talaga ako makapaniwala!
Mas lalong lumaki ang mga mata ko at bumilis pa ang tibok ng puso ko ng makita kung saan kami dadalhin ng kalsadang ito... Papunta ito sa kastilyong nasa gitna ng isla... Ang Palasyo ng Hari.
"Oh... em... geee!!!!" Nakakairitang sigaw ni Venice. "I can't believe na makakarating ako dito!" Aniya.
Mas lalo naman ako no!
Ilang sandali pa ay biglang huminto ang karwahe sa tapat ng palasyo. Bigla namang bumukas ang dambuhalang pintuan nito at mula doon ay lumabas ang higit 50 na mga babae. Naka-uniform sila ng pang-katulong. Baka mga tagasilbi sila ng hari, pero bakit parang napakadami naman yata? Oh crap! Malamang! Malaki tong palasyo kaya natural lang na maraming tagapag-silbi!
Binuksan ng kutsero ang pintuan ng karwahe at inalalayang bumaba si Venice. Ako ang sunod na bumaba at pang-huli naman sina ate Eliza at kuya Krypton.
Sinalubong naman ng mga tagapag-silbi sina ate Eliza at kuya Krypton. "Maligayang pagbabalik po sainyo, Prinsesa Eliza at Prinsipe Krypton..." Sabi nung isang katulong pagkatapos ay sabay sabay silang nag-bow--WHAAAAAATTT!?
Nagkatinginan kaming dalawa ni Venice habang nakabagsak ang mga panga namin. Hindi kami makapaniwala. Totoo ba ang mga narinig namin? Prinsipe at Prinsesa silang dalawa?
Lumapit sa'min si ate Eliza, si kuya Krypton naman ay wala paring imik at nauna nang pumasok sa loob ng palasyo.
Inakbayan ako ni ate Eliza at nginitian ako. "Oo, totoo ang narinig mo" Aniya sabay kindat. "Let's go!" Yaya niya sa'min ni Venice pagkatapos ay sabay-sabay na kaming tatlo na pumasok sa loob ng palasyo.
YOU ARE READING
The Magic Squad
FantasySiya si Stephen Corvin. Isang ordinaryong wizard na naninirahan sa siyudad ng Chardoux. Kahit na isa siyang wizard ay hindi parin siya bihasa sa paggamit ng magic. Sa totoo lang ay wala talaga siyang interes na pag-aralan ang sining sa likod ng sala...