Kabanata 6

37 2 0
                                    

Kabanata 6: History

. . .

"Let's go!" Yaya samin ni ate Eliza---Princess Eliza pala. Kani-kanina lang ay komportable pa kami ni Venice na kasama sila pero simula nang malaman naming prinsipe at prinsesa sila ay parang bigla nalang naging awkward. Alam din kaya ni Dean na mga anak sila ng hari? Ewan.

Nangunguna si prinsesa Eliza sa paglalakad dito sa loob ng palasyo. Para kaming mga turista sa isang museum at si Prinsesa Eliza naman ang tour guide.

Makapigil hininga talaga ang pagpasok namin dito sa palasyo. Naisip ko rin na napakaswerte namin ni Venice dahil hindi lahat ng mamamayan sa Chardoux ay nakakapunta rito. Isa itong rare opportunity and I'm glad that I grabbed it.

Ginto ang bawat pader dito sa palasyo at marami ring naglalakihang mga pintuan sa bawat gilid na magdadala samin sa iba pang bahagi ng palasyo. Sa dulo ay may apat na couches. Hindi ako sigurado kung couch ba yung mga 'yon dahil sobrang engrande at sosyal ng dating--

"Those are the thrones" Nakangiting saad ni prinsesa Eliza na kanina pa pala naka-akbay sakin. Hindi ko napansin na nandiyan pala siya dahil masyado akong nalibang sa mga bagay bagay dito sa palasyo.

Ilang sandali pa ay hinila niya kaming dalawa ni Venice palapit sa mga thrones o trono.

"This is King Querick's throne. My father's throne" aniya sabay turo sa pinakamalaking trono sa gitna. Gawa ito sa makapal na ginto at mukhang komportableng upuan. May maliliit ding diamonds and rubies na nakadikit dito bilang palamuti.

Naglakad naman si prinsesa Eliza papunta sa tapat ng isa pang trono. "Ang isang ito naman ay kay Queen Alorah. It's my mother's throne..." aniya. Gawa rin iyon sa ginto kaya lang ay mas maliit ito kumpara sa trono ng hari. Napansin kong parang nag-iba ang ekspresyon ni prinsesa Eliza at nakita ko kung paano namuo ang mga luha sakanyang mga mata. "My mother died because of heart attack. 9 years after niyang ipanganak si Krypton" dagdag niya pa.

"We're sorry to hear that. Condolence po" mahinang saad ni Venice. Agad namang pinunasan ni prinsesa Eliza ang mga luha niya bago pa ito makatakas mula sa mga mata niya. Nakangiti siyang lumingon samin ni Venice. "Thank you" aniya.

May dalawa pang trono ang natitira. Yung isa ay gawa sa crystals at yung isa naman ay sa emerald. Ang sabi ni prinsesa ay sakanya daw yung crystal at kay prince Krypton naman yung emerald. Apat lang daw ang trono sa palasyong ito dahil naging tradisyon na daw ng royal family na magkaron lamang ng dalawang anak.

Inutusan kami ni prinsesa Eliza na sumunod sakanya. Nilagpasan na namin ang mga trono at nagtungo sa isang mala-higanteng hagdan na gawa parin sa ginto. Natatakluban naman ng red carpet ang bahaging gitna ng hagdan kung saan kami dumadaan ngayon. Papunta na kami sa ikalawang palapag ng palasyo.

Pagkarating sa ikalawang palapag ay tumambad sa'min ang napakalawak na sala. May mahabang lamesa na gawa sa ginto, pati ang mga upuan ay gawa parin sa ginto! Ang buong palasyo ay ginto! Grabe. Iba talaga kapag hari.

Dito sa ikalawang palapag ay may isa pang dambuhalang pintuan. Nagtungo kaming tatlo sa harapan niyon at narinig kong nag cast ng spell si prinsesa Eliza na siyang nagdulot ng kusang pagbukas ng pintuan. Isang malawak na balcony pala ang nasa likod ng pintuang ito.

Tanaw na tanaw ang kabuuan ng isla. Napakaganda at napakaliwanag. Napasulyap ako sa relo ko at---7:45 na ng gabi! Ha!? Gabi na pero bakit ang liwanag parin? Nagpalingon-lingon ako pero hindi ko mahanap ang araw. So bakit ang liwanag parin?

"Hindi sumasapit ang gabi dito sa Samsodóniâ" paliwanag ni prinsesa Eliza. Woah! Napakarami namang sorpresa ng isla na 'to! Pero paano? Spell? Salamangka?

"Talaga?" Di makapaniwalang saad ni Venice. "For sure nasa ilalim ng spell ang island na 'to! Sino namang naglagay? Si King Querick po ba?" Dagdag niya pa.

Napangiti naman ang prinsesa kay Venice. "Hindi si Dad ang nag-lagay ng spell at wala naman talagang nag-lagay ng spell" paliwanag ng prinsesa. "Kung willing kayong makinig. Gusto niyo bang malaman ang history ng Samsodóniâ?"

"Well. I hate the subject history but i think this one is quite interesting" sagot ni Venice. "Makikinig po kami"

Huminga na muna ng malalim si prinsesa Eliza at niyaya kaming umupo sa isang magarbong sofa dito sa balkonahe.

"Ang Chardoux at Samsodóniâ ay dating iisa..." panimula niya. "May isang masamang wizard ang minsang sumakop sa buong mundo ngunit may isang parte ang Chardoux na hindi niya nakuha, at ito na nga ang Samsodóniâ. Dito sa Samsodóniâ nagtago ang mga natitirang wizard, tao, at iba pang nilalang na hindi nagpasakop sa masamang wizard na iyon... Nagsanay ang mga nilalang na nagtago dito sa Samsodóniâ at ng maging expert na sila sa pakikipag-laban ay hinarap na nila ang masamang wizard. Ang digmaang iyon ang pumatay sa milyun-milyong mga nilalang sa mundo ngunit nagtagumpay ang mga nag-aklas laban sa masamang wizard. Napuksa nila ito at bumalik ang mundo sa normal. Nasira at naalis nga lang ang salamangkang bumabalot sa buong Chardoux maliban sa isang parte nito, at iyon na nga ang Samsodóniâ... Sa kasalukuyan ay Samsodóniâ nalang ang natitirang lugar na nababalot ng salamangka dahil naalis na ng masamang wizard noon ang lahat ng mahikang bumabalot sa lahat ng bayan gaya na lamang ng Chardoux, Vajzil at marami pang iba..."

Napatulala ako sa narinig ko. Parang narinig ko na ang istoryang 'yon ahh? Wait.. saan ko nga ba ulit narinig 'yon? Saan nga ba?.. isip... isip... isi--

"Hindi ba't yan 'yong alamat sa likod ng kwintas sa museum?" Tanong ni Venice. Tama! Yun nga! So... TOTOO YUNG LEGEND!? Grabe, ang dami talagang sorpresa sa islang 'to!

Tumango naman si prinsesa Eliza. "Yep. The legend was true" aniya.

Ha!? Wtf? 'Di nga? Pero imposibleng mangyari 'yon! Wala namang black magic! Nakasaad sa alamat na tinalo daw nung masamang wizard ang lahat ng hari sa buong mundo at pinatumba ang lahat ng sandatahang lakas, imposibleng maging ganoon kalakas ang isang wizard! Napaka-exaggerated naman yata no'n. Napakahirap paniwalaan. Kahit si King Querick ay hindi kayang gawin 'yon.

"P-pero imposible po ang sinasabi niyo" wala sa sarili kong sagot. Argh! Ba't ko ba sinabi 'yon? PRINSESA ANG KAHARAP KO! Ano nalang sasabihin niya? Na pinagmumukha ko siyang sinungaling?

Ngumiti lang si prinsesa Eliza at saka tinapik ng marahan ang balikat ko.

"Alam kong mahirap paniwalaan pero totoo ang alamat, Stephen" bumuntong hininga siya. "At kaya ka namin dinala rito ay para sa--"

Hindi niya na natapos pa ang sinasabi niya dahil sa tunog ng mga yapak na papalapit sa'min. Lumingon kaming tatlo sa pinanggagalingan ng mga yapak at doon ko napagtanto na ang mga yapak na iyon ay galing pala sa.... Hari.

The Magic SquadWhere stories live. Discover now