“BREAD, salamat nga pala sa pagsabay sa’kin.”
“Hmm.”
Nilingon ni Antenna si Bread na nagmamaneho ng kotse. Katulad nga ng sabi-sabi sa Empire nila, para ngang robot ang binata. Bukod sa walang emosyon sa mukha nito, tipid din itong magsalita at monotone pa ang boses. Pero sa lahat naman ng robot, ito na siguro ang pinakaguwapo.
Hiningi niya kay Riley kanina ang address ni Shark nang malaman niyang may sakit ang huli. Pagdating niya sa subdivision na tinitirhan ng binata ay nasalubong niya si Bread na nakasakay sa kotse nito. Sinabay na siya nito.
Hininto nito ang kotse sa tapat ng isang malaking bahay. Walang sabi-sabi itong umibis pero nagulat siya nang pagbuksan siya nito ng pinto. Tinangka nitong kunin ang dala niyang basket ng prutas para sana ito na ang magdala, pero tumanggi siya at nagpasalamat na lamang.
Hmm. Gentleman na robot. Puwede.
Papasok na sana sila sa hardin ng bahay nang may magandang babaeng lumabas mula sa bahay.
“Miss Serenity?” hindi makapaniwalang bulalas niya.
Halatang nagulat din ito. “Antenna?”
Nilingon niya ang bahay na pinanggalingan nito bago niya ito muling hinarap. “Miss Serenity... kilala mo po si Shark?” At saka bakit nasa Pilipinas na ito? Hindi ba’t nasa Paris ito dapat?
Ngumiti ito. “Oo, sa iisang subdivision lang kami nakatira kaya nasubaybayan ko ang paglaki niya. I’m like his older sister. Ikaw, ano’ng ginagawa mo rito?”
May kung anong bumubulong sa kanya na may mali sa mga nangyayari. Miss Serenity may be older than them, but she was beautiful and she looked younger than her age.
So, ano’ng iniisip mo?
Wala naman... it’s just that... never mind.
“Antenna?” untag sa kanya ni Ma’am Serenity.
Ngumiti siya. “Nandito po ako para dalawin ang boyfriend kong may sakit.”
“Boyfriend mo si Shark?” tila gulat na gulat na tanong nito.
Bumungisngis siya. “Opo. Kagabi lang.”
Ngumiti si Miss Serenity pero bahagyang nakakunot ang noo nito. “Really? Congratulations.”
“Thank you po!”
“O, siya. Mauna na ko sa inyo, ha?” nakangiting paalam nito.
“Ingat po!”
Tumango lang si Bread.
Pag-alis ni Miss Serenity ay pumasok na sila ni Bread sa bahay ni Shark. Wala ro’n ang mga magulang ng binata. Tumuloy sila sa kuwarto ng pasiyente.
“Hello, Shark!” masiglang bati niya rito.
Biglang napabalikwas ng bangon si Shark. Nanlaki din ang mga mata nito nang makita siya. “Antenna! Ano’ng ginagawa mo rito?”
Nakangiting pinatong niya ang basket ng mga prutas sa bedside table nito. “Dinadalaw ang boyfriend ko. Well, in case you feign ignorance, ikaw ang boyfriend ko.”
Natawa ng malakas si Connor na nakahilata sa couch habang nagbabasa ng magazine, samantalang nakangiting nilingon naman siya ni Riley na nasa harap ng computer. Mukhang bumisita ang buong banda kay Shark.
Walanghiyang Riley 'to. Pupunta rin pala rito hindi pa ko sinabay kanina.
“What the heck are you talking about, girl?” gulat at nagtatakang tanong ni Shark.
BINABASA MO ANG
A Playboy May Cry (Complete)
Teen FictionHELLO Band Series 1: Antenna fell in love with Shark the moment she saw him cry. Naniniwala kasi siyang iba magmahal ang mga lalaking iniiyakan ang mga babae. Pero genuine tears nga kaya ang nakita niya o inuuto lang siya ng playboy na 'to?