Chapter Six

5.8K 187 7
                                    

NASA COASTER van si Antenna kasama si Miss Valentina – ang art professor at trainor niya – si Dean Lopez at ang university president ng Empire na si Mister Emperador. Ito ang mga kasama niya sa tatlong araw na pananatili niya sa Baguio para i-represent ang kanilang unibersidad.

    Kakatapos lang ng closing ceremony ng Arts Circle Annual Competition at ngayon ay pabalik na sila sa Empire. Siya ang nag-champion sa nasabing patimpalak pero hindi pa iyon nagsi-sink in sa kanya.  Hapon na no’n kaya hindi na siya nag-e-expect na marami pang estudyante sa unibersidad. Pero sigurado siyang naroon si Crayon para sunduin siya. Tinetext at tinatawagan niya si Shark kanina pa pero naka-off ang phone nito.

    Hmp! Baka nambabae na naman 'yon habang wala ako! Humanda sa’kin ang pating na 'yon!

    “We’re here,” anunsiyo ni Professor Velentina.

    Nagpaalam na agad siya sa mga ito pagkababa niya sa van. Pero nagulat siya nang makita ang kumpulan ng mga estudyante sa tapat ng main building ng Empire University. Sa kalagitnaan ng pag-iisip niya sa kung anong nangyayari ay biglang sumulpot ang kanyang pinsan.

    “Hello, Antenna. I-check mo ang Facebook account mo,” udyok sa kanya ni Crayon. Hindi niya alam kung masaya ito o ano.  Monotone kasi ang boses nito pero nangingislap ang mga mata.

    Again, she used Empire’s free wi-fi to open her Facebook account on her phone. Ang unang sumalubong sa kanyang news feed ay ang status update ni Shark dahil naka-tag siya sa post nito.

     “I MISS YOU, Antenna Louise Gomez! If this status gets one hundred likes, and if more than one hundred people gather in front of Empire’s main building to congratulate my baby for winning Arts Circle Annual Competition, I’m gonna sing for free!”

    His status update got more than five thousand likes! At sigurado siyang halos lahat ng estudyante ay nasa harap ng main building ng Empire ng mga sandaling iyon!

    Does it mean... kakanta siya?

    Nasagot ang tanong niya nang may marinig siyang tunog na tila mula sa drums. Naglakad siya papunta sa pinanggagalingan ng tunog at habang paabante siya ay nahahawi ang mga tao sa paligid. Habang naglalakad din siya ay nakangiting kino-congratulate siya ng mga kaeskwela niya. Tipid na ngiti lang ang sinasagot niya sa mga ito dahil kinakabahan siya. Hindi niya alam kung bakit.

    Hanggang sa marinig niya ang boses ni Shark na kumakanta.

    “All I here is raindrops. Fallin’ on the rooftop. Oh, baby tell me why’d you have to go? Cause this pain I feel, it won’t go away. And today I’m officially missing you.”

    Nang tuluyan nang mahawi sa dalawa ang mga tao upang makadaan niya, saka niya nakita ang improvised stage na ginawa sa tapat ng main building. At naroon si Shark. Nakaupo ito sa cajon na tinatambol ng mga kamay nito habang nakatapat dito ang nakatayong mikropono.

    Kasabay nang pagsisimula nitong kumanta ay ang pagkawala sa pagkakarolyo ng tarpaulin na nakasabit sa ikatlong palapag ng main building ng Empire. Nakasulat sa tarpaulin na iyon ang mga salitang:

    Congratulations, Beautiful Antenna Louise Gomez! I Miss You So Much!

-From Handsome Shark Anthony Sylvestre With Love

    Natawa siya sa kasulat do’n. Pero ang puso niya, tunaw na tunaw na sa pinaghalong kilig at tuwa. Nang magbaba uli siya ng tingin kay Shark, natigilan siya sa nakitang emosyon sa mga mata nito. He was looking at her while singing. And love was evident in his eyes.

    Naitakip na lang niya ang kamay niya sa kanyang bibig. Hindi maipagkakailang pagmamahal ang nasa mga mata nito. Posible kayang nagkaroon na siya ng puwang sa puso nito? Umasa ang puso niya. Tagos sa kanyang puso ang pag-awit nito dahil alam niyang siya lang ang nakikita nito nang mga sandaling iyon gaya ng ito lang din ang nakikita niya.

A Playboy May Cry (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon