Chapter Ten

10.2K 340 30
                                    

“HERE.” Inabot ni Antenna ang dala niyang canvass na nakabalot sa puting tela kay Miss Serenity. “Advance wedding gift ko 'yan sa’yo.”

    Nagtataka man ay ngumiti pa rin ito. “Thank you. Can I see it now?”

    She smiled and nodded. “Go ahead.”

    Hinila nito ang kulay gintong ribbon no’n. Nalaglag ang puting telang nakabalot sa canvass at nalantad dito ang sketch niya. It was a portrait of Miss Serenity. Sa larawan, nakangiti ito at may bulaklak ng gumamela na nakaipit sa tainga nito.

    “Hindi ko kasi alam kung anong dapat iregalo kaya 'yan na lang ang naisipan ko. Sana nagustuhan mo,” wika niya.

    Hindi ito nagsalita at nanatili lang nakatitig sa canvass. Hindi niya alam kung anong emosyon ang naglalaro sa mga mata nito dahil nakayuko ito.

    Inimbitahan siya ni Miss Serenity sa parehong coffee shop kung saan sila nagkasagutan noon pagkatapos niya itong komprontahin. Pero ngayon, wala na ang negatibong tensiyon na nakabalot sa kanila.

    Pagkatapos nang naging huling pag-uusap nila ni Shark, nakapag-isip-isip siya. Tama ito na hindi dapat paghihiganti ang naging solusyon niya sa problema nila. Hindi rin naman kasi niya inakalang masasaktan niya ito dahil nang panahong iyon, may duda siya sa totoong nararamdaman nito para sa kanya.

    Noong inakala nitong totoong may amnesia siya ay hindi pa rin siya nito iniwan. He had still put effort for them to be together. Inakala niyang hindi na nito maibabalik ang tiwala niya. Subalit sa mga ginawa nito, napatunayan niyang mali siya.

    Humikbi si Miss Serenity na ikinagulat niya. Tumingin ito ng diretso sa mga mata niya. She was teary-eyed.

    “I’m sorry, Antenna. Alam kong malaki ang naging kasalanan ko sa’yo. But believe me, hindi ko sinadyang saktan ka. Nadala lang ako ng damdamin ko. I was only supposed to say goodbye to him... b-but I felt this strong urge to let him know how I truly felt about him.” Malungkot na ngumiti ito. “But I was rejected. I guess it’s natural because before it happened, he confessed to me his undying love for you.”

    Ngumiti lang siya. “Miss Serenity, talagang mahal mo si Shark.”

    Hinawakan nito ang kamay niya. “Antenna, mahal ko siya pero hindi na sing tindi gaya noon. Dahil nang ma-realize kong hindi niya ko mahal gaya ng pagmamahal ko sa kanya, pinigilan ko ang damdamin ko at lumayo ako sa kanya. Siguro, nang araw na magpaalam ako sa kanya, do’n ko lang naramdaman na talagang mawawala na siya sa’kin. Ayokong pagsisihan na hindi ko naipalam sa kanya ang nararamdaman ko.” She smiled sadly again. “Nakakahiya. Ako itong matanda sa inyo, pero ako pa ang naging dahilan nang hindi niyo pagkakaunawaan. I’m sorry, Antenna. I really am.”

    Nangilid na rin ang mga luha niya. “Miss Serenity, sa totoo lang, hindi ko pa alam kung lubusan na kitang naiintindihan at napatawad. Pero sa ngayon, matatanggap kong hindi mo ginustong makagulo. Gusto ko lang din humingi ng tawad sa’yo dahil naging bastos ako no’ng huli nating pagkikita. I’m sorry.”

    Umiling ito. “Naiintindihan kita, Antenna. Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Umaasa ako na balang-araw, tuluyan mo na kong mapapatawad.”

    “Time will tell, Miss Serenity. Pero nararamdaman kong malapit na,” nakangiting wika niya.

    Kahit paano, nabawasan na ang sakit na nararamdaman niya. Alam niyang darating din ang araw na maibabalik nila ni Miss Serenity ang pagkakaibigan nila. Sa ngayon, masaya siyang napalaya na niya ang sarili niya. She needed to take one step at a time.

    She smiled sadly as her mind wandered off to the boy she still loved very much.

    Shark, sana dumating na rin 'yong oras kung kailan pareho na tayong handang magkapatawaran at magmahalan uli.

A Playboy May Cry (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon