SINUNOD ni Antenna si Shark at lumabas nga siya ng Art Room. Naabutan niya sa tapat ng College of Fine Arts building ang nobyo niya. Nakatalikod ito sa kanya pero kilala niya ang bulto nito kaya alam niyang ito 'yon.
Hmm. Broad shoulders and strong-looking back.
“Shark,” tawag niya rito.
Humarap ito sa kanya pero may tinatago ito sa likuran nito. “Hi, Antenna.”
Natigilan siya. He was wearing dark-rimmed glasses and it looked good on him. Anak ng pating, ang sarap nitong luhuran dahil sa kaguwapuhan nito!
“Antenna?” untag nito sa kanya.
Tumikhim siya. “Ahm, bakit mo ba ko pinalabas?”
“Ikot tayo sa buong Empire,” paglalambing nito na parang isang bata.
“Ha?”
Nakangiting nilabas nito ang tinatago nito. Isa iyong puting bondpaper na may nakasulat na: “She’s my girlfriend” at may nakaguhit pang arrow sa ilalim ng mga salitang iyon.
Kumunot ang noo niya. “Ano’ng gagawin mo d’yan?”
Nakangising dinikit nito sa katawan nito ang papel na iyon at naglakad palapit sa kanya. Nang tumabi ito sa kanan niya, saka niya napagtantong sa kanya nakaturo ang pana na nakaguhit sa papel. Nakuha na niya ang gusto nitong mangyari.
“Shark, paparada tayo na nakadikit 'yan sa’yo para malaman ng lahat na tayo na?” natatawang tanong niya.
“Proud ako sa girlfriend ko, eh,” nakangiting wika nito saka siya pabirong siniko.
“Proud ka nga sa girlfriend mo, hindi mo naman mahal,” biro niya.
“Papunta na ko ro’n, Antenna.”
Napasinghap siya. Nilingon niya ito. “Shark...”
Ngumiti ito nang lingunin din siya. “Sasabihin ko agad sa’yo 'pag mahal na kita. Ayoko rin namang patagalin ang hintayan natin. Gusto ko kapag sinabi ko na sa’yo ang mga salitang 'yon, sigurado na kong hindi kita masasaktan. Because the last thing I want to do in my life is to hurt and lose you.” Hinawakan nito ang kamay niya. “Let’s go?”
Napangiti siya nang maramdaman ang mainit na kamay nito sa kanyang kamay. Natunaw din yata ng init na hatid ng palad nito ang puso niya. He entwined their fingers and she almost broke into tears. Wala na siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Siya man ang naghabol o hindi, ang mahalaga sa kanya, ngayon ay hawak na niya ang lalaking mahal niya. And they were both happy.
Bigla na lang natawa ng marahan si Shark habang naglalakad sila.
Nilingon niya ito. “Bakit ka natatawa?”
Umiling ito at inangat ang magkahawak nilang kamay. “Ikaw ang unang babaeng naka-holding hands ko. I kinda feel...”
“Embarrassed?”
“Happy, stupid,” natatawang pagtatama nito sa kanya.
Napangiti siya. “Masaya rin ako, Shark.”
Naramdaman niyang mas hinigpitan nito ang hawak sa kanyang kamay. Nagustuhan niya iyon dahil pakiramdam niya, natatakot itong mawala siya. She felt so happy, contented and calm.
Pinagtitinginan sila ng lahat ng nakakasalubong nila. Napapatingin pa ang mga ito sa magkahawak nilang kamay ni Shark. Ang iba, napapangiti. May ilang nagugulat at nagtataka. Siyempre, meron ding mga sumisimangot at umiirap – lalo na ang mga babae.
BINABASA MO ANG
A Playboy May Cry (Complete)
أدب المراهقينHELLO Band Series 1: Antenna fell in love with Shark the moment she saw him cry. Naniniwala kasi siyang iba magmahal ang mga lalaking iniiyakan ang mga babae. Pero genuine tears nga kaya ang nakita niya o inuuto lang siya ng playboy na 'to?