Chapter 2- Eat with her

43 0 0
                                    

ISSABELLE CRUZ

Hindi ko talaga maisip kung bakit may mga taong hindi kayang ipagtanggol ang sarili nila at isa na dun ang lalaking yun.

Affected Te?
Ano ba tong nangyayari sa sarili ko bigla nalang parang kinakausap ko konsenya ko baliw na ba ako nito?

"Uy Isa, crush mo yung nerd no, nako sa wakas naman at meron ka ng natitipuhan haha!" at nakalimutan ko kasama ko pala mga baliw kong kaibigan.Siya si Jessica Dy walang ibang ginagawa sa buhay kundi lumandi.

"What are you talking about? I just help him because he's not man enough to protect himself" actually hindi ko din naman alam e kung bakit ko siya tinulungan wala naman akong paki alam sakanya dapat kase hindi ko naman siya kaibigan.

I only care of my friends because they are too important to me. Para ko na silang pamilya mas tinuturing ko pa silang pamilya e kesa sa sarili kong mga magulang. I treasure my friend sila lang ang meron ako ngayon.

"Hay nako Isa ah ngayon ka pa ba magsisinungaling sa amin? Alam nga namin lahat ng sekreto mo e pati na mga problema mo tapos ngayon ka pa talaga mahihiyang umamin sa amin?"  Ano naman ang aamin sa Spring Reyes na ito e hindi ko naman talaga yun gusto yung lalaking yun. Spring is beautiful like me.They are rich marami rin silang hotels sa buong mundo like Jessica Dy. Siya naman ay puro clubbing lang ang alam sa buhay pero nasa top pa din naman siya kaya ayos nalang din actually kaming lahat naman.

"Beh don't worry boto namin kami sa lahat ng desisyon mo at mukhang ayos naman ang lalaking yun para sayo kaya no problem" napailing na lang ako sa sinabi ng isa ko pang kaibigan na si  Ayesha Imperial ang nag iisang tagapagmana ng Imperial Group of Companies  All over the World siya lang yata ang masipag mag aral samin pero grabe naman kung makapag shopping parang wala ng bukas e

"Alam niyo ang titigas ng mga bagang niyo e no? Sabi nang hindi ko siya gusto naawa lang ako sakanya yun lang nothing less nothing more" sabi ko at naghanap ng mauupuan sa canteen alam ko namang marami pang tao dun tsaka mamaya pa naman next class ko e bahala sila kung uuna sila.

"Oo nalang sabi mo e" mapang asar na sabi ni Spring bago tumayo bibili na siguro ng makakain.

"Kahit naman hindi ka umamin e halata naman" singit pa ni Audrey Kim pero umiling nalang ako alam kong hindi din naman sila maniniwala sa mga sasabihin ko

"Kaya lang naman kami nagkakaganto dahil ngayon ka pa lang may tinulungan at worst pa hindi mo pa talaga siya kilala gets mo?" Mataray naman na sabi ni Jessica

"Kayo lang naman ang nagbibigay ng mga kahulugan sa ginawa ko" mataray ko din na sabi sakanya at kay Ayesha kaya umiling  nalang sila at tumayo habang napapailing.

Wala naman kase talaga akong gusto dun bakit ba ang hirap paniwalaan yun sakanila big deal na ba talaga ngayon ang tumulong? Mabait naman ako ah hindi nga lang halata.

Napabaling naman ang tingin ko sa may bilihan ng makita ko na naman sina Jasper na mukhang pinagkaka tuwaan na naman yung transferee

Wala na ba talaga silang ibang magawa sa buhay kaya nandadamay nalang sila ng ibang tao nagsasayang lang sila ng lakas nila sa mga walang kwentang bagay.

Pinuntahan ko nalang sila at tamang tama naman na narinig ko ang pangungutya nila sa lalaking to at wala man lang siyang ginagawa.

Siya na sana yung susunod kaso inunahan sjya bigla ni Jasper at nagtawanan naman yung apat na baliw tapos parang wala namang gagawin yung lalaking yun. Duwag talaga siya

"Oh nerd gutom kana ba? Sorry ah mas gutom kase kami e" sabi pa sakanya ni Ethan habang naka ngisi at umiling lang yung lalaki

"Hindi pa naman masyado ayos lang" sabi pa nito aba kitang kita naman e na gutom na siya nahihiya lang siyang magsalita kaya yun nalang sinabi niyan

Falling Inlove With Mr.Nerd (REVISING)Where stories live. Discover now