HURRICANE MONTEREAL
SA tatlong buwan kong nakilala sina Isabelle at ang kanyang mga kaibigan ay para ko na ring naging kaibigan ko sila
Kung hindi dahil sa panunukso nina Jasper sa akin ay hindi ko sila makikila kaya kahit ganon si Jasper nagpapasalamat pa din ako sakanya.
Maraming mga nangyare sa akin noong mga nakaraang buwan at isa na dun ang mga priorities ko
Kung noon sinabi kong ayaw ko muna magkaroon ng mga relasyon kase sagabal lang yun sa pinangarap kong buhay sa pangarap kong maging maunlad kami ulit
Kahit naman kase na naka ahon kami ay hindi pa din yun tulad ng dati.
Alam kong hindi pa talaga nakakabawi sina daddy, kaya lang kami umuwi dito dahil na rin sa ayaw ni daddy na magkaroon ng utang na loob sa pamilya ni mommy
Gusto niyang patunayan sa lolo ko na tama ang desisyon nito noon na siya ang napakasalan ng kanyang anak
Buti nalang at pursigido si daddy kaya heto na ulit kami ngayon unti unting bumabangon
Nagiging kilala na din naman ang company namin bumabalik na yung mga dating investor na umalis pero ang iba ay nag aalangan pa den. Pero alam ko naman na sa oras na okay na ang lahat babalik din sila.
Akala ko naman na madali lang maiwasan ang pagmamahal pero mali ako. Maling mali. Akala ko pwede itong matakasan dahil wala naman itong magandang maiidulot sa atin e pero hindi ko magawang pigilan kahit na anong pigil ko sa sarili ko. The more na iwasan ko mas nagugustuhan ko pa siya ng sobra.
Sa tuwing nakikita ko siya noon palagi kong tinatanong ang sarili ko kung bakit palaging bumibilis ang tibok ang puso ko pag nandyan siya, kung bakit gustong gusto ko siyang mapatawa, kung bakit gusto ko siyang mapasaya at ang maasar kase gusto ko na siya.
Gusto ko siyang palaging nakikita at kung bakit palagi ko siyang naiisip now I realize it all.
Hindi naman siya mahirap na hindi magustuhan e ang maamo niyang mukha, ang mga mata niyang palaging may laman ng samo't saring emosyun at ang pula niyang mga labi halos perpekto na nga siya e.
Alam ko naman na hindi talaga siya maldita e talagang tinatago niya lang ang tunay na siya para siyang natatakot na malaman ng iba ang kabaitan niya
I don't when it started but I know that I have a feelings for her. Hindi ko pa nga lang mapangalanan kung ano yun pero alam ko na meron talaga nahihiya naman akong sabihin kay Isabelle kung ano talaga ang mga rason kung bakit ko siya ginugulo palagi. Hindi ko nga alam e kung bakit ito nangyare.
---
Today is Sunday and it means family day. Nakagawian na namin na every sunday ay dapat nasa bahay lang kami kumakain o naglalaro pero ngayon sa mall kami pupunta at manonood ng sine, maglaro at kumain at mag shopping siguro pag gusto ni mommy.
Ewan ko kung bakit naisipan nila ngayong lumabas e dito lang naman kami palagi sa bahay pero ayos nalang din yun para hindi ko masyado maisip si Isabelle.
Kakatapos ko lang magbihis ay bigla nalang pumasok bigla si Serenity kaya nabigla naman ako
"Serenity you should knock first bago ka pumasok. E pano pag hindi pa ako naka bihis tapos bigla ka nalang pumasok" pangangaral ko sakanya nag pout lang naman siya habang naka tingin sa akin
"E uya I know naman na your bihis na e" pagrarason pa nito kinarga ko naman siya at lumabas na sa kwarto ko
"Still you should knock first because it's not your room"
Nagbuntong hininga naman siya at sumimangot
"Okay next time"
"Good, now we will wait for mom and dad okay?" Masaya naman siyang tumango kaya nagpa tuloy nalang ulit ako sa paglalakad
YOU ARE READING
Falling Inlove With Mr.Nerd (REVISING)
General FictionIt is about a story of boy and a girl who accidentally love each other.Kahit Hindi ito sinasadyang mangyayari sa kanilang buhay.They both know that they are not destined kasi magkaibang-magkaiba silang dalawa sa lahat ng bagay. Kung magiging sila ka...