|Unang kabanata: Bakit?|

34 0 3
                                    

|Pananaw ni Althea|

Ugh. Nakakairita. Ang bo-bobo ng mga tao dito.Mga walang alam. Lalo na itong taong nasa harap ko.Hindi niya.ba alam kung sino ako?!Tsk.

"Hindi mo ba kilala kung sino yung binangga mo?!" sabi ni Makie. Siya nga pala si Makenzie Rose Mendoza na isa sa kambal ng mga Mendoza, Ang Kanyang kambal naman ay si Vivien Hope Mendoza.

"P-pasenya po."Utal ng babae na hanggang ngayon ay nakaupo pa din sa sahig.Tsk! Marami na ang taong nakapaligid sa amin at nakatingin at tila nanonood ng drama.

Napatingin ako sa aking kaliwa nang biglang nagsalita si Vivien

"Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo!"Sigaw niya.

"Tsk.Tara na girls, wag na nating pag-aksayahan ang walang kuwentang ito.Tsk" Sabi ko ng malakas at sinipa ang babae na sinubukang tumayo na muling natumba dahil sa lakas ng sipa ko sa kaniya.

Bago ko siya malampasan ay nakita kong lumuluha siya. Buti nga sa kanya, atleast ngayon alam na niya na hindi siya dapat humaharang sa daan ng mga reyna.


Tsk, di kailangan ng school na ito ang mga mahihina at pulubi na katulad niya.

Ako nga pala si Althea Mae Rios, ang reyna ng eskwelahang ito at isa sa pinaka-mayamang estudyante at isa din sa pinakamatalino. Oo,tawagin niyo man akong masama, mas maganda at matalino pa din ako sa inyo.

"Ipinapatawag ko si Binibining Martinez at ang Dalawang Binibing Mendoza sa opisina ko. Inu-ulit ko, Ipinapatawag ko si Binibining Martinez at ang Dalawang Binibing Mendoza sa aking opisina. Maraming Salamat." Rinig kong sabi ng aming principal sa speakers.


Hayst. Kung tungkol ito sa babae kanina-nina lang, ayoko na marinig. Nag patuloy kami sa paglalakad sa kainan ng eskwelahan na parang hindi narinig ang sinabi ni Ma'am Sia.

Ayos na sana ang lahat kung hindi lamang naming nakasalubong si Preston James Santiago- ang supreme student government president at isa sa pinakamatalino at mayaman gaya ko.



"Pasensya na mga binibini, pero hindi ba kayo ipinapatawag sa opisina ni Ginang Sia?"
sabi niya sa kaniyang malamig pero malambing na boses habang nakatingin sa amin ng masama. Siguro ay nalaman na niya agad kung anong nangyari kanina.



"So? Anong gusto mong gawin namin? Alis nga dadaan ang mga reyna." pangaasar ni Vivi na lalong ikinagalit ni Preston. Hayst,kung minsan talaga ay nakakairita ang mga ito, nakitang galit na nga siya lalo pang gagalitin. 



"Pupunta ba kayo o kelangan ko pang tawagin ang buong opisyal ng SSG para kaladkarin kayo papunta doon?" Kalmado niyang sabi pero halatang pinipigilan lang niya na wag ipahalata na galit siya.




"O." At ang simpleng sagot na iyon ang naging dahilan kaya nakaupo kami sa harap ng principal habang ang mga ssg officers ay nakabantay sa pinto.hayst, nakakairita, minsan talaga mapapaisip nalang ako kung bakit ko nga ba nagging kaibigan ang dalawang ito.


"Mga binibini, sigurado naman ako na alam niyo na kung bakit ko kayo ipinatawag, tama?" Seryosong tanong ni Ginang Sia.



Malamang, alangan ipatawag mo kami para pagalitan dahil sa kagandahan naming?diba? pagpi-pilosopo ko sa aking isip.Nang walang umimik sa aming tatlo ay napabuga ng hangin si ma'am bago tumuloy sa pagsasalita.



"Pangatlo niyo ng babala ito,ayoko namang masayang ang mga top students namin, lalo ka na Binibining Rios, isa ka sa sampung pinakamagaling at gusto ko napagbutihin mo pa ang iyong pag-aaral at sana wag mong sayangin ang iyong katalinuhan sa mga ganitong bagay."
Wika niya na ikinagulat ng dalawa kong kasama.



"Ngayon, gusto kong maka-usap ang inyong mga magulang tungkol dito kaya ipinatawag ko sila." Tsk, as if makakausap mo ang mga magulang ko, wala sila dito at malamang sa phone or ipod mo lang sila makakausap.

"Makaka-alis na kayo.
" Agad akong napatayo at nagtungo sa pinto, saying lang sa oras ko ang pagpunta dito. Hayst. Makabalik na nga ng canteen habang hindi pa tapos ang isang oras na lunch.

"Anong gusto niyong kainin?" Tanong ko habang nakatingin pa din sa harap at patuloy sa paglalakad.

"Gusto ko ng spaghetti!"
Sabay nilang sabi dahilan kaya ako napatawa ng mahina. Hayst kambal talaga, bigla tuloy akong napaisip... paano kaya kung may kambal din ako? Nonsense.

"Tara kain na tayo." "Kain lang." "Walang tayo." Isa pa talaga at mahahampas ko na itong mga ito.

Habang naglalakad ako papasok ng gate ay laking gulat ko ng makitang bukas ang ilaw sa isang kwarto na nasa ikatlong palapag ng aming bahay... ang kwarto ng aking magulang.

Nagmadali akong pumasok sa loob at ako'y nagulat ng madatnan ko ang aking mga magulang na naka-upo sa sofa at tila may hinihintay. Napatingin sila sa akin pagpasok ko.

"Anak, kailangan nating magusap."
Sabi ng aking ama na ikinagulat ko. Nalaman kaya nila ang nangyari? Bakit sila andito? Tinawagan kaya ni Ginang Sia ang aking mga magulang?

ANG PAGBABAGOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon