|Ikatlong kabanata:Away|

6 0 0
                                    


|Pananaw ni Althea|

"Eto oh."
Ini-abot ni Vivi sa akin ang isang ½ lengthwise na papel. Pag tingin ko ay may mga pangalan at year ng mga tao. Ano ito?

"Ayan yung sinasabi nilang nagpapakalat. Pero hindi ko pa sure kung sino talaga ang pasimuno." Sabi niya habang nakatingin sa harap at nangunang maglakad ng kaonti. Kahit hindi ko kita ay alam kong naka ngisi siya.

"Iisa-isahin ba natin sila o..?" Tanong ni Mackie na para bang excited na excited sa gagawin namin.

"May plano ka na ba Thea?" Napahinto si Vivi at hinintay na makasabay kami sa kanya, pumwesto siya sa kanan ko habang si Mackie naman ang nasa kaliwa ko.

"Syempre, ako pa ba?" napangisi ako ng makita ang isang babae na mag-isang tumatahak ng daan. Mukhang papunta siya sa banyo. Magaling.

"Tara." Sabi ko sa kanila atsaka binilisan ang lakad.
Mabuti na lang talaga at konti na lang ang tao dito, halos wala na nga eh.

"Ano? Aamin ka na ba? Aminin mo na kung sino ang nagpakalat ng kasinungalingang iyon! "Tanong ko sa babaeng naka-upo sa sahig at tila ay hinang-hina na.

"Wala akong dapat aminin." Pagmamatigas nito. Aba't?! Bakit ba ayaw niyang umamin? Gaano ba kahalaga ang taong ito?

"Aba't nagmamatigas ka pa ah?!" Sigaw ni Vivi bago niya ito sipain sa tagiliran. Napangisi ang kabal niyang si Mackie.

"T-tama na p-pakiusap." Pagsusumamo niya pero hindi siya tinigilan ng kambal at paulit-ulit na tinadyakan habang paulit-ulit din silang nagtatanong. Hayst, wala kaming mapapala dito.

"At anong ibig sabihin nito?"
Rinig kong may nagtanong mula sa labas. Napatigil ang kambal at napatingin sa akin na nakaharap din sa kanila.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang mga yabag ng kaniyang paa na papalapit sa amin. T-teka? Akala ko ba naka-lock yung pinto?

"Oh? Bakit kayo andito?"Nagtatakang tanong ni Ginang Sia pagpasok naming sa opisina niya.

"May panibagong kaso ulit sila Madam, Bullying."
Malamig at seryosong sabi ni Preston na nasa kanan ko habang ang kambal naman ay nasa kaliwa ko.

"Maupo kayo." Seryosong sabi ni Ma'am kaya wala na kaming nagawa kundi ang sumunod, kahit ang pinakamatapang na tao dito ay hindi gugustuhing magalit si Ma'am. 

Kahit mabait si Ma'am ay may itinatagong nakakatakot na pagka-tao siya. para siyang salamin.. kung mabait at maayos ka ay mabait din ang turing niya sayo... kung isa kang pasaway at troublemaker ay.... hindi mo na gugustuhin pang umabot sa ganun...


|Pananaw ni Preston|

Habang naglalakad ako sa mga pasilyo ng buong campus upang siguraduhing walang estudyante na may ginagawa na kung ano-ano ay may narinig akong
mga sigaw. Pamilyar sa akin ang mga boses na iyon.

Ano nanamang ginagawa nila?

Bumilis ang lakad ko at hindi ko namalayan na nakatayo na pala ako sa tapat ng banyo ng mga babae, kung saan nanggaling ang mga sigaw.

Pinihit ko ang doorknob ngunit naka-lock ito mabuti na lang ay may susi ako ng mga pinto dito dahil ako ang president ng SSG.

Pagkabukas ko ay tumambad saakin ang dalawa na sinisipa ang isang- teka? S-si Olivia yun ah? Anong kailangan nila sa kaniya?

"At anong ibig sabihin nito?" Kalmado kong wika na ikinatigil nila.Bakit ba may mga ganitong estudyante? laging sakit ng ulo.
"Sumama kayo sa akin." Ma-awtoridad kong sabi kaya kahit ayaw nilang sumunod ay sumunod pa din sila.

Lumapit ako kay Olivia at inalalayan siyang tumayo.
Madami siyang pasa na natamo mula sa tatlo kaya malamang ay hindi ito makakapasok ng ilang araw.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko. Malamang hindi, nako magisip ka nga James.Inalalayan ko siyang palabas ng banyo. Kung wala lang ang tatlo dito ay binuhat ko na sana siya sa likod ko para mas mapadali ang trabaho.

"Oo, salamat sa iyo, Pres."Nakangiti niyang sabi sa akin kahit kita ko sa mata niya na nahihirapan siya.Nilingunan ko ang tatlo at sinamaan ng tingin.

"Sumama kayo sa akin. Subukan niyong tumakas at mas malala ang mangyayari sa inyo." Malamig kong sabi. Kahit na maaangas ang mga ito ay hindi sila makakapalag pagdating sa amin ni Maam Sia.

Inalalayan ko si Olivia papuntang clinic habang nakasunod lamang ang tatlo sa amin na parang mga aso.
"Oh? Anong nangyari sa iyo iha?!" Pambunggad na tanong ni Nurse Lu. Lumapit agad siya at tinulungan akong alalay kay Olivia.

"Gusto kong gamutin mo siya ng lahat ng iyong makakaya. Kung kailangan din ay dalhin mo siya sa ospital." Sabi ko kay Nurse Lu na agad namang tumango at kumuha ng first aid kit.

"At ikaw, magpaggaling ka agad. Tatalunin mo pa ako." Nginitian ko si Olivia na tumawa ng mahina.

"Talunin ka? Ikaw nga ang dapat na tumalo sakin eh." Sabi niya habang nakapikit. Natawa naman ako sa sinabi niya at tumingin sa orasan. Magaala-sais na.

"Sige na, aalis na ako, Magpagaling ka ah? Nurse Lu, ikaw na ang bahala sa kanya." Sabi ko at lumabas na.Nadatnan ko ang tatlo na nakaupo sa maliit na bench sa labas na tila ay bored na bored na.

"Sumunod kayo sakin." Sabi ko at nagsimula ng lumakad patungo sa opisina ni Ma'am Sia.

"Kaano-ano mo ang loser na iyon?" Narinig kong tanong ng isa sa mga kambal.

Loser? Kung may loser man dito, ikaw yun.

"Loser? Sino? Ikaw? Di kita kaano-ano."Pabalang kong sagot ng hindi man lang tumitingin sa kaniya.(A/N: HAHAHAHAHAHAHA  *PATS BACK* GOOD JOB)

"H-hoy! Sinong tinatawag mong loser ha?!"Rinig kong sabi ng kambal niya. -_- Mga asar talo. Sarap pag-untugin, kung hindi lang ako ang katawan ng ssg ay nako.

"Tama na yan Vivi." Saway naman ni Althea na parang na-iirita na patuloy siya sa paglalakad.

Tsk. Siya pa may ganang mairita? napabuntong hininga na lang ako at hinitay na mauna ang kambal bago ako sumunod.

ANG PAGBABAGOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon