|Ika-apat na kabanata:Paalam|

3 0 0
                                    



|Pananaw ni Althea|

Parang ambilis ng oras dahil pagkatapos ng nangyari ay hindi ko na namalayan na nasa tapat napala ako ng bahay namin.Dahan-dahan akong lumapit sa gate at binuksan 'yon. Hayst pakiramdam ko lahat ng enerhiya ko ay naubos sa pakikipag-usap lamang kay Ma'am Sia.

"Anak, Hindi ba binigyan ka na namin ng babala na kung matatawag ka nanaman sa opisina ni Madam Sia ay may mangyayari sa iyo?" iyan ang unang sumalubong sa akin pagkapasok ng bahay.

"Hahaha. Nakakatawa Dad, alam ko naman na pantakot niyo lang iyon ni Mommy."Walang gana kong sabi at aakyat n asana ng hagdan ng muling magsalita ang aking ama.
"Tingin mo talaga biro lang iyon? Nagkakamali ka. Magpa-alam ka na sa mga kaibigan mo at sa dati mong buhay" Sabi niya na ikinagulat ko.

H-hindi maaari...Ayoko! Nabalik ako sa katotohanan ng makaramdam ako ng tubig mula sa aking mata. Umiiyak ako?

Kumaripas ako ng takbo papunta sa aking kuwarto at napabagsak sa aking higaan. Ang mga luha ko ay hindi pa din tumitigil. Bigla kong na-alala ang mga nangyari.

"Anak,kailangan nating mag-usap." Sabi ng aking ama na ikinagulat ko. Nalaman kaya nila ang nangyari? Bakit sila andito? Tinawagan kaya ni Ginang Sia ang aking mga magulang?

"Maupo ka."Sabi ng aking ina at itinuro ang upuan na nakaharap sa kanila.


"Marahil ay nagtataka ka kung bakit kami andito." Nginitian ako ng mapait ng aking ina. Bakit nga ba?

"T-tinawagan ba kayo ni Ma'am Sia?" Utal kong tanong.

"Oo. Sinabi din niya kung ano ang mga ginagawa mo ." Seryosong sabi ng aking ama.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa bahay, pati ata yung aso naming ramdam yung tensiong nabubuo dito sa sala namin.


Tahimik lang kami na tila ay naghihintay sila ng explenasiyon ko habang ako ay nakatingin lamang sa sahig. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Dad bago siya muling nagsalita.

"Anak, ayaw man naming gawin ito, ito ang nararapat, patawarin mo sana kami."
Wika ng aking ina na nagsisimulang umiyak kaya naman ay hinawakan siya ng aking ama sa balikat.

T-teka? Anong gagawin nila? Panakot lang naman siguro nila ito 'diba?

"Kinausap na namin si Madam Sia at pumayag siya na kapag may ginawa ka nanamang perwisyo ay mae-expel ka panandalian sa school at lilipat ka sa probinsiya. Lilipat ka sa Auntie Claire mo. At doon ka muna titira at ikaw din ay panandaliang papasok sa isa sa mga public school doon. Babalik ka lang dito kapag natutunan mo na ang leksyon mo. Sana ay may matutunan ka. Mahal ka namin Anak."Mangiyak-ngiyak na sabi ng aking Ama.

P-panakot lang ito. Oo. Hindi nila kayang gawin iyan saiyo.

Bakit?Hindi ba talaga nila ako mahal?Wala ba talaga silang pake-alam sa akin? Bakit? Paano? Paano nila nakakaya na magkalayo kami? Bakit iba ang magulang ko? Bakit yung ibang magulang hindi kaya? Bakit? Ah, dahil nga pala ay hindi nila ako mahal.

Kaya nga noong bata pa lamang ako, noong hindi pa sila umaalis ay lagi nila akong kinukumpara sa iba. Lagi. Yung mga expectations nila na sobrang taas.

Iyak ako ng iyak, tila hindi nau-ubos ang aking mga luha. Eto na siguro yung mga luha na kinikimkim ko simula pa lang noon.

******************************************

AWE SAAAAAAAAAAAAAAAAAADDDDD IYAAAQ

ANG PAGBABAGOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon