|Ikalimang kabanata: Maligayang pagdating?|

2 0 0
                                    

|Pananaw niAlthea|


"Anak,gising na."Narinig kong sabi ni Mommy kaya naman ay napamulatako agad.


"Sabado ngayon ah? Bakit mo ako ginigising?" Inis na sabiko. Matutulog na sana ako ulit ng bigla kong maalala kung ano ang pinagusapannaming kagabi. H-hindi.

"Pasensya na anak. Ngayong araw ka lilipat sa probinsya."Tama nga anghinala ko. Pagkasabi niya noon ay lumabas siya ng kwarto at iniwan ako ng mag-isaat tulala.

Kahit kaka-gising ko pa lang ay pakiramdam ko pagod na pagod ako. Dahan-dahanakong naglakad patungo sa banyo na nasa loob ng kwarto ko.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay nag-empake na ako. Kahit naman siguro aymagreklamo ako ay buo na ang desisyon nila. Ramdam naman yun sa pagka seryosong tono ng boses nila.

Pagkatapos kong mag-empake ay bumaba ako para kumuha ng pagkain ng bigla akongatakehin ni Kookie at ni V, ang dalawang aso naming, si Kookie ay isang brownna crossbreed ng husky at malamute habang si V naman ay isang red and white cardiganwelsh corgi.

Binuhat ko si V dahil siya lang ang kaya kong buhatin at nagpatuloy sa kusinakung saan ko nakita ang aking ina na nagluluto ng almusal.

"Oh! Anak tapos ka na pala! Dali! Upo ka na dun sa mesa atmalapit na maluto ito." Pagmamadali niya sa akin kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod.

Ibinaba ko muna si V bago ako naglakad papunta sa silid kainan kung saannadatnan ko ang aking tatay na nakatutok ang atensyon sa kaniyang cellphone.

"Oh? Gising ka na pala. Ano? Nakapag-empake ka na ba? Magandadoon sa probinsya. Sariwa ang hangin at ibang-iba dito." Ibinaba niyaang kaniyang phone at tumingin sa akin kaya napa-iwas agad ako ng tingin.

"Oh!Handa na ang almusal." Pagpasok ni Mommy sa usapan.

Kaya ba silaganito ay dahil ito na ang huling araw ko dito sa Manila? Tsk. Mga pakita."Anak, tandaan mo, Kapag may nakitang pagbabago ang mga taongnakapaligid sa iyo, Uuwi ka na din dito agad." Iyak ng aking ina kaya niyakap siya agad ng akingAma.Hindi, Wag kang iiyak Althea. Ipakita mo sa kanila na matatag ka at kayang mong lampasan ang pagsubok na ito.

"Paalam na Anak. Mahal ka namin." Sabi ng aking ama na mangiyak-ngiyak din.

Pumasok agad ako sa sasakyan na kanina pa nag-iintay dahil ayokong Makita angpagluha nila. Bakit ganito? Ang sakit makita na umiiyak sila.

"Maam? Baka gusto niyo po munang umidlip, mukhang di po kayonakatulog ng maayos kagabi. Malayo din po ang byahe."Sabi sa akin ngaming driver na si Manong Renold.

Napatango nalang ako at tuloy pa din sa pagtingin sa labas ng bintana.Habang tumatagal aynararamdaman ko ang pagbigat ng mga talukip ng aking mga mata."Oh!Ineng!Uya ka na pala!Laog ka."Bungad sa akinni Tita Claire.

A-ano daw? Anong sinasabi niya? Kung si tita pa nga lang ay hindi ko namaunawaan. Paano pa kaya ang iba?!

"Ukaw ka!"Sabi niya habang nakangiti at parang hinihintay ang gagawin ko... Ano?

"Uhh? Hindi kita maintindihan." Sabi ko naikinatawa naman niya. Uh? Ok? Ang kakaiba niya. Wala namang nakakatawa ah?

"Nakalimutan ko, hindi ka nga pala nakaka-intindi ng bicol.Paumanhin."Sabi niya na ngayon ay hindi na gaanong tumatawa.Uhm? Ok.

"Anlaki mo ng bata ka! Noong huling kita ko ay hanggang ditolang kita."Turo niya sa kaniyang bewang."Hehe...Oo nga po eh. Matagal-tagal na po akong 'di nakakapuntadito."Tawa ko ng mahina. Hindi talaga ako sanay na makipag-usap sa iba. Lalo nasa mga kamag-anak ng aking pamilya dahil pakiramdam ko ay laging mataas angexpectation nila sa akin.

"Tara! Ngayon nga din pala kita ie-enroll sab ago mongeskwelahan, ngayon ka din mamimili ng mga gagamitin mo at ngayong araw din aytitingnan ko kung paano ka makisalamuha sa ibang tao." Sabi niya atagad akong hinila palabas ng bahay.ini-lock niya ang bahay na hindi gaanun kalaki at kung iku-kumpara mo ito sa mga bahay sa Manila ay pangkaraniwan lamangito. Teka?Mayamannaman si Tita pero bakit ang simple ng bahay niya? May hardin din sa likod.T-teka? Siya din ba ang nagha-hardin?! Bakit? Bakit hindi na lang siya kumuha ng manggagawa?



ANG PAGBABAGOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon