|Ika-anim na kabanata: Bagong salta|

4 0 0
                                    

|Ika-anim na kabanata: Bagong salta|

|Pananaw ni Althea|

Sobrang bilis ng mga araw at hindi ko namalayan na araw na pala para pumasok ako sa bago kong paaralan. Kahit labag man sa kalooban ko ay pumasok ako. Naalalako kasi yung sinabi ni tita bago ako matulog kagabi.

"Tandaan mo Althea,Kapag tumino ka at kapag may nakitang pagbabago ang iyong mga magulangay makaka-alis ka na dito at makakabalik ka sa dati mong buhay. Iyon ang gustomo hindi ba? Kaya dapat ay pagbutihin mo."
Tama siya, iyon naman talaga ang gusto kong mangyari hindi ba?O...yun nga ba? Yun nga ba talaga odahil gusto kong mapatunayan sa magulang ko na mas mataas pa ako sa mga ine-expect nila sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako habang naka-dungaw sa bintana. Ang ganda ngtanawin. Pero mas maganda ako.Matagal-tagaldin akong nakatingin dahil hindi ko namalayan na dumating na pala ang amingguro. Napatingin ako sa orasan na nasa aking pulso.

8:50 A.M. Kanina pang 8:30 dapat nagsimula ang klase. Benteng minutos na late ang guro namin.

"Magandang umaga! Pasensiya na at na-late ako, inasikaso kopa kasi yung anak ko." Ngitinitian niya kami bago nagsimulang magturo sa kaniyang lesson. May anak siya?Pero kahit na. hindi ba dapat ay marunong ng magasikaso ng sarili ang anak niya?

"Oo. May anak si Maam. Labing-isang taong gulang at grade 6.Sa malapit na elementary school nag-aaral ang anak niya." Rinig kong sabing katabi ko. Uhm?

Lumingon ako sa kanan ko nakita ang nakangiting mukha niya. Maganda siya, maputi at makinis pero mas maganda padin ako.

"Helloo~! Ako nga pala si Rhea May Castillo! Ikaw?" Masigla niyang bati kaya naman ay napangiti ako. Na-alala ko si Mackie sa kaniya... Si Mackie... Kamusta na kaya yung kambal?

"Hala! Ngumiti ka na nga kanina, sumimangot ka ulit." Napatawa ako ng mahina ng makita ang malungkot niyang mukha. Para siyang yung bata.
"Sooo? Ano na name mo~?" Sabi niya ng mahina dahil napansin na kami ng aming guro.

"Althea Mae Martinez. Nice to meet you." Wika ko at inilahad ang palad ko na agad naman niyang tinanggap.

"Mga binibini,tapos na ba kayong mag-usap?" Sabi ng aming guro kaya naman ay napatawa kami ng mahina bago tumutok sa itinuturo niya. Hmm... Hindi naman ito ganun ka hirap marahil ay naituro na ito sa amin doon sa dati kong school.

"Tara Althea! Ipapakilala ko sa iyo yung kaibigan kong si Theia. Hehehehe Parehas kayong may 'Thea' ang galing!" Sabi niya bago ako hilain palabas ng silid at papunta sa school ground. Nasa ikatlong palapag nga pala kami ng eskwelahan.

May apat na palapag ang eskwelahan at isang malawak na rooftop.

"Rheaaaaaaaaaa!" "Theiaaaaaaaaaaaaaa!"
Halos mabingi ako sa mga sigaw nila. Ilang taon ba silang hindi nagkita?!

"Oh? May kasama ka? Ipinagpapalit mo na ako T^T Baaad!" Sabi niya at parang nagtatampo kaya hindi ko maiwasang mapangiti...itong dalawang ito...para silang yung kambal.

"Umayos ka nga! Bakit kita ipagpapalit? Eh wala namang tayo~" Ngisi ni Rhea kaya naman ay napatawa ako. At ang tawa ko naman ay naging dahilan ng pagtingin nila sa akin.

"Hala ang kyut. Bes bakit ang cute nung dinala mo."Sabi ni Theia na tila di makapaniwala sa akin.

"Hay nako Theia, tara na nga at nagugutom na ako."Sabi niya at nagsimula ng maglakad.

"Hehehe. Hi! Ako nga pala si Theia Bidaurre!"
"Althea Mae Martinez. Nice to meet you."

"May tanong ako... yung guro natin kanina... yung anak niya... Bakit kailangan niyang asikasuhin iyon? Hindi ba masyado ng matanda ang anak niya?"Napatigil sila sa pagkain dahil sa tanong ko kaya naman ay napaisip ako kung tama ba na sakanila ko itinanong iyun. O kung dapat ba talagang itanong iyun.

Napatingin ako sa kinakain kong burger with fries nang matahimik sila at magkatinginan.

"Si Maam Rivera? Ah yung anak niyang si Michelle, may sakit kasi yung bata. Ang sabi, since birth na daw yun. Pero ang sabi alam na daw nila na may sakit siya kahit noong nasa loob pa lang siya ng tiyan."

"Hindi nila ipinalaglag yung bata dahil napamahal na sila. Mahal na mahal nila yun kahit ganun."

Kahit hindi ko pa nakikilala masyado si Maam Rivera ay masasabi ko na isa siya sa magagaling na ina. At maswerte ang anak niya dahil siya ang naging ina nito.

Kung magkasing ugali kaya sila ni Mama...Ganito pa din ang aabutin ko? Malamang hindi.

"Nga pala, bakit ngayong quarter mo naisipang lumipat ng paaralan?"Tanong ni Theia na tuloy pa din sa pagkain ng spaghetti niya.

"Ah? Kasi may ginawa ako na hindi maganda?" Hindi ko siguradong sagot.

Kahit naman alam ko na kung ano talaga ang dahilan ay hindi ko ito sasabihin ng basta-basta lang. Una, kakakilala ko pa lang sa kanila, pangalawa ay ayaw ko itong pagusapan.

"Magandang Umaga mga estudyante." Napatingin ako sa aking likuran kung saan may isang grupo na may mga asul na telang nakatali sa braso nila pero ang isa ay may pulang tela. Ano ito? Isang gang?

At bakit may pusa na stuffed toy na hawak ang babae? Sino sila? At bakit parang pinagkakaguluhan sila ng mga estudyante.

"Sila ang tinatawag na Elite 10. Sila ang may pinakamatataas na grade dito sa eskwelahan. Sa ika-apat na palapag sila matatagpuan." Paliwanag ni Rhea na para bang nababasa niya ang nasa-isip ko.

"Uh-huh. Yun namang may pulang tela ay si Lucifer Mendez. Siya ang nangunguna sa elite 10 at siya din ang Presidente ng Supreme Student Government dito."
T-teka? May SSG at Elite 10 sila? A-akala ko ba isang public school lang ito. Eh bakit parang mas maganda ang eskwelahang ito kesa sa iba?!

"Hoy bagong salta! Halika dito! Usap tayo"

ANG PAGBABAGOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon