Chapter 1

3K 38 0
                                    



HAPON habang hinihintay namin si Papa, sa sala para sa hapunan, nag paalam ako kay Mama.

"MAMA, ngayon tapos na ako sa elementary, puwede po bang doon muna ako kay kuya sa Manila. Please mag babakasyon lang ako pag pasukan na saka na lang ako babalik dito?"excited na ako.

"Oh, sige anak pero sasabihin muna natin sa Papa mo ha."

Nalungkot ako bigla kasi hindi agad pumayag si Mama."Sige po Mama, sana pumayag si Papa, para naman makapasyal ako sa Luneta at star city,"hindi ko pinahalata kay Mama ang naramdaman ko.

Sabi ni Mama."Hay, naku Lorena, hindi kana bata para doon mo pa gustong pumunta, para sa mga bata lamang ang star city."

"Ah, basta Mama, mag papasama ako kay kuya pupunta roon,"talagang gusto kung makita ang star city na sa tv ko lang nakikita.

"Hala ikaw ang bahala sana huwag matigas ang ulo mo, lagi kang sumunod sa utos ng kuya mo ha, pero kung papayag ang Papa mo,"dahil sa sinabi ni Mama nabuhayan bigla ako.

Tamang dumating si Papa."Anong pinag uusapan ninyong mag-ina bakit kasama ako sa usapan ha?"bungad niya sa amin.

"Ito kasing anak mo Lope, gustong mag bakasyon sa kuya niya sa Manila. Eh, ang sabi ko ipapaalam ko muna saiyo."

"Abay walang problema, total bakasyon naman ah,"sa narinig ko tuwang-tuwa ako.

"Papa, salamat ha, dahil pumayag ka,"todo ang ngiti ko na.

"Papayag ako kasi sa kuya mo ikaw pupunta kung sa iba, kahit na mag lulupasay kapa sa pag-iiyak hindi ang sagot ko."

"Ang bait talaga ng Papa ko."lambing ko na.

"At ako, Lorena, hindi ba mabait ha?"sabat ni Mama.

"Mama naman, siyempre the best Mama ka para sa akin."totoo si sobranv bait niya.

Ngumiti si Mama sa sinabi ko."Talaga anak?" paniyak pa niya sa akin.

"Yes, Mama. I love you Mama, Papa,"todo lambing ko na sa kanila.

"Mahal karin namin anak. Oh, sige na mag empake kana at tatawagan ko ang kuya mo para sunduin ka niya sa terminal,"ang saya ko talaga.

"Sige po, Mama, Papa, pero kiss ko muna kayo."tag-iisang halik sa pisngi ang iginawad ko sa kanila patakbo ko ng tinungo ang hagdan.

"Ang anak natin Lope, dalaga na ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang baby pa siya."

"Kaya nga eh, Wilma, binata at dalaga na sila at mababait pa hindi tayo binibigyan ng sakit ng ulo."

"Lope, naging mabuti tayong magulang sa kanila, kaya dapat lang na maging mabuti rin sila."

"Tama ka, Wilma."

Nang hapon iyon bumiyahe na ako. Alas-singko ng umaga nasa bus terminal na ako sa Manila. Pagbaba ko palang sa sinakyan ko agad kung nakita si kuya napasigaw ako parang nasa probinsiya lang eh.

"Kuya Jhun,"nakangiting nilapitan ako ni kuya.

"Kuya, na miss kita," siyempre yumakap ako ng pahigpit matagal din kasi kami na hindi nagkita.

"Wow, dalaga na ang kapatid ko ah?"napasimangot ako ngumiti si kuya ng makita niya ang nguso ko.

"Kuya, bata pa ako trese palang ako eh,"depensa ko.

"Oo, pero hindi halata na trese ka palang, Lorena, dahil ang laki mong bulas mana ka kay Mama."

"Oo kuya, nasa lahi kaya natin ito kuya,"totoo mga pinsan ko matatangkad.

LORENATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon