Chapter 5

1.7K 29 0
                                    



SA araw ng pag-uwi ko sa amin pakiramdam ko ayoko pang lisanin ang Manila, pero kahit papaano excited pa rin akong makita sina Mama at Papa ang at mga kaibigan ko. Kaso talagang ayaw kung iwan si Mark.

Napa isip ako bigla."Hay ano kaya kung sabihin ko kay kuya na dito na lang ako mag aaral sa Manila, ayoko ko kasing malayo kay Mark kung uuwi na ako madalang ko na siyang makita mamimis ko siya."

Pumasok si kuya sa silid ko."Oh, Lorena. Nakahanda ka na bang umuwi? Oh, bakit tila hindi ka masayang uuwi na hindi mo ba na miss sina Mama at Papa?"

"Po? Kuya miss ko rin sila."ani ko.

"Kung na miss mo sila, bakit malungkot ka? Diba dapat masaya ka, Lorena?"

"Masaya naman po ako kuya."

"Talaga? Eh, bakit hindi ka man lang ngumiti, smile kana para lalo kang maganda?"

"Kuya naman, eh,"pero nakangiti na ako ng pilit lang.

"Ngumiti ka nga pero pilit naman. Mayroon kabang problema Lorena, sabihin sa kuya kung ano man iyan."napansin ni kuya ang mananamlay ko.

"Ha? Kuya, wala naman po akong problema."

"Hmmm, alam ko na may kulang ba sa gamit mo para sa school mo?"

"Kuya, kumpleto na po lahat."

"Ganun naman pala eh, bakit may lumbay saiyong mata ha, Lorena?"

"Wala ito Kuya, siguro dahil mamimiss kita."

"Lorena, kapatid ko kahit ako rin mamimiss kita lalo ang kakulitan mo. Ayos naba ang mga gamit mo?"

"Okay na po, Kuya,"nawala tuloy ako ng lakas loob para sabihin kay kuya ang gusto ko.

"Oh, sige tara na para makauwi ka kaagad, tinawagang ko na sina Mama at Papa, para salubungin ka sa bus terminal."

"Sige po, kuya tara,"mabigat ang pakiramdam ko na aalis dahil wala pa ang si Mark pero ang sabi niya sa akin ihahatid rin ako.

"Bakit wala pa siya, ka inis naman siya eh," bulong ko ewan ko ba basta nakadama ako ng inis.

"May sinasabi ka ba, Lorena?"naulingan pala ni kuya.

"Po? Wala naman kuya,"kaila ko.

"Para kasing narinig kung bumubulong ka eh."

"Wala po talaga, Kuya."

"Sige na mauna kana sa labas may kukunin lang ako sandali sa kuwarto ko."

"Opo, kuya,"tama naman paglabas ko ay siya rin ang pagdating ng hinihintay ko.

Nang makita ko na siya agad nag liwanag ang akin mukha at napangiti na ako.

"Mark, akala ko hindi kana darating para ihatid din ako?"anas ko baka narinig ni Kuya.

"Puwede ba naman hindi ako darating, diba promise ko sayio na ihahatid din kita?"

"Akala ko lang kasi, dahil wala kapa,"ngumiti siya sa akin hinaplos niya ang pisngi ko.

"Oh, kuya mo nasaan ba siya?"

"May kinuha lang siya sa kanyang kuwarto."

"Halika nga payakap sandali, habang wala pa ang kuya mo."

May takot ako siyempre."Pero baka babalik na si Kuya, makita pa tayo."

"Hindi pa,"kaya agad niya akong hinila niyakap ng mahigpit bumulong siya sa akin."Mamimiss kita ng sobra, Lorena!"

"Ako din naman ah, parang ayoko ng lumayo saiyo, Mark, gusto ko lagi kitang nakikita."

"Hindi naman puwede, Lorena. Kasi kailangan mo pang mag-aral pero promise pupuntahan kita sa inyo."

LORENATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon