Chapter 16

1.5K 35 0
                                    



NAPA ATRAS ang lalaking papalapit kay Lorena ng may naunang lumapit."Putcha! may pakialamero pang dumating!"

"Lorena," ani naman ni Jhun sa kapatid ng masalo niya ang anak nito.

"Oh, God, anong nangyari sa kapatid ko? Lorena, gumising ka narito na ako,"niyugyog niya ang kapatid pero hindi pa rin tuminag ito kahit anong yugyog pa ni Jhun.

tumingin siya sa tindahan kung mayroong tao.

"Tao po, tao po," tawag niya sa may-ari ng tindahan.

Lumabas ang babaeng kausap ni Lorena kanina."Anong bibilhin mo?"anito.

"Manang, wala po akong bibilhin mag papatulong po sana ako saiyo, para ipasok ang kapatid ko sa kotse ko po!"

"Ha? Anong nanvyari sa kanya? Kanina lamang ay okay naman siya ng iwan ko."

"Hindi ko po alam Manang, ginigising ko po siya pero wala na."

"Dios ko po sinasabi ko nga ba eh, sige na dalhin mo siya sa hospital ngayon din para maagapan siya."

"Bakit po Manang, anong nangyari sa kapatid ko?"

"Kasi kanina nakita kung na mumula na siya, dahil siguro sa malayo ang kaniyang nilakad at pagod na rin baka nabinat siya kapapanganak pa lamang eh, sige na buhatin mo na siya ng madala mo agad siya sa hospital aking na muna iyan baby para mabuhat mo ikaw ba ang kuya niya?"

"Ako nga po Manang,"tugon niya kaagad na niyang binuhat ang kapatid.

Pag kapasok niya sa kapatid sa loob ng kotse agad niyang kinuha ang pamanking sa may-ari ng tindahan.

"Manang, maraming salamat po sa tulong mo."

"Walang ano man. Oh, ingatan mo ang baby ha,dahan-dahan sa pag buhat sa kanya malambot pa ang mga buto niya,"paalala nito sa binata.

"Opo Manang, sige salamat po ulit."

Tumango ito bilang tugong sa sinabi ng binata.

Habang nag mamaneho si Jhun, pa tingin-tingin naman siya sa baby ng kapatid na inilagay lamang niya sa upuan ng kaniyang kotse.

Nang makarating siya sa hospital agad na inasikaso ng mga doctor si Lorena.

"BAKIT,ngayon ka lang dumating, Mark, at amoy alak kapa!"sita ni Aizen sa asawa.

"Ano ngayon kung amoy alak ako ha!" sagot niya sa asawa lumakad na ito pa akyat na sana siya ng bigla siyang napahandusay.

"Mark!"kaagad na dinaluhan ang asawa.

"Iinum-inum ka di mo naman kaya mabuti na lamang at hindi ka na aksidente sa pagmamaneho mo!"

Nang hawakan niya ito para itayo tinabig ni Mark ang kamay ng asawa.

"Huwag mo akong tulungan kaya ko pa ang sarili ko!"

"Mark, kung kaya mo di sana hindi ka natumba puwede ba huwag matigas iyan ulo mo!"

Pero hindi siya pinakingan nito at kahit pasuray-suray sa pag akyat nagawa pa rin ni Mark na makarating sa kanilang silid at agad ng nahiga ilang sandali lamang tulog na.

Kumuha mainit na tubig si Aizen para punasan ang asawa.

"Mark, alam kung nagbabago kana sa akin dahil kay Lorena, pero hindi ako papayag na iiwan mo ako dahil lamang sa kanya mahal na mahal kita," dinampian niya ng halik ang labi nito.

KINABUKASAN.

" Oh, Aizen hija, na saan ang asawa mo? Bakit hindi nating siya kasabay na mag almusal, at hindi ba siya papasok sa opisina niya?"

LORENATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon