CHAPTER 2
Kahit alam ng mga ito ang nature nito ay gusto pa rin ng mga ito na sila naman
ang pag-aaksayahan ng oras ng lalake.
“Hi, girls.” Tugon pa ng lalake na nakangisi sa mga ito.
“Pooh! Talaga naman.” Mahinang ani Yong kay Marco.
Ngumisi naman si Marco kay Yong at tinapik ito sa balikat.
“Parang naninibago ka pa sa pinsan ko, ah. Huwag mo na ngang pansinin ang
mga babaeng yan kung ayaw mo. At baka sabihin ng gf mong nahahawa ka na kay
Edward.”
“Wag mo ngang sabihin yan, Marco. Baka magkatotoo.”
Napatawang sabi pa nito habang busy sa pagpapa-charming si Edward sa mga
babaeng kapwa estudyante.
“Dale, balita ko nagpa-enrol ka na daw sa university na pinapasukan ko.”
Masiglang sabi ni RiTa sa kabilang linya ng cellphone ng dalagang nasa lawn,
nakaupo sa silyang bakal at nagbabasa ng magazine nang tumawag ang kaibigan.
“Yes, Rita. Sorry at nauna na akong nagpa-enrol sa yo.”
“It’s OK. I thought lang na baka may maitulong ako.”
“No. Thank you. Everything’s fine. Kinausap ko ang taga-administration so I
didn’t have much problem about the proceedings.”“That’s good to hear. Pero malay mo, baka magka-classmates pa tayo, di ba?
Ano bang skedyul mo at yan na lang ang kukunin ko?”
Katulad din niya itong kumukuha ng kursong Management.
Sinabi na lang ng dalaga at inilapag na niya ang cellphone sa mesang bakal at
napatingin siya sa veranda kung saan nakatayo ang kanyang tiyahing nakamasid sa
kanya.
Ngumiti lang siya rito nang matipid at ibinalik na sa magazine ang kanyang
atensyon.
“Why don’t you go out, Dale?” tanong pa ng tiyahin niyang nasa likuran na pala
niya at di niya namalayan.
Umupo ito sa isang silya na nakangiti sa kanya.
“I don’t want to go out, tita.”
“Why don’t you talk to Fenech? Baka pareho lang kayong dalawa. And in that
way…”
“I ought to forget, tita. Pero hindi yan mangyayari kapag kakausapin ko si
Fenech.”
Napalunok na aniya at agad na may luhang nangingilid sa kanyang mga mata.
“I’m sorry. I thought it was just a good idea, Dale.” Naiiling na anang Cora.
“And I know how you feel. As I can see, you’re still mourning for her brother. But why
don’t you let go, Dale?”... ITUTULOY....
BINABASA MO ANG
AN ICONIC LOVE
RomanceAN ICONIC LOVE Kahit tahimik si MaryDale ay famous pa rin siya dahil sa kanyang kasuotang all- black. Dahil kaya dito o sa anupaman at nagugustuhan siya ng certified playboy na half-Filipino and half-Japanese na si Edward? Ngunit may istorya sa...