CHAPTER 33
“I still feel guilty, Vivoree. Pero para naman akong nabunutan ng tinik nang
masabi ko na sa kanya ang lahat.” Turan pa ni Fenech habang nag-uusap silang
magkaibigan sa may pool ng huli.
“Well, anuman ang sekretong iyon na sinabi mo na rin sa wakas kay Marydale,
I’m glad na nasabi mo na. In that way, natulungan mo siya at natulungan mo rin ang
pinsan ko.” Nakangising saad ni Vivoree.
“At ano ang naitulong niya sa akin?” biglang sabad ni Edward mula sa kanilang
likuran na magkaibigan, kasama sina Marco at Yong.
“Wag mo ng itanong. Ang importante, may pag-asa ka na sa Miss Black Woman
na kinahuhumalingan mo ngayon!” nakatawang tugon ni Vivoree.
Nasurpresa naman si Edward pero nakangiti siyang nakatingin kay Fenech na
nasa tabi ng pinsan.
“Kita mo, nagagamit rin natin si Vivoree.” Bulong pa ni Yong kay Edward.
“Shut up. Kapatid kong ginagamit natin para sa kasiyahan ni Edward!”
nakasimangot na anang Marco na binak-hand sa dibdib si Yong.
Napaubo na lang si Yong dahil doon.
“Kung natulungan mo man ako, salamat sa yo.” Bahagyang yumuko si Edward sa
harapan ni Fenech na sinsero ang ekspresyon.
Napangiti naman si Fenech na tumango sa binata.“Pero pwede mo ba akong bigyan ng mga tips para mapaamo ko na talaga si
Dale?”
“Huh, mahiya ka nga! Ang laki ng pabor na hinihingi mo sa kaibigan ko, ano?”
taray pa ni Vivoree sa pinsan.
“Baket, di naman ikaw ang hinihingan ko, di ba?” kumindat pa si Edward sa pinsan
nang nakangiti.
Napataas ng kilay si Vivoree at napangiti na lamang.
“Ayokong magbigay sa yo ng tips na nagawa na ng kapatid ko.” Sabi pa ni
Fenech.
“Of course.” Biglang sumeryoso si Edward.
Nagkatinginan naman sina Marco at Yong. Lingid sa kanilang kaalaman ay minura
nang mahina ni Edward ang pangalan ni Luis.
“And what’s the idea of still wearing gray?” tanong pa ni Rita habang
naglalakad sila sa pasilyo ng unibersidad kinabukasan.
“Wag kang mag-aalala. Isang buwan ko lang isusuot ang kulay na ito at babalik
na ako sa dati.” Ang tugon pa ni Dale.
“Anong dati? Which dati?” tarantang tanong ng kaibigan. “The black one? Oh,
no!”... ITUTULOY...
BINABASA MO ANG
AN ICONIC LOVE
RomanceAN ICONIC LOVE Kahit tahimik si MaryDale ay famous pa rin siya dahil sa kanyang kasuotang all- black. Dahil kaya dito o sa anupaman at nagugustuhan siya ng certified playboy na half-Filipino and half-Japanese na si Edward? Ngunit may istorya sa...