35

826 40 1
                                    

CHAPTER 35

“Sa librarian. May sasabihin lang ako sa kanya na magugustuhan niya. Kahit
magpupustahan pa tayo, eh.” Kumpiyansang sabi ng binata sa dalawa at nagapatuloy
sa paglapit sa librarian.
Nanonood na lang ang dalawa mula sa kanilang kinatatayuan.
“Anong sinabi mo sa kanya?” tanong ni Marco pagkatapos.
“Magdo-donate ang pamilya natin ng mga bagong aklat dito sa library.
Natutuwa siya talaga!” nakangisiing turan pa ni Edward.
Napamaang si Marco. Napakurap naman si Yong.
“I-ilan ang sinabi mong ido-donate n’yo?” tanong ni Yong.
“At least a thousand different books.” Kumibit na anang Edward.
Nagkatinginan sina Marco at Yong.
“Oba Areru might not like the idea.” Umiiling na anang Marco.
“Or she will. Don’t worry.” Tapik pa ni Edward sa balikat ng kanyang pinsan.
“Bakka-yero!” sambit ulit ni Marco.
“Ano kaya ang sinabi ng taong yun sa librarian at natutuwa pa ang istriktang
librarian natin?”
Nagtatakang anang Rita habang hinahawakan ang aklat na kailangan ni Dale
papunta sa isang mesa.

“Nino?” wala sa sariling anang Dale dahil nakasentro sa mga aklat ang kanyang
atensyon nang napaupo at tinignan ang Index nito.
“Si Edward, kinausap ang librarian natin at natutuwa ang librarian natin. Ayaw pa
naman sana niya kay Edward, eh. Kase aanga-anga kapag andito sa library. At
nagbabadya ng lagim kapag narito.”
“Malay natin kung anong sinabi niya. Di naman natin narinig.”
Umismid na anang Dale at binuklat ang page ng libro kung saan nahanap ang
topic na kelangan.
“Oo nga, ano?”
Napasulyap si Dale kay Rita nang nakangiti. At nagtataka si Rita rito.
“At anong ibig sabihin ng ngiting iyan?”
“Baket mo ba binabantayan ang Edward na yan? Dapat tinutulungan mo ako sa
research paper ko, di ba?”
“Hus, kaya mo na kaya yan? Sinamahan lang kita dito, ano?”
“Hayy, tapos mo na ba gawin ang sa yo?”
“Well, hindi pa. Pero balak ko ngang ikaw ang gagawa kase di ako marunong.”
Ngumingiting pa-sweet pa si Rita.
Saka napatingin sa kisame si Dale na bumuntong-hininga.

... ITUTULOY...

AN ICONIC LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon