Chapter 1

2K 73 1
                                    

CHAPTER ONE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER ONE

“Kelangan mo pa ba talagang mag-transfer, Dale?”

Ito ang tanong ng kanyang butihing tiyahing si Cora, habang kumakain sila ng
almusal sa umagang iyon.

“Opo, tita. I have to.”
Ang sagot ng dalaga sa tiyahin na saglit itong tinignan na nasa tapat niya
nakaupo sa may hapag-kainan.

“Well, if that is so… ikaw ang bahala, Dale. I just want you to be happy. You
know that.” Kumibit na ani na lang ng tiyahin.

Tinignan na lang niya ang kanyang tiyahin at saka nagpaalam na siyang umalis
pagkakain.

Nagtungo siya sa unibersidad kung saan siya magta-transfer gayong nasa
graduating year na siya. Siya na mismo ang kumausap sa taga-administration at dahil
sa kilala naman ng mga ito ang pamilya niya ay wala siyang naging problema.

Agad
siyang nakapag-enrol sa araw ding iyon.
Kahit saan siya papunta ay di maiwasan ang mga tinging ipinupukol sa kanya.
Dahil sa kanyang kasuotang all-black. Kahit maaraw ay naka-long sleeves siya ng itim
at pantalon rin ng itim. May kwentas siyang gold na may pendant na ox, ang Chinese
Zodiac ng kanyang birth year, na gawa naman sa ruby.

Patungo na siya sa kanyang itim na kotse nang mabangga siya sa isang lalakeng
mula sa kanyang kanan. Hindi niya kase napansin ang lalake.
Buti na lang at di malakas kung kaya di siya natumba at napatingin na lang siya
sa lalake.

“Oops, sorry! Miss, OK ka lang?” nakangiting hinging-despensa ng lalake sa
kanya.

May kasa-kasama itong dalawang lalake na nakangisi rin.

“OK lang.”
Sabi niya at tinalikuran na ang lalake at ang mga kasamahan nito.

“O, tila di ka napansin, Edward?” anang Marco, pinsan ng binata at anak ito ng isang
senador.

Nakitawa siya nang saglit dito at kay Yong na kaibigan nilang magpinsan.
Napasunod naman siya ng tingin sa papasakay na babae sa itim na kotse nito.

“Ngayon ko lang siya nakita dito, ah.” Puna pa ni Yong.

“Tama ka. Dahil bago siya dito, obviously.” Tumangong aniya.

“Tara na nga. Para matapos na ang pagpa-enrol natin.” Sabi pa ni MarcO.

“Hi, Edward!” sunud-sunod namang bati ng mga kababaihang may crush sa
playboy.

... Itutuloy...

AN ICONIC LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon