CHAPTER 30
“Nabalitaan kong may naghahabol sa yo sa bagong university na pinapasukan
mo. Kilala ko ang pinsan niya. Kaibigan ko. Kapatid siya ni Marco. Si Vivoree. At sabi niya,
gusto ka raw ni Edward.”
Napabawi ng kanyang kamay si Dale at umiwas na naman siya ng tingin mula
kay fenech. Nakita niya ang dalawa o tatlong katao na kani-kanyang dumadalaw rin
sa kanilang mahal sa buhay. At napalunok naman siya.
“Sinabi sa akin lahat ni Vivoree. Di mo raw pinapansin ang pinsan niya. Siguro ay
dahil kay Luis. Di ba?”
“Hindi totoo yan. Gusto ko lang makatapos ng pag-aaral na walang
humahadlang dito.” Ang tugon niyang halos walang emosyon.
“Well, anuman ang rason ng pag-ayaw mo, gusto ko lang iparating sa yong hindi
magagalit sa yo si Luis kung makapagdesisyon kang magmahal ng iba. After all,
you deserve someone better than my brother. Maniwala ka, Dale.”
“Baket mo ako parang ipinagtutulakan sa taong yun?”
“Hindi kita ipinagtutulakan sa kanya. Sinasabi ko lang ang nararapat mo ng
gawin. Ang nararapat mo na sanang ginawa noon pa.”
“Ang palitan si Luis ng ibang lalake sa puso at isipan ko? Fenech, ako ang
may katawan. Di ako pwedeng diktahan na lang ng kung sinuman. I’d do what I think is
right. I’d do what I think I should do. Dapat alam mo yan.”“Of course! Pero sinabi ko na sa yong hindi na deserving ang kapatid ko sa
pagmamahal mo. Naintindihan mo ba? Patay na si Luis! Wala na siya! Kung minahal
ka man niya noon, wala na siya ngayon. At wala na ang pagmamahal na yun ngayon!”
Nagsusukatan ng tingin ang dalawang dalaga. Saka marahang tumango si Dale
at napaluha.
“I’m sorry, Dale. I know you were hurt. But you deserve to be happy. Nung
gabing nag-away kami ni Luis…”
“Ipagpatuloy mo, Fenech. I want to know something that you are trying to
hide from me.”
“Pero naipangako kong di ko yun sasabihin sa yo, Dale.” Napaluha na rin si
Fenech.
“Don’t I deserve to hear it? Ikaw na rin ang maysabing pakawalan ko na siya.
Kaya sabihin mo sa akin, please…” pakiusap pa niya.
Napatango na lamang si fenech at nag-umpisang magkwento.
“May natanggap akong tawag mula sa Baguio that night, some hours before the
accident. Pagdating ni Luis sa bahay, sinumbatan ko na siya kaagad. Nanganak si
Aura sa anak nila. Anak nila ni Luis. You should know, di ko talaga kuya si Luis.
He was just my step-brother. Pero inisip ko talagang kuya siya mula noong walong
taon ako. At si Aura, siya ang pinsan ko na nakatira sa Baguio. Nagkakilala sila even
before you met him at the university.”... Itutuloy...
BINABASA MO ANG
AN ICONIC LOVE
RomanceAN ICONIC LOVE Kahit tahimik si MaryDale ay famous pa rin siya dahil sa kanyang kasuotang all- black. Dahil kaya dito o sa anupaman at nagugustuhan siya ng certified playboy na half-Filipino and half-Japanese na si Edward? Ngunit may istorya sa...