4: Cross Paths

17 1 0
                                    

Charlene Aria

Kinabukasan ay umakto na lang ako na parang walang nangyari. Just the happy me.

Well, nawala ang weird na atmosphere nung biglang dumating si mom. Life saver kumbaga.

May dala siyang cake na simple lang at nakasulat ang "Happy 16th Birthday!" At hinati-hati.

"Aria!"

Napatingin naman ako kay Camille na sumigaw sa tenga ko.

Oo nga pala, sabi niya may sinusundan daw siyang pusa kaya pinauna niya na ako. Weird right?

"Tulaley ka nanaman. May problema ba?"

Umiling na lang ako bilang sagot tsaka pumunta na sa classroom.

👑👑👑

"Uyy Aria, ang ganda naman ng necklace mo. Sino nagbigay?" Biglang tanong ni Camille habang papunta kami sa canteen.

"Ito?" Sabay hawak sa necklace. "Bigay ito ni dad. Ang ganda noh?" Nakangiti kong sabi.

"Oo, bagay na bagay. Sobrang magkamukha kayo."

"Huh?"

"Wala, wala. Nga pala may kunin lang ako sa locker ko." Sabay alis nya.

Kinuha ko na yung chance na yun para pumunta sa garden.

Hayyy. Namiss ko itong feeling. Yung feeling na malaya ka ganun.

Umupo ako sa isang sanga nung sobrang taas na puno. Hindi siya ganun kataas pero makikita mo dito yung canteen.

Maya-maya ay may naririnig akong mga hakbang.. Bumaba ako sa sanga at nagtago sa likod ng puno..

Biglang may lumabas na isang lalaki. Pero bakit ang gwapo? Shems, nakakamatay.

Black yung messy hair nya. Dark red eyes. Red lips. Oh shems, he's a god. Sooo hoot!

Ay teka! Anong nangyayari sakin! Stupid! Tignan mo nga oh! Hindi siya naka school uniform! Ibang-iba satin!

Okay, here goes nothing.

"S-sino ka!" Biglang sigaw ko nung lumabas ako sa likod ng puno.

Mukha namang nagulat siya pero sumeryoso din agad ang kanyang mukha.

"No one." Cold na sabi niya.

Kinilabutan ako dun ah!

"Huh? May ganun bang pangalan?" Nagtatakang tanong ko.

Umiling na lang siya at biglang naglaho.

Something really weird is going on. =_=

Bumalik na lang ako sa Canteen at nakitang nandun na si Camille at may order na para saming dalawa.

"San ka nanam nanggaling?" Nakataas kilay niyang tanong.

"Somewhere." Sabay upo sa tabi nya.

Tumango-tango na lang siya at tsaka kumain na rin.

Someone

"My Queen. For the first time ay nagulat po si hyios"

"Totoo ba ang sinabi mo?" Sagot ng Reyna.

"Opo kamahalan, ngunit may isang problema." Napatigil sa tuwa ang reyna.

"Isa po siyang Slob."

Napuno ng katahimikan ang kwarto ng reyna.

"Patayin ang babae." Isang malamig na tonong sabi ng Reyna.

"Masusunod kamahalan." At biglang nawala ang kawal.

Pasensya na ngunit hindi pwedeng magmahal ang anak ko ng isang slob.

👑👑👑

Charlene Aria

"Aria, ano daw assignment bukas?" Tanong ni Camille habang inaayos ang mga gamit namin.

"Hmm, tingin ko wala."

"Ah, wala ba? Akala ko kasi meron."

Itatanong ko ba kay Camille yung tungkol dun sa guy na nakita ko kanina?

Pero baka pagtawanan lang ako nito eh.

Kaso baka mabaliw ako pag hindi ko malabas to!

"Ano Camille, may nakita ako kaninang lalaki."

Biglang napatingin siya sakin then bigla akong niyakap.

"Aww, nainlove ka ba? Nalove at first sight ka ba? Gwapo ba? Matangkad ba?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Pwede kalma lang, bitwa ka muna sa yakap mo."

Bumitaw naman siya kaagad.

"Ano kasi, ang weird niya."

Tapos ayun kwinento ko na yung totoo.

"Ahh, kaya pala 'somewhere' yung sagot mo kanina. Pero tingin mo, trip mo?"

Napataas naman kilay ko.

"Trip? Panong trip?"

"Ano.. Gusto mo ba?" Pang-asar na sabi niya.

Bigla naman akong namula!

"B-b-bakit ka nagsasabi ng ganyan!" Sabay walk out ko.

...

Palakad-lakad lang ako papunta samin ng may nakakuha ng atensyon ko.

Isang fountain?

Nilapitan ko ito at hinawakan na para bang baby. Dahan-dahan ko ipinunas ang kamay ko at may nakita.

ēow wille transportare

fore magice lant

Binasa ko yun at bigla akong nahilo.. What is happening to me?

Feeling ko na susuka ako.

Ano bang nangyayari?

Ano bang nangyayari?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Reason WhyWhere stories live. Discover now