12: Who Are You?

17 1 0
                                    

👑👑👑

Charlene Aria

Ang awkward na talaga after nung isang linggo. Kasi lahat pinag-uusapan kung bakit daw sila pinalabas achu chu.

May something ba daw na nangyari achu chu.

Nakakairita lang talaga.

"Oy, lalim ng iniisip mo ah?" tanong ni Ver.

Tapos na kasi classes namin kaya heto kami sa Cafeteria.

"Hula ko, yung mga tsismis yan noh?" sinamaan ko naman siya ng tingin.

Napataas siya ng kamay na akala mo nahuling gumagawa ng masama.

"Sorry ah? Napatagal tulog ko nun eh." sabay kamot sa ulo niya.

"Ah bastaa! Nakakaloka! Akala mo kasi may ginawa akong masama eh! Kahit wala naman." nang-gigigil na sabi ko.

This past days, lagi nila akong tinatanong kung sino yung kinakausap ko. Syempre, ang sabi ko wala o kaya iniwasan ko sila.

"Andyan na sila." rinig kong sabi ni Ver.

Sumilip ako ng kaunti para makita kung totoo, at totoo nga! Huwaw!

"Labas na ako Ver." nakangiting sabi ko at lumabas na.

Sinundan naman ako ng mga loko.

Diretso lang ako ng diretso tapos liliko. Sila din lumiliko.

Maya-maya, huminto ako sa hidden garden na nakita ko nung naglilibot ako.

Mukhang hindi na nila ako nasundan.

"Hardin na nakatago, Daan ay ilabas
Payapa at ganda mo, sa akin ay ipakita!" bumukas ang sikretong daan at pumasok na ako.

Actually, si Bonny talaga naka alam nung magic words na yun eh. Hehe.

Since si Prince Winston ang nagmamay-ari nung mga punong sobrang relaxing kung tignan. Humanap na ako ng panibago at heto!

Ang ganda nga dito eh. Tignan mo kasi. Mga bulaklak na sobrang ganda. Mga punong nakakarelax din. At may pulang upuan na kapag inupuan mo ay makakatulog ka promise! Natry ko na eh.

"Bonny, alam mo na." sabi ko sakanya.

Lumabas siya at ibinigay ko ang scarf at bumalik sa dating anyo.

Well, tago naman ang lugar na ito eh.

Nilagyan na rin ni Bonny ang uniform ko ng magic kaya umaadjust ito kung ano ang laki ko. Tignan mo at saktong sakto lang ito!

Lumapit na ako sa pulang upuan at umupo.

"Ang sarap talaga sa feelinggg!!" tumingala ako sa langit.

Mga ibon na lumilipad. Medyo orange na kalangitan. Ang ganda..

Hanggang sa diko na namalayan na nakatulog na ako.

🔥🔥🔥

James

Tch.

"Nawala siya!" sigaw ni Ania.

Sinusundan kasi namin, dami naming tanong eh.

"Wala na yan, nakatakas na eh." sabi ko.

Nagtinginan naman sila.

"Bukas natin ipagpatuloy ang paghahanap." sabi ni Ester.

Sumang-ayon kami at umalis na.

Dumiretso ako sa Red Garden. Ang garden na pinamana sakin ni Mom.

"Hardin na nakatago, Daan ay ilabas
Payapa at ganda mo, sa akin ay ipakita!" sabi ko at bumukas ang lagusan.

"James, may tao." biglang lumabas si Fire.

Nagtaka naman ako. Sino naman kaya ito? Nakakabanas.

Ramdam ko din ang malakas na aura.

Dahan-dahan kaming lumapit at nakakita ng isang babaeng black wavy hair ang buhok.

Pagkalapit ko ay nagandahan ako sakanya. Hindi ko maipaliwanag ang babaeng tulog sa aking upuan.

Goddess, yan ang masasabi ko.

Ay, ano ba itong naiisip ko?!

"Fire, search her name."

Tumango ito at lumapit sa babae para matignan ng mabuti.

"Hindi ko mahanap James and that's weird." nagtatakang sabi ni Fire.

Pinagmasdan ko siya. Kaklase ko siya? Meron siyang Veteran Patch. Ang section namin.

"Gabi na alam mo ba?" biglang singit ni Fire.

Napatingin ako sa paligid. Ang bilis naman ata?

Lumapit ako sakanya at ginising.

"Miss, gising." medyo inalog ko siya.

Pero mukhang hindi siya nagigising. Hahawakan ko sana ang kamay niya pero nakuryente ako.

Kumunot naman ang noo ko. What the heck?

"James, tingin ko may Faerie siya." sabi ni Fire.

"Paano mo nasabi? Hindi siya royalty."

"Pero meron siyang Archaic Necklace." sabi ni Fire na initaka ko.

Lumapit ako sakanya at transparent ang kulay nito. Wala ang Faerie niya sa loob.

"Gisingin mo na James."

Okay.. Heto na.

"Miss? Wake up." wala pa din.

"WAKE UP!!" sigaw ko at mukhang nagising siya dahil.

"Asan Bonny?! Asan?!?!" sigaw niya habang tumingin sa kung saan saan.

Nung napatingin siya sakin ay napahawak siya sa bibig niya.

"Prince.. James?" nanlaki ang mata niya.

Napatitig ako sa kanyang mga mata.

"Hazel Eyes.." nagkatitigan kami..

Nakakahypnotize ang kagandahan niya.

"James!" sigaw ni Fire na dahilan para maiiwas ang pagtitig.

"P-paano ka nakapasok dito?" tanong ko kaagad.

"A-ahm. A-a-ano. Si Bonny. Ahm. Bye!!" biglang sigaw niya sabay labas sa garden..

Black wavy hair. Has a Archaic Necklace. Hazel Eyes. Nakakabighaning ganda.

Who are you?

The Reason WhyWhere stories live. Discover now