Veracious Love (Part 2)

298 33 33
                                    

Dalawang linggo na ang nakakalipas at lalong lumalim ang pagkakaibigan ng dalawa. Napagpasya ni Shiro ipasyal si Mira sa lugar na gusto niyang puntahan. Pero syempre, plano niya itakas ito.

Mga 1:00am pumunta siya sa kwarto ni Mira para gisingin ito.

"Uy Mira! Tara alis tayo!" sabi ni Shiro habang niyuyugyog-yugyog si Mira

"Mmm... San punta, canteen? Sarado na yun. Good night Shirooo...." sabi naman ni Mira at bumalik na sa pag-tulog.

"Aish! hindi hindi!" Dinaganan ito ni Shiro at niyugyog ulit tapos pinisil ang pisngi gamit ang kamay na nilagay niya sa magkabilang muka nito.

"Oo nashhh binawan mosh nakoshh!!" sabi ni Mira sabay tumayo na sa higaan.

"Haha, ang cute mo naman pag ginigising." natatawang sabi ni Shiro. 

"Ikaw kasi e, saan naman tayo pupunta?" halatang antok pa na tanong ni Mira.

"Sa secret miracle garden mo! Remember? kung saan ka napadpad nung tumakas ka dito one time, yung may meteor shower kang nakita, yung sobrang layo dito pero nakuha mong lakarin!" halata sa tono ng boses ni Shiro ang pagka-excited.

Hindi ganto dati si Shiro, hindi siya nae-excite sa mga mabababaw na bagay. Hindi din siya mahilig sa cute dati. Unti-unting nagbabago ito dahil sa dalaga. Nahawa na din siya sa pagkakulit nito.

"Talaga?!" tanong naman ulit ni Mira na medyo napalakas

"Shhhhh! Oo! Diba alam mo yung mga pasikot-sikot dito tsaka yung mga walang bantay? Tara na dali! punta tayo sa kotse ko" lalong excited na sabi si Shiro, patagal nang patagal na kasama niya itong dalagang ito ay pababaw ng pababaw ang kanyang kaligayahan.

"Sige sige!" napalakas ulit na sabi ni Mira kaya naman sinaway ulit ito ni Shiro at nag-peace sign nalamang siya.

Mabilis silang nakalabas ng hospital at nakapunta sa may parking lot. Tamang-tama dahil may gas pa ang kotse nito at sapat pa sa pupuntahan nila.

—————-

[A/T]: 

Please play the video sa tabi para mas feel niyo ang pagbabasa. SALAMAT! <3

—————

Nang matunton na nila ang "Secret Miracle Garden" na sinasabi ni Mira nagulat ng sobra si Shiro sa ganda nito. Ineexpect naman na niya na maganda pero di niya alam na mas maganda pala ito kesa sa inaakala niya. Andaming puno ng mangga, mansanas, saging at kung ano-ano pa. Nagulat din ito dahil bukod sa napakalayo ng lugar mula sa hospital nasa tuktok pa ito ng bundok. Himala at nakapunta si Mira dito nang hindi inaatake ng sakit niya. Pinark niya ang kotse niya sa isang tabi na kung saan patag pa kaya naglakad nalang sila papunta sa tuktok ng bundok.

Si Shiro hinahapo na pero si Mira kalmado lang. Napagisip-isip ng binata na baka totoo na miracle garden ito para kay Mira. Maganda talaga ang lugar kahit madilim. Naliliwanagan ito ng moon-light at para bang nagnining-ningan lahat ng damo sa paligid. Madami din alitaptap na animoy mga bituwin na bumaba mula sa langit.

Sa wakas nakarating na sila sa tuktok ng bundok. Si Shiro na pagod na pagod ay humiga agad sa malambot na damuhan. Habang si Mira ay umupo lang at sinimulan titigan ang binata.

"Maganda ba?" tanong ni Mira kay Shiro na kasalakuyang nakatitig sa kalawakan na punong-puno naman ng bituwin. Para bang nasa probinsya sila. Sa katunayan hindi alam ni Shiro kung ano ang saktong pangalan ng lalawigan na kinaroroonan nila. Para bang tumubo nalang ang buntok na ito kung saan.

Veracious Love (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon