Veracious Love (Part 3)

277 34 26
                                    

Kinabukasan sabay kumain ng tanghalian si Shiro at Mira. Hindi na sila nag-umagahan dahil alas-dose na sila nagising.

"Mira gusto mo ba malaman kung bakit ako nabaril?" tanong ni Shiro kay Mira habang nakain ito. Nginuya muna ni Mira ang pagkain niya tsaka sumagot.

"Mm... oo naman! Buti nakaramdam ka na unfair ka. Hahaha" pagbibiro ni Mira.

"Haha oo nga eh. Oh sisimulan ko na ang pagkwento ha, wag kang magsasalita pag nagk'kwento pako ha" bilin ni Shiro kay Mira na parang bata ang kausap niya.

"Opo! hehe" matipid na sagot ni Mira at ngumiti ng malapad

"Kasi ganto yon, simula nang namatay ang kuya ko napapadalas ang pambubully ko sa school. Tapos may isang lalaki na lagi akong tinatalo sa exams, quizzes at seat work. Naiinis ako sakanya kaya ayon binully ko. Nerd type siya at walang mga kaibigan kaya nadadalian akong tripin siya. Nung isang araw nalaman ng mga teacher ko ang ginagawa ko sakanya kaya suspended ako ng 40 days. Nung gabing sinabi ng mga teacher na suspended ako binugbog ko yung lalaki na yon tapos sa hindi nalalaman na dahilan ay nalaman ng kuya niya. Sinugod ako nung kuya niya dun sa abandonang gusali kung san ko siya lagi dinadala. Nakita ko na may dala-dala siyang baril kaya syempre tumakas ako, pero ayun nabaril pako sa braso habang natakbo."

"Hala grabe ka naman ka nam—!" hindi natuloy ang pagsermon ni Mira dahil tinakpan ni Shiro ang bibig nito.

"Teka diba di pako tapos! So ayun nga nabaril ako. To be honest before ako sugudin nung kuya niya napagisip-isip ko na mag-sorry dun sa lalaki. Titigilan ko na sana siya kasi narealize ko na wala naman siyang ginagawa sakin. Tsaka baka makick-out ako no! haha o sige magsalita ka na." pagtatapos ng kwento ni Shiro.

"Grabe ka naman! Magsorry ka na don! Now na! Kawawa yung guy, di mo alam yung nararamdaman niya, wala na nga siyang kaibigan eh...." panenermon ni Mira kay Shiro.

"Oo yun nga eh, kaso dumating yung kuya. Halos patayin nako" mahinahong sagot naman ni Shiro

"Pero mali naman yung kuya niya, OA e! hahaha yung mommy at daddy mo naman nasaan?" pagiiba ng usapan ni Mira. Ngayon may lakas ng loob na ito magtanong kay Shiro about sa personal life niya.

"Yung parents ko? hm... ayun busy sa work parang parents mo." sagot naman ni Shiro. Napagkwentuhan na kasi nila ang mga magulang ni Mira noon. Busy ito sa work pero nagvivisit naman daw sila from time to time.

"Ah ganun ba, edi dapat sabihin mo yung totoong nararamdaman mo. Kunyari yung nararamdaman o naiisip mo mali yung ginagawa nilang pagpapakita ng pagmamahal sayo. Tsaka gusto mo na makasama naman sila kahit sandali. Yung tipong tawanan kayo, biruan, tapos pasyal kayo. Basta yung ganun!" pagpapayo naman ni Mira kay Shiro.

"Exacly ayun ang nararamdaman ko! haha galing mo talaga MiraJane Lussuria! haha" sakto ang sinabi ni Mira sa naiisip ni Shiro kaya pinuri niya ito sabay ginulo-gulo ang buhok.

"Hehehe, promise mo na bago ako mamatay magsosorry ka dun sa lalaki at sa kuya niya tapos sasabihin mo sa parents mo yung nararamdaman mo. Promise mo ha? Oh eto pinky swear" sabi ni Mira at akmang makikipagpinky swear nga.

"Wag ka naman magsalita ng ganyan! pero sige promise ko itatama ko ang mga mali ko" nagpinky swear na sila at nagtawanan nalang ng parang walang bukas.

Pagkatapos non bumalik na ulit sila sa kani-kaniyang kwarto para magpalit ng damit. Habang nagpapalit ng damit si Mira may narinig itong mga nurse na naguusap sa labas.

"Bat kaya hindi pa naalis si Mr. Arcobaleno? Last week pa siya pwede lumabas ah. Sayang din yung bayad niya dito." sabi nung isang nurse mula sa labas

Veracious Love (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon