1 year later....
Si Mira na ngayon hindi parin magawang mag-mahal ng ibang lalaki ay napagdesisyunang bumalik sa kanilang Miracle Garden ni Shiro kada isang taon. Ngayon ang pangalawang taon na magkasama sila ng puso ni Shiro. Masaya naman si Mira kapiling ang kanyang pamilya at mga kaibigan, pero kahit anong gawin niya may kulang parin. Sa katunayan nga nasakanya na ata ang lahat, ngayon na wala na siyang sakit. Nasa kanya na ang yaman, itsura, talino, at may kasigaraduhan nadin ang hinaharap nito. Ang tanging kulang nalang talaga ay ang lalaking mamahalin niya habang buhay, na dapat ay si Shiro.
Kasalukuyang nakahiga si Mira sa damuhan kung saan siya nakatayo noong unang naramdaman niya ang pag-ibig.
"Shiro, gusto kong malaman mo na lubusan akong nagpapasalamat sayo dahil binigyan mo ako ng pangalawang buhay. Eto na ako ngayon, nagawa ko na ang lahat yung mga bagay na hindi ko magawa dati." sabi ni Mira na tila kinakausap ang langit.
"Masaya ka ba? Namimiss mo ba ako? Kasi ako miss na miss na kita." tanong ni Mira kay Shiro kahit alam niyang wala ito sa tabi niya. Nagsimula nang umiyak si Mira. Isang taon din niya tiniis ang hindi pag-iyak. Ayaw niyang ipakita sa mga kaibigan at kamag-anak niya na malungkot siya at ayaw niyang isipin nila na pinagsisisihan niya ang pagpapa-heart transplant.
...
...
...
"Nandito ako Mira...." bigla naman may sumagot na mahiwagang boses mula sa malayo.
Hindi alam ni Mira kung saan nanggaling iyon. Sa gulat nito ay agad itong napatayo.
"Sino ka?!" pasigaw na tanong ni Mira pero wala itong makita ni-isang tao sa paligid.
"Nandito ako..." sabi ulit ng mahiwagang boses.
Hinanap ni Mira kung saan nanggagaling ang mahiwagang boses. Nakita nito ang pigura ng isang lalaki na nakatayo sa may tabi ng isang puno. Madilim doon kaya hindi niya matanaw ng mabuti ang mukha ng lalaking nakatayo. Kumaway ito sakanya at bigla naman lumiwanag ang buong paligid, partikular ang katawan ng lalaking nakatayo. Kaya naman napatakip ng mata si Mira.
Ipinikit-pikit niya ang mata niya upang manumbalik ang kanyang paningin. Agad din naman ito luminaw at napagtanto nito na kaboses ng lalaking minamahal niya ang lalaking nakatayo. Hindi lang iyon, kabuhok niya ito at kasing tangkad. Hindi na ito nagdalawang-isip at agad niyang binanggit ang pangalan nito.
"Shiro!?" pasigaw na tanong ni Mira.
Agad tumakbo si Mira kung saan nakatayo ang lalaking kutob niya ay si Shiro. Malapit na sana siya pero bigla itong nawala ulit. Tumingin-tingin ito sa paligid at nakita niya nanaman ang liwanag pero ito ay nasa ibaba na ng bundok.
"Shiro!" sigaw ulit nito at agad tumakbo pababa nang bundok.
"Mira, gusto mo ba talaga akong makasama? Hindi ka ba masaya?" tanong na narinig ni Mira galing sa tabi niya pero wala naman tao dito. Napatigil ito sa pag-tabko.
"Oo, gusto kitang makasama." sagot nito kahit alam niyang wala naman siyang kausap. Nagpatuloy na itong tumakbo pababa ng bundok para puntahan ang liwanag kung saan nakatayo ang pigura.
"Mira, handa ka bang sayangin ang sakripisyo ko?" tanong ulit ng isang boses na galing sa tabi ni Mira.
"Oo" sagot ulit nito.
Malapit na sana ulit si Mira sa pigura ngunit biglang umatras ito. Hindi sumuko si Mira at agad niya sinundan ang liwanag. Hanggang sa makarating ito sa kapatagan.
"Mira maraming salamat sa pagmamahal. Halika, sisiguraduhin kong magiging masaya ka. Magkakasama na tayo habang buhay." sa pagkakataong ito ang pigura na ng lalaki ang nagsalita. Ini-alay nito ang kamay niya.
Laking pasalamat ni Mira dahil tumigil na ang pigura sa pag-atras. Kasalukuyan itong nasa gitna ng daanan.
Agad tumakbo ulit si Mira para abutin ang kamay nito.
Sa pagkakataon na ito ay hindi na umatras ang pigura.
Sa pagkakataon na ito ay naging malinaw na ang muka ng pigura.
Sa pagkakataon na ito ay natupad na ang hiling ng dalaga na makita ulit ang binatang minamahal niya.
At natupad natin ang hiling nito na makasama ito habang buhay.
__________________________
If you're Mira will you do the same?
Wish for something that is totally unattainable?
Dream of something that is totally impossible?
Waste a tragic sacrifice for your selfish dream of being together with your love one?
Well, you wouldn't know the answer if you're not in her shoes...
You wouldn't know what serendipity and miracles might happen to your life....
Think wise, decide straight, and always remember...
Follow your heart.
_________________________
Date: August 9, 201X
Time: 1:30am
A teenager girl died after getting hit by a truck. The doctors supposed it was a miracle that the girl didn't obtain any serious injury. Thus aside form getting hit by a truck, the cause of her death is unknown.
—————THE END—————-
[A/T]:
Eto na eto na eto na!!!!! Salamat sa pagbabasa! ^ ^
"ALL WORKS DESERVES A SAGACIOUS CRITIQUE"- PROCRASTINATORARMIN
READ.VOTE.COMMENT.CRITIQUE
BINABASA MO ANG
Veracious Love (Short story)
DragosteThis is my second story! Date Created: May 1, 2014 haha intense ang ginawa kong plot para dito. For further informations: Go straight to the prologue! Clue na yon ng plot ^ ^ For further questions: http://ask.fm/yuichiee For further inquiries: http:...