CHAPTER 1: First day of school..

1.6K 37 8
                                    

CHAPTER 1: First day of school..

(Kyra's POV)

"Kuya, sasabay na ko sayo pagpasok, hah?" sabi ko sa Kuya ko na habang ako inaayusan ko palang ang buhok ko. Sya naman, ready to go na.

"O sige. Hindi ka yata sasabay kay Ammie?" tanong ni Kuya.

"hindi, eh.. Ihahatid daw sya ng papa nya."

Kinuha na ni Kuya ang bag nya tsaka nya isinabit sa balikat nya.

"Dali! Baka ma-late tayo nyan."

"Opo, heto na nga oh.." :3

Wala si mama ngayon, maaga ang trabaho nya ngayon.

Umangkas na ko sa likod ng bike ni Kuya, at ipinalupot ko ang mga kamay ko sa beywang. Namiss ko 'to!

[Background Music: Do you know by Someday]

Kadalasan kasi sabay kami ng bessy kong si Ammie kapag pumapasok. Malapit lang bahay nila sa amin. Kaso wala sila doon ngayon.

First day of school na pala ngayon.. ^_^

Si Kuya nasa Senior High na sya ngayon. Ako naman, nasa Junior High na.

Siguro iniisip nyo may kaya kami, noh?

Naku, hindi kami mayaman.. simple lang buhay namin.. kahit nangungupahan lang kami ng bahay.

~Teisia National High School: Welcome batch 20XX-20XX!!~

Nandito na kami sa tapat ng gate ng iskwelahan namin.

Biglang nagsalita si Kuya Jazon.

"Anong nakain nila at naglalagay pa sila ng ganyan? Tss.."

Nakuuu~ ganyan talaga si KUya, ang cold ng dating. Matalino yan, at pinagkakaguluhan ng mga babae. Gwapo daw, eh!

Marami din ang nagsasabing.. Hindi raw kami magkamukha o kahit magkahawig man lang.

Hindi ko na lang pinapansin. Inggit lang sila, wala kasi silang kuya na ubod ng talino, gwapo pa! Haha!! XD

Sya nga pala. Feeling ko.. umaasenso na ang school namin. May pa-poster-poster pa silang nilalagay na ganyan.

"Hoy! Jazon!!"

Biglang may sumalubong sa amin sa gate. Si Kuya Ken Evan, ang crush ni bessy, hihi!!

"O ikaw pala Ken EWAN ay este Evan!"

Nagpipigil ako ng tawa ngayon.Eh kasi naman...

"Hoy, Kyra! Anong tinata-- *Pak!* Aray, Jazon!!" binatukan ni Kuya Jazon si Kuya Evan.

"Wag mo ngang hinohoyhoy ang kapatid ko!"

Haha! Buti nga! Binelatan ko na lang si Kuya Evan. Haha! Nakakatawa yung reaksyon nya kanina! Tapos iniwan na nila ako.

Pumunta na ko sa classroom namin. Pagpasok ko ng classroom...

"Waaaa!!! Bessyyyyyyyy!!!! I miss you!!!!!" sabay yakap sa akin.

"Namiss din kita, bessy!!!"

Do Love Me (YongSeo FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon