CHAPTER 5: Accepted or Rejected?

661 22 3
                                    

CHAPTER 5: Accepted or Rejected?

(Kyra's POV)

"Heto! Mukhang masarap."

Nandito kami ngayon ni Ammie sa sikat na bilihan ng chocolates malapit sa school namin.

Yung kasing niregalo ng apat na babae kay Kuya Jazon puro chocolates lang pala. Kaya ayun, nilamutak naming nila Ammie at Kuya Evan. *U*

"Sige yan na lang."

Feeling tuloy namin ni Ammie na Valentine's Day ngayon, hahaha!

*Flashback*

"Gusto na magconfess kay Evan, bessy.." :3

"Sigurado ka?"

"Oo. Bukas na bukas bibigyan ko na rin sya ng gift. Lakas lang ng loob 'to!"

"Kung ako rin kaya?"

"Magbibigay ka rin ng gift kay Symone mo?"

Tumango ako.

"Mukhang masungit talaga yon kaysa sa Kuya Jazon mo. Sige, bessy! Kaya natin 'to!"

*End Of Flashback*

So.. Yun nga.. Sana tanggapin ng mga crush namin itong regalo, huhuhu!

(Ammie's POV)

[Background Music: I LOVE YOU by Joanna Wang]

Inhale.... Exhale....

Sinabi ni Kuya Jazon na nandito daw ngayon si Evan.

Hindi ko tinatawag na Kuya si Evan. Ganun ako kapag crush ko ang isang tao.. walang kuya kuya sa akin, hehe!!

Pagdating ko dito, naabbutan ko nga sya dito.. nakaupo at mukhang busy sa pagdodrawing..

Napatingin sya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ahh.. ehh.. Ano... k-kasi.. gusto ko lang sana ibigay sayo ito.. sana magustuhan mo!" nilagay ko na lang yung gift ko sa tabi nya at tumakbo na ko palabas bg rooftop.

Bahala na sya kung ano man ang isipin nya.. basta na ibigay ko iyon sa kanya. Masaya na ko. ^///^

- - - - - -

(Kyra's POV)

Nakatayo ako sa tapat ngayon ni Kuya Symone.. ang crush ko.. >///<

"H-hello, K-kuya Symone.."

(Jazon's POV)

Napahinto ako sa paglalakad na makita ko si Kyra nakatayo sa harap ni Symone..

Teka? Tama ba nakikita ko? Si Kyra binibigyan ng regalo si Symone?

Wag nyong sabihing.. Crush nya yang mayabang na yan? =_=

Mabuti na magtago muna ko sa may sulok.

Kyra, ano bang nakain mo't nagkagusto ka dyan? Marereject ka lang sa ginagawa mo, eh! >.>

"Para ba sa akin yan?" tanong nita kay Kyra. Tss, 'di ba obvious?

"Ah.. o-oo, hehe! Sana.. t-tanggapin mo.. >.<"

Tinanggap naman ni Symone ang regalo ng kapatid ko. Himala?! O_O

Ngumiti ito kay Kyra.

"Salamat dito.." tapos naglakad na sya at iniwan ang kapatid ko.

Ganun din si Kyra. Mukhang babalik na siguro sa classroom nila.

Hindi ko pa rin tinanggal ang tingin ko kay Symone kahit papalayo na ito ng lakad.

Bigla itong huminto sa may trash can at itinapon ang regalo sa kanya ni Kyra!

asdfg!@#$%!@#

BAKIT NYA GINAWA YON?!

Do Love Me (YongSeo FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon