CHAPTER 49: Letter..

395 13 0
                                    

CHAPTER 49: Letter..

(Ammie's POV)

Nagsulat ako ng letter for Kyra. Alam ko, kinuha rin ni Tita ang phone nya. Nakakainis super! Mabuti may naisip akong paraan para magkita yung iba.

Ganyan ko kamahal ang bessy ko, 

"Sa palagay mo, gagana yang naisip mo, wafilabs?"

"Lakas lang ng loob 'to. Sana hindi natin madatnan doon si Tita Laurena sa kanila." tinupi ko na yung papel at ready na ibigay kay Kyra. "Tara na, hubbylabs!" sabay hila ko sa kanya.

Naisip ko tong paraan kasi.. sa friday na ang wedding ni Kuya Jazon.

Nandito na kami sa tapat ng pinto nila Kyra.

*tok tok tok*

(Kyra's POV)

Nagdadalawang-isip ako kung bubuksan ko yung pinto o hindi..

*tok tok tok 'tao po..'*

Teka, boses ni Ammie yun, ah!

Agad kong binuksan ang pinto. Tama nga si Bessy!

"Uwaaah! Bessy!" bigla nya kong niyakap. Nikayap ko rin sya. Grabe, namiss ko ang Bessy ko. Kasama nya si Kuya Evan.

Kumalas na ito sa akin. "Mabuti wala si Mama ngayon, lumabas lang sya saglit. Namiss ko kayo.."

"Kahit kami, bessy! Nangayayat ka, kumakain ka ba?" tinitigan ko lang si Ammie, bakas sa kanya ang pag-aalala sa akin.

Tumulo na naman ang mga luha ko, agad ko naman itong pinunasan gamit ang kamay ko at pinilit na ngumiti sa kanila.

"Kyra, kainin mo 'to. Luto ko yan. Lahat kami nag-aalala na sayo." inabot sa akin ni Kuya Evan ang isang tapperware.

"Salamat, Kuya Evan.."

"Bessy.." ikinuha nya ang isang kamay ko at may binigay syang papel sa akin. "Lahat ng katanungan mo, nandyan na.. basahin mo na lang.. Hindi na kami magtatagal. Kahit kami takot sa mama mo, sige na bessy! Babye" tapos bineso-beso nya ko.

Pinagmamasdan ko yung papel na hawak ko ngayon.

- - - - -

Kinulong ko ulit ang sarili ko sa kwarto ko. Sinimulan ko ng basahin yung sulat.

'Bessy, alam naming wala kang phone na magagamit, kaya heto letter na lang. Kung kukumustahin mo naman kami. Heto, ayos lang naman.. namimiss ka lagi.. si Zedd na lagi naming kasama imbes na ikaw. Si Kuya Jazon naman naghihintay ng balita sayo. Namimiss ka na nya, laging sinasabi sa akin ni Hubbylabs na gabi-gabing umiinom si Kuya Jazon. Alam mo bang araw-araw pumupunta dyan sa tapat nyo si Kuya Jazon na sakaling nasa laba ka ng bahay o kahit man lang sana nakadungaw ka sa bintana, kaso wala, eh..'

Binuksan ko agad ang bintana ko, pero walang nakaparadang pulang kotse sa harap ng bahay. Tinuloy ko ulit ang pagbabasa.

'Alam mo ba ung Maggie na ex-bff mo? Nakuuu.. nagsabunutan kaming dalawa sa school, don't worry isa palang naman ang bad records ko, hehe! Wag mo nang alamin kung bakit, nakakainis lang!'

"Bessy talaga, hindi ko alam na may pagka-warfreak ka pala. >_<"

'Bessy, mukhang heto na lang ang chance na pwede mong makita si Kuya Jazon.. Actually, alam na ni Kuya Jazon ang tungkol sa plano ko ngayon ang kamustahin ka lang. Pero may pinapasabi sya sayo.. Hihintayin ka daw nya sa may kanto malapit sa inyo mamayang 9 ng gabi. Bessy, we miss you so much! :('

Napngiti ako. 'Mamayang 9 ng gabi? Bahala na mamaya, basta pupuntahan ko sya!' bulong ko sa isip ko.

Do Love Me (YongSeo FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon