CHAPTER 51: We already did..

525 12 0
                                    

CHAPTER 51: We already did..

(Francis's POV)

"K-kayo na naman?!" inis na sabi ni Francis sa tunay nyang ama.

"Bakit? Ayaw mo kong nandito? Pakisabi na lang sa Daddy mo, mag-ingat sya kay Evelia.." ngumisi ito, pagkatapos umalis na ulit.

Anong bang pinagsasabi nya? Hanggang ngayon hindi pa rin sinasabi sa akin ni Mommy ang tungkol kay Papa at bakit nabuhay ito?

Pinagsabihan ko yung guard namin wag papalapitin sa mansion ang matandang yun.

- - - - -

(Third Person's POV)

Napasugod si Laurena sa bahay nila Ammie.

"Tita, bakit po? May kailangan kayo?"

"W-wala. Sa totoo nyan kaninang paggising ko wala si Kyra sa kwarto nya. Eh baka nandito sa nyo?"

Nagulat naman ang dalaga. "Hah? Eh tita wala naman po si Kyra dito."

"Ganun ba? Wag naman sana sya maglayas.. Pasensya na. Kung sakaling mang dumaan sya dito pakisabi umuwi na sya, hah?"

"O-opo.. Sasabihin ko po agad.."

Pagkatapos umalis na agad si Laurena.

Napatakip si Ammie ang bibig nya.. "Gosh! Yung palang kagabi na magkikita sila. Ibig sabihin natuloy?!"

Kinuha ni Ammie Ang phone nya at sinubukang tawagin si Jazon. "Ano ba?! Bakit nakapatay ang phone mo, Kuya Jazon?! Bambihira naman! =.="

- - - - -

(Jazon's POV)

~Condo~

Magkayakap kami ni Kyra ngayon, gising na ko pero sya hindi pa. Tinititigan ko lang sya habang natutulog. Wala kaming saplot sa katawan, mismong makapal na kumot lang ang bumabalot sa katawan namin ngayon.

We already did it. Ginawa namin.. ang bawal..

Parang ayoko na syang iuwi. Pasensya na kung nauna na ang honeymoon kaysa sa wedding.

Bigla syang gumalaw at ginusot ang mga mata nya hanggang sa maidilat na nya ang mga mata nya.

"Good morning.." then I kissed her forehead.

"Hmm... Good morning din.." hinawakan nya ang mukha ko.

"Did you sleep well?" tumango naman ito.

"Jazon, kailangan ko ng umuwi. Sigurado akong hinahanap na ko ni Mama."

Niyakap ko sya. Hindi ako umiimik.

"Uy! Jazon.."

"Oo, ihahahtid kita.. don't worry.. Let just stay like this for a while.."

- - - - -

(Kyra's POV)

"Jazon, ibaba mo na lang ako dyan sa tabi." sinunod naman nya ko. Bumaba na kami ng kotse.

Lumapit si Jazon sa akin at agad akong niyakap. "Wag mong isiping huli na 'to para sa atin, may mga panahon pa na pwede tayong magkita at magsama ulit."

Niyakap ko lang din sya nagmahigpit dahil alam kong iiyak na naman ako. Tumango-tango na lang ako sa mga sinabi nya.

"Kyra, mahal na mahal kita.."

"M-mahal na mahal kita, Jazon.. Hihintayin kita.. ulit.." kumalas na ko sa pagkakayakap sa kanya at agad akong tumakbo papalayo sa kanya.

- - - - -

Pagdating ko sa bahay namin. Sinalubong agad ako ni Mama ng sampal.

"saan ka nagpunta buong gabi? Saan?!"

Hindi ako umiimik, nakatikom lang ang bibig ko.

"Saan kayo nagpunta ni Jazon?" tanong nya ulit.

"Ma.. Sorry po.." napatakip na lang ako ng bibig nang bigla na kong umiiyak.

Naiyak na rin si Mama na mukhang nahulaan na nya ang hindi ko makayang sabihin sa kanya.. "Nag..t-tanan kayo?"

Tumango ako na lang ako. Napaupo si Mama sa sahig at pareho na kaming hamagulgol.

"M-mama, s-sorry po talaga.." bigla kong niyakap si Mama. "Mama.. patawarin mo po kami.."

"Lumayo ka muna sa akin, Kyra.. A-ayaw na muna kitang makita."

Tumayo na ko at nagtungo na lang ako sa kwarto ko't nagkulong ulit.

Napahawak ako sa kwintas na bigay ni Jazon sa akin noon. "Ikaw na lang ang munti kong alaala.."

Do Love Me (YongSeo FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon