CHAPTER 21: Ms.Walk-out!

453 15 3
                                    

CHAPTER 21: Ms.Walk-out!

(Ammie's POV)

[Play the Song: OPEN THE DOOR]

Heto kami nakapalibot sa bon fire.

Yung music namin pang-parteh parteh, eh!

Sumasayaw silang dalawa ni Hubbylabs at Zedd.. mga loko-loko talaga.. Pero nakakatuwa silang tignan..

Mukha silang mga baliw na nakawala sa mental! XD

Tawa lang kami ng tawa dito habang pinapanuod sila. Mamamatay na kami kakatawa ni Kyra.

Yung sweet couple naman na sina Elle at Jonas magkayakap lang habang tumatawa.

"Hahaha! Ang akala ko naman.. ako lang baliw kung sumayaw. Mas matindi pa pala itong si Zedd! Mag-uranggutan ka nga ulet, Zedd!" utos ni Hubbylabs Evan kay Zedd.

"Yoko nga.. nakakaturn-off yun.. Baka ayawan ako ni Bebe Kyra.. ^___^"

"BOOMPANES!!! HAHAHA!!" sabay-sabay na sigaw namin kay Zedd!

Umupo si Zedd malapit kay Kyra. Mukhang pagod na pagod ito kakasayaw.

"Puro kayo 'Boompanes'. Hindi naman ako 'Panes' tss.."

"Iba naman gawin natin.. last night na lang natin 'to." sabi ni Jonas.

"Ano yun?" tanong ko.

"Spin the bottle. Lumapit kayo ng konti dito."

May nilapag sa gitna si Jonas na pa-square na flywood na tama lang sa bote kapag pinaikot ito.

"O walang KJ, ah!" sabi ni Jonas

Binulungan ko si Kyra. "Bessy, walang KJ, ah.."

Bumulong din sya sa akin. "Narinig ko po.. -.-"

Dati na rin kasi ginawa ito.. Eh nag-walk-out bigla si Kyra kapag tinatanong sya kapag hindi nya kayang sagutin.

"Talian nyo si Kyra, baka mag-walk-out ulit." sabi ni Elle.

"No need. Leave it to me. :)" sabi naman ni Zedd.

"Hoy! Linya ko yun! Wag kang gaya-gaya!"

"Wag kayong magalala.. hindi ako magwowalk-out.. -.-" -Kyra.

Sa itsura ni Kyra.. mukhang inaantok na sya.. naku! Wag sana kaming tulugan nito.. :3

Sinimulan na ni Jonas paikutin yung bote.

Tumapat ito kay ... Kyra. Tinignan naman namin sya.

"Bessy.. Uy.." Nakayuko kasi ito kaya inangat ko ang mukha nya..

"Tinulugan tayo ni Miss.Walk-out.." sabi ko sa kanila. Sabi na nga ba, eh! Galing ni Kyra, noh?

Tumayo si Zedd.

"Ako na magdadala sa kanya sa kwarto." bubuhatin na sana nya si Kyra ng bigla syang pigilan ni Hubbylabs.

"Ako na.. wala pa kong tiwala sayo. Tabi-tabi!" binigyan nya si Kyra ng Piggyback ride.

"Wafilabs, samahan mo ko. alalayan mo sya." utos sa akin ni Hubbylabs.

"Okay.. balik na lang kami. Maiwan na muna namin kayo." paalam ko sa kanila.

Hindi ba? Nagpromise kami kay Kuya Jazon na hinding-hindi namin pababayaan si Kyra?

Wait! Speaking of Kuya Jazon? Kumusta na kaya sya? Miss na namin sya.. Sana, bumalik na sya.. :3

Do Love Me (YongSeo FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon