[ Maxine's P.O.V. ]
Teka muna mga beshywaps! Eeksena muna ako kase naman 'tong si Cali ang ikukwento raw sa inyo ay yung simula sa ending agad ng story nila.
Jusko! Sa hiwalayan agad? Agad agad? Di ba pedeng patikimin muna tayo ng konting tamis mula sa matamis na parte ng kwento nila? Kaloka kaya ayan mga beshywaps ha!
Mahal na mahal ko ang bff ko kaya para mas maging exciting ang pagbabasa ninyo eto.
Ikukwento ko sa inyo ang matamis na parte ng kwento ni Ash at Cali.
Kung paano nagkaroon ng SILA.
At bakASH saCALI na magkaroon ng miracle.
Eto na.
- ❤ -
May 16, 2012
Summer vacation kaya napagdesisyunan ng family namin ni Cali na mag beach.
Excited kami ni Cali kaya naman nag gawa na kami agad ng sand castle.
Habang busy ako sa pag buo ng castle na yun may narinig akong nagsalita.
"Hi taba!" boses ng batang lalaki.
Nilingon ko naman. Pagkakita ko biglang umiiyak na si Cali.
Binitawan ko naman agad yung ginagawa ko at tumakbo ako sa kanila.
"Hoy unggoy este gwapo ah eh basta ikaw na unggoy ka! Bakit mo pinaiyak 'tong bff ko?! Ha?!"
Nakapamewang ako habang sinasabi ang mga linyahang yan na para akong nanay na nag sesermon sa nang away sa anak ko. Hahahahaha! Diba? Kabogera ng taon!
Iyakin kase 'tong si Cali kaya lagi akong to the rescue.
At aba dedma ang beauty ko! Di man lang niya pinansin ang pagtataray ko.
Bigla niyang niyakap si Cali kaya napatigil ito sa pag iyak.
Kitang kita ko ang paglaki ng mata ni Cali at ang pamumula ng kanyang pisngi.
Chubby chubby pa noon si Cali kaya naman di ko masisisi yung batang lalaki kung "Hi taba" agad ang nasabi niya hahahaha paunmanhin Cali Xandra. Mahal na mahal kita! Hehezxsxz IcKhAw LhuAnqz SzUaphuAtzx NhUaH hahahaha yuck ang jejebooms!
So ayun kumalas naman ang bff ko sa pagkakayakap sa kanya ni baby boy este unggoy.
Kung may dala nga lang akong cellphone noon at uso na ang messenger, siguro nakuhanan ko na sila nang picture at nai "My Day" ko na. Keleg eke ehh.
Bagay sila!
Nanakbo na palayo si Cali.
Naiwan kami ng unggoy na mokong. Nakapamewang lang ako sa kanya at nakataas ang kilay. Taray tarayan ang peg! Ganon!
"Sorry kung napaiyak ko bff mo ha. Ano bang pangalan niya?"
"At bakit ko sasabihin sa'yo e stranger ka!"