[ Cali's P.O.V. ]
Akala yata ni Max hindi ko alam na kinuwento niya na sa inyo kung paano nagsimula ang lahat sa amin ni Brian. Hahahaha!
Naalala ko nanaman lahat lahat.
4 years ago pa yun, pero fresh na fresh parin para sakin lahat ng nangyari at hinding hindi ko makakalimutan lahat yon.
May 24, 2013 - best birthday celebration ever.
Then si Bry yung best birthday gift and blessing na nareceive ko sa buong buhay ko.
Simula ng maging official na kami walang araw na hindi ako masaya.
Masaya rin ang buong barkada dahil palagi kaming kumpleto kada nagpaplano kami ng gala at adventures ni Bry.
Dahil sinimulan ni Max ang kwento namin, itutuloy ko na.
- Flashback -
"Hala 8pm na" biglang nabanggit ni Allyson.
"Gabi na baka hinahanap na kayo ng parents niyo. Alam ba na naandito kayo girls?" Kita naman sa mukha ni Ate Sofia ang pag aalala nang tinanong niya yun sa'min.
Sabay sabay naman kaming umiling. Coincidence! Ang cute lang!
"Kayo talagaaaa! E kung dito nalang kaya kayo mag sleep over? Since birthday naman ngayon ni Cali, What d'you think?" yeah we just got a brilliant suggestion from Ate Sofi!
Kilala naman siya ng halos lahat ng parents ng barkada dahil nga kapag may meetings e siya ang umaattend para kay Bry.
19 yrs. old palang si Ate Sofi kaya naman ang cool at nakakasabay parin siya sa mga trip namin.
Nagpaalam kaming lahat sa kanya kanyang parents na doon nalang kami mag i-sleep over kila Brian.
Sobrang saya dahil pinayagan naman kaming lahat.
Ako naman nasa Korea nga noon ang parents ko kaya I'm freeeeee.
Sila naman nanghingi pa ng tulong kay Ate Sofia. Hahahaha!
Ang parents nila Ate Sofia at Brian ay nasa New York.
Bihira lang umuwi simula nang mag highschool si Bry.
Kaya si Ate Sofia ang guardian niya dito.
Tuwang tuwa naman si Ate Sofia at madami daw siyang alagain ng gabing yon.
Nagpadeliver kami ng pizza na good for 20 people kahit 15 lang kami.
E pano ang lalakas kumain ng boys! Tig iisang box yata sila e.
Si Bry naman naglabas ng 4 na pack ng malalaking nachos at nilagay din sa 3 malalaking bowl para daw hindi agaw agawan mamaya.
Ang daming bottle ng drinks sa ref nila Bry, sakto daw ang pagbili kanina ni Ate Sofi. Kaya naman hindi na kami nagtimpla ng juice and yung bottled drinks nalang ang pinadala samin ni Ate Sofi.
(^v^)
Nang matapos na kaming mag prepare ng midnight snacks and may kanya kanya na kaming dalahin.
Ready na para pumanik sa theatre room! Yahooo!
"Sa wakaaaaaaaas! Wooo!" may pag padyak pang nalalaman si Ron habang sinasabi yan.