Simula nang maging kami ni Bry wala naman masyadong pagbabago.
Dahil na rin siguro sanay na kami sa isa't isa.
Kilala na siya ng parents ko dahil nga palagi kaming magkasama at magkapartner sa halos lahat.
Mapa educational purposes or para sa events kaya naman hindi kami sanay kung sakali man na mapa-partner kami sa iba.
Eto pa nga ang nangyari na hindi ko talaga inexpect.
- Flashback -
1 week na din ang nakakalipas after all that happened; yung surprise and such and sila mommy at daddy naman nakauwi na din galing Korea.
Di ako sanay magtago ng kahit ano sa parents ko.
Kaya naman the day after nilang makauwi, I've decided to tell them everything.
Habang nakain kami ng breakfast.
"Uhm mommy? daddy?" Medyo nag aalangan pa ako kung itutuloy ko.
"Yes, sweetie?" Malambing na respond naman ni mommy.
"What is it nak?" Curious naman na pagtatanong ni daddy.
"Kilala niyo naman po si Brian right?" Nilakasan ko na loob ko.
"Ohhh Ash Brian Silvestre?" Yung tono ng boses ni mommy niyan yung parang may alam na siya about sa gusto ko palang sabihin. Tas nagkatinginan sila ni daddy.
Biglang nag ring yung cellphone ni mommy and agad niya naman sinagot ito.
"Okay" lang nga ang narinig ko e tas binaba rin niya agad.
Nag excuse naman si mommy then maya maya lang bumalik na.
Nakain ako kaya di ko agad napansin na nakabalik na si mommy.
Hawak ko na ang mug ko na may laman na milk at iinom na sana ako ng biglang..
"Goodmorning po tito"
Teka teka nananaginip ba 'ko?
Parang pamilyar yung boses na yun ah.
Paglingon ko nakita ko si Bry.
Di ko alam kung anong nangyayari.
Naguguluhan ako.
Anong ginagawa niya dito?
Sasabihin ko palang kila mommy yung about samin e.
Inantay ko nalang ang susunod na mangyayari.
Nag bless naman si Bry kay dad.
"Bless you, iho. Take a seat and have breakfast" Sabi ni dad kay Bry.
Umupo naman si Bry sa tabi ko and si mommy bumalik na sa pwesto niya.
Ako naman tinignan ko si Bry. Yung tingin na parang nagtatanong kung anong nangyayari. Aba! Nginitian lang ako ng mokong.
"Nak, inumin mo na yang milk mo. Di ka ba nangangalay? Kanina mo pa yan hawak" Natatawa naman si dad nang sabihin sakin yun.
"Yes sweetie. Alam na namin ng dad mo. Pinagpaalam ka samin ni Bry and matagal na din niyang inamin samin ang lahat. Diba hon?" Mom started and lalo naman akong naguluhan. How did that happen?
"Yes, baby. Alam niyo na naman ang limits niyo and palagi kong sinasabi sa inyo na just enjoy your teenage years. Isang beses lang yan dumaan sa buhay ng tao. Di porket pinayagan namin kayo doesn't mean na hindi na kayo magiging careful sa bawat desisyon niyo and sa mga actions na ite-take niyo. Gawin niyong inspirasyon ang isa't isa. Magtulungan kayo and huwag padalos dalos. Kapag may problema o kahit ano pa, andito lang kami ng mommy. Okay?" Ang mahiwagang paalala ni dad.