4

67 0 0
                                    

June 17, 2013

*Kriiiiiing*

*Kriiiiiing*

*Kriiiiiing*

"Aisssh ang aga paaaaaa!"

Pinatay ko na din ang napaka ligalig kong alarm clock.

"Babangon na talaga ako" sambit ko sa sarili sabay bangon sa kama.

Wala pang 5 seconds salpak nanaman ako sa kama ko.

"Ahhhhh antok pa koooooo tshhh 10 minutes! 10 minutes!" at niyakap ko na ulet yung paborito kong unan tsaka nagtalukbong na din ng kumot.

Wala pa sigurong 2 minuto akong nakapikit biglang..

"Cali Xandraaaaaa! Gising naaaaaaaaaaa!"

"Ahhhhhhhhhhhhhhhh!" sabay takip naman ni Max sa bibig ko.

"Wag kang maingay tulog pa kapitbahay nyo gaga!" Aba't paano nakapasok 'to e ang aga pa? Akyat bahay ba 'tong bff ko? At ang payapa niyang nakarating dito sa loob ng kwarto ko! Kalokaaa!

"Maxine naman! Anong ginagawa mo dito? Ang aga aga pa!" Sermon ko naman sa bestfriend kong daig pa yung may ari ng school sa sobrang agang gumayak jusko ala singko palang ng umaga at ayos na ayos pa ang lokaret.

Di naman ako sinagot ng bruha at inaayos ayos lang yung buhok niyang paniguradong kinulot niya ng isang oras.

Nagtalukbong ulet ako at ayoko pa talagang bumangon.

"Ah ah Cali Xandraaaa! aayusan din kitaaaaaa! Bumangon ka na dyaaaaan!"

Ang kulet ng bruha kong bff mababalian na ako sa panggigising sakin e!

"Mauna ka nang pumasok! Magpapa late ako. 9am na ko papasok!"

"Ah ahhhhhh Caliiiiiiiiiiii" paniguradong nakanguso at paiyak na agad yang lokaret na yan.

"Iyak ka muna" aba't wa effect.

Inalis ko naman yung kumot na nakatalukbong din sa mukha ko.

"Aba Maxine! Ano ba't agang aga ka ngayon? Ano bang meron?!"

"Ehhhh kaseeeee"

"Eh kase ano?!"

"Basta maligo ka na daliiii!"

"Anong basta basta?! May kasalanan ka pa sakin!"

"Ha?"

"Nagsisikreto ka na sakin?!"

"Hi..hindi ah! Sasabihin ko naman talaga yun e nag aantay lang ng tamang tyempo"

*glared at Maxi"

"Ta..talaga naman" nauutal pang paninigurado ng lokaret.

"O'sige kikilos na ako basta ikwento mo muna sakin lahat daliiiiiii!" Wahahahaha walang kawala ang loka kong bff!

Ilang saglit lang matapos siyang may ayusin doon ay inabot niya sakin agad ang cellphone niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

H I MTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon