CHAPTER 37: MEMORIES

11 0 0
                                    

Mitchie' Pov

Hm, ngayon nandito na sila sa harap ko. Si alexandra at red. Nakarating si red kahit na galit siya sakin.

Tumawag siya sakin nung isang araw lang.
Paninimula ko pano walang nagsasalita

Anong nangyare?
Tanong ni red, pero si alexandra. Nakayuko lang kaya tumingin si red sakin.

Al.. hm gabbie?
Tawag ko sakanya

Anong ginawa ni Lawrence sayo?
Tanong uli ni red pero di talaga siya nagsasalita.

Mitchie ano bang nangyayare dito?
Naguguluhan na siya alam ko

May ginawa si lawrence sakanya. Tumawag siya sakin humihingi siya ng tulong. Dinala ko siya dito kasi hinahabol siya ni lawrence. Di nako nagdalawang isip na tulungan siya.
Paninimula ko

Anong ginawa niya mitchie?!
Galit na tanong ni red sakin, naiiyak na si alexandra

Kasi ano si lawrence, red huminahon ka muna.
Sabi ko kasi natatakot na si alexandra sakanya

Ano? Mitchie please tell me anong ginawa niya?
Naluluha na siya.

Ginahasa ako ni lawrence.
Biglang nagsalita si alexandra

Tuluyan na ngang naluha si red. Sa pangalawang pagkakataon kasi di niya magawang iligtas si alexandra.

Nasan siya?!
Galit na tanong ni red

Red please kumalma ka. Kailangan tayo ni alexandra ngayon.
Sabi ko

Mitchie dimo ba nakikita si alexandra! Ano tutunganga nalang tayo dito?! Ano mananahimik ka na naman ba?!
Nagulat ako sa tanong ni red.

Lawrence hindi sa ganun.
Yun nalang nasabi ko kasi tama naman siya ee

Wag na kayong magaway please
Sabi ni alexandra. Saka siya biglang bumagsak

Alexandra!
Sabay namin sigaw ni red

Buksan mo yung pinto dali.
Sabi ni red saka niya pinasok dun sa kwarto.

Mitchie dali tumawag kang doctor.
Sabi ni red sakin.

Okay wait lang.
Sabi ko saka ako lumabas para kunin yung phone ko.

Ilang minuto lang pumunta na yung family doctor namin. Okay naman daw siya medyo dala lang daw to ng stress tsaka hintayin nalang daw namin yung paggising niya. Binigyan na din siya ng gamot kasi bumaba yung blood pressure niya.

Ilang oras na pero hindi pa din nagigising si alexandra.

Kasalanan ko to e.
Sabi ko

Walang may kasalanan neto
Sabi ni red

Hindi red. Naiinis ako sa sarili ko dahil nanahimik ako ng matagal na panahon. Mas pinili ko yung akala kong ikakabuti ni alexandra.
Sabi ko , pero bago pa makapagsalita si alexandra nagising na siya

Mitchie? Red?
Tawag niya samin

Anong masakit sayo?
Tanong ko agad sakanya

Anong nangyare? Bat tayo andito?
Sunod sunod na tanong niya

Full Of Lies (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon