CHAPTER 29: LAWRENCE IS HERE

12 0 0
                                    

Matapos ang pagkikita kita namin ng barkada mas lalong dumami ang mga tanong ko.

Imposible lahat ng sinabi niya.

Paanong nagkausap lang sila, e sinabi ni alex na hinahabol siya that time ni lawrence hanggang nga yon di ka pa din nagbabago.

Pumunta ako kay mitchie, para sabihin na nakauwi na ang kapatid niya.

Kailangan niyang malaman. Baka si mitchie ang makaalam ng totoong nangyari.

Papunta palang ako ng condo niya, ng makita ko siyang palabas. Mukhang may lakad pa ata siya.

Oh red, bakit andito ka? Ako ba dinadalaw mo?
Tanong niya ng mapansin niya ako

Sino pa ba aber.
Sabi ko

Well baka si april hahahaha
Natatawa niyang sabi

Hell no. May lakad kaba ngayon? May sasabihin sana ako sayo e.
Pagiiba ko ng usapan

Ahhh, may meeting lang ako with friends. Why?
Tanong niya

What time ka matatapos, hintayin kita may importante lang akong sasabihin sayo.
Sabi ko

Well saglit lang naman yun, mga 1 hour lang akyat ka nalang sa condo ko. Catch!
Sabay hagis sakin nung susi niya saka na umalis

Nagpunta na nga ako sa condo niya, di na bago samin ang ganito ni mitchie mas naging komportable kami sa isat isa. Kami na kasi nagdamayan nung nawala si alex samin.

Pagbukas ko. As i expected madumi na naman parang di babae ang may ari neto kung titingnan.
Siya lang kasi nakatira dito. Well umalis na siya sa bahay nina tita nun kasi nahihiya na daw siya. Kaya ayan. Nagsarili ang dumi naman.

Full Of Lies (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon