CHAPTER 36: PLEASE

7 0 0
                                    


Red' Pov

Tumatawag pa din si mitchie sakin pero diko pa din sinasagot.

Tumayo ka dyan!
Biglang pumasok si daddy sa kwarto ko

Why?
Dry na sabi ko

Magayos kana kasi ngayon na yung kasal niyo ni april.
Nabigla ako sa sinabi niya. Paanong... fudge!

Ganyan naba kayo kadesperado dad. Di niyo nako inisip kahit kailan!
Sigaw ko sakanya pero nasampal lang ako

Wala kang respeto!
Sigaw niya

Kayo rin naman dad e. Diko naman naramdaman yung respeto na hinihingi ko. Sa buong buhay ko pagod nakong patunayan ang sarili ko sainyo sa buong buhay ko na kasama kayo hindi ako naging masaya! Di ko naramdaman sa inyo yung pagmamahal dahil ang mahalaga lang sainyo yang pera at kumpanya niyo!
Sigaw ko tapos pinagsasapak niya ako naiyak nalang ako

SIGE. PATAYIN MO NALANG AKO DAD! PATAYIN MO NAKO KASI AYOKO NA. AYOKO NG MAKASAMA KAYO!!!
sigaw ko, tapos bigla naman siyang huminto

Dad pagod nako. Pagod na pagod nako.
Matapos kong sabihin yun, bigla nalang akong bumagsak then diko na alam ang nangyare.

Ilang oras din, naririnig ko na may umiiyak sa tabi ko. Minulat ko mata ko... si ate? 

Wag ka ng umiyak.
Bulong ko sakanya

Red salamat sa diyos at gising kana. Anong masakit sayo? May kailangan kaba?
Sunod sunod na tanong niya

Okay lang ako.
Sabi ko, pero masakit ang buong katawan ko

Bigla naman pumasok si april at iniwan kaming dalawa para makapagusap daw.

Grabe ka naman, hinayaan mo talagang saktan ka ng dad mo.
Sabi niya

Sanay nako
Maikling sabi ko sakanya

Pasensya kana ah, dahil sa pansariling kagustuhan ko napahamak kapa. Akala ko kapag pumayag ako na makasal tayo magiging okay tayong dalawa pero mali e. Pinalala ko lalo yung sitwasyon mo. Alam ko naman na isa lang ang babaeng mamahalin mo e. Si alexandra yun alam kong diko siya kayang palitan sa puso mo. Halata naman e sa pakikitungo mo palang sakin ramdam kona na ayaw mo sakin. Mapilit lang talaga ako.
Naiiyak na sabi niya sakin

Sorry.
Yun nalang nasabi ko sakanya

No. Im sorry, red wala ng kasal na magaganap kinausap ko na din yung parents ko wag kang magalala tutulong pa din sila sa company niyo gaya ng napagusapan. Nakakalungkot lang pero mas okay na sakin na masaya ka. Kaysa naman kasama nga kita wala naman ngiti dyan sa mga labi mo. Okay aalis na pala kami babalik nako ng states. Pagaling ka ah? Red mamahalin at mamahalin pa din kita
Saka niya ako hinalikan sa noo at lumabas na.

IM SORRY APRIL, DAHIL NADAMAY KAPA. SORRY KUNG DIKO KAYANG SUKLIAN YUNG PAGMAMAHAL NA BINIBIGAY MO SAKIN MAKAKATAGPO KA DIN NG PARA SAYO NA MAHAHALIN KA NG SOBRA.

Okay na?
Biglang sumilip si ate sa pinto

Yes.
Sabi ko

Nasa labas sina mommy at daddy.
Bigla niyang sabi

Bakit hindi sila pumasok dito?
Tanong ko

Umiiyak si mommy.
Bigla niyang banggit

Dahil ba sa di ako nagpakasal?
Tanong ko

Anak hindi.
Biglang pumasok si mommy at daddy

Hindi dahil dun. Pasensya kana sa mga ginawa namin sainyo. Hindi namin naisip na mas nahihirapan kayo. Hindi namin inisip yang kasiyahan niyo. Ni hindi na nga namin kayo kilala kasi mas pinipili namin ang kumpanya kaysa sainyo. Patawarin niyo kami mga anak.
Naiiyak si mommy

Ma, okay na po yun siguro mas iniisip niyo lang din yung magiging future namin.
Sabi ni ate

Sorry. Lalo na sayo red anak patawarin mo kami ng mom mo. Sa pananakit ko, sa mga salitang binitawan ko sayo. Anak nabulag lang ako ng karangyaan. Diko na kayo naisip ng ate mo. Patawarin moko.
Sabi naman ni daddy sakin, samin.

Mom, dad. Ako. Ako dapat ang humihingi ng tawad kasi at the end pamilya ko pa din kayo. Sorry kung na disappoint kayo sa mga ginagawa ko. Sorry kung mas pinipili ko kung san ako sasaya.
Naiiyak na sabi ko

AYYY TAMA NA NGA TINGNAN NIYO ANG PAPANGET NATIN
NATATAWANG SINGIT NI ATE

Im sorry mga anak.
Saka kami niyakap nina mommy at daddy.

Naging okay na kay april, sa parents ko. Sana magtuloy tuloy na to.
Pagkatapos ng mala  drama namin kanina. Nagkaayos na nga talaga kami.

Tumawag sakin si mitchie
Biglang sabi ni ate

Wala akong time na...
Naputol ang sinasabi ko ng sumabat si ate

Kasama niya si alexandra.
Bulong niya, baka kasi may makarinig

Ano?
Tanong ko, naguguluhan ako

Kasama niya si alexandra. Kailangan ka daw niyang makausap. Kaso dimo nasasagot.
Pagpapatuloy niya

Paano?
Naguguluhan talaga ako

Tawagan mo kaya. Di yung ako yung tinatanong mo.
Pagsusungit niya. Nakapansin pala siya

Kailan ba daw ako makakalabas dito?
Tanong ko

Bukas pwede na kasi mababaw lang naman daw yang mga pasa mo. Tsaka may gamot na binigay yung doctor. So take mo nalang yun. Tas okay na.
Paliwanag niya

Tawagan mo si mitchie bukas pupuntahan ko siya.
Sabi ko

Bukas agad? Eh kung sila nalang kaya papuntahin mo sa bahay?
Tanong niya

Ate may dahilan si mitchie bat niya ako kailangan makausap okay tsaka kaya ko naman na.
Sabi ko, para payagan ako

Okay okay wait lang tawagan ko. Labas lang ako
Saka siya tumayo at lumabas

Bakit kailangan niya akong makausap? Bakit magkasama sila ni alexandra, paano na si lawrence?
Ang dami ko na naman tanong sa sarili ko. Ang dami na naman gumugulo sa isip ko. Hindi pa pala tapos to.

Anak, malalim na naman iniisip mo.
Sabi ni mommy saka tumabi sakin

Naisip ko lang po si alexandra mom
Sabi ko, totoo naman naiisip ko talaga siya

Hanggang ngayon ba dimo pa din matanggap na wala na si alexandra?
Tanong ni mommy

No mommy buhay siya, buhay na buhay po siya. Yan ang gusto kong sabihin sakanya kaso hindi pwede.

Hirap pa din pong tanggapin mommy e, diko alam kung kaya kong magmahal ng ibang babae. Siya lang po talaga yung minahal ko ng sobra.
Palusot ko nalang pero totoo yung siya lang yung minahal ko.

Anak may mga bagay na kailangan mong bitawan para sumaya ka.
Alam ko na yun ang gusto ni alexandra para sayo. Di niya kayang tingnan kang nalulungkot at nagiisa.
Paliwanag niya

Ill try mom.
Yun nalang sabi ko.

Nasa sayo yan anak. Kung ready kana mararamdaman mo naman yun okay?
Sabi niya saka siya nanuod.

Paano ako magiging ready sa ibang bagay kung yung matagal ko ng pinanghahawakan e nandyan pa din.

Full Of Lies (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon