CHAPTER 32: HER FAKE GRAVE

9 0 0
                                    

Habang kumakain kami ni mitchie, di ako matahimik diko din alam bat ako pumayag nakipagkita pa sakanya. Mas lalong lumala nung niyaya niya akong pumunta sa puntod ni alexandra kuno.

Okay ka lang ba kuya?
Tanong ni mitchie, napansin niya palang natahimik ako

Uhmm, yeah im okay bigla lang bumalik yung college days nating lahat.
Sabi ko nalang, sana maniwala siya

Wag mo ng isipin lahat ng tapos na.
Sabi niya saka naman siya bumalik sa pagkain niya

Yeah. I guess so.
Sabi ko

Ilang oras din kaming kumain, nagkwentuhan kami about sa mga nangyare nung nawala ako. About sa parents namin. About sa barkada ko.

Tara na?
Pagaaya niya

Okay then. Wait! Waiter!
Sigaw ko para magbayad na. Okay naman yun minsan lang ako ganito sa kapatid ko

Excited siguro si alex na makita ka.
Sabi niya habang papalabas na kami ng restaurant.

Hindi naman siguro. Namatay siyang may galit sakin kaya imposible lahat ng sinasabi mo mitchie.
Sabi ko

Grabi ka naman, okay na si alex . Okay na lahat.
Sabi niya saka tumingin sakin

Maliban kay red. I know him mitchie di titigil yon hanggang di siya nakakakuha ng sagot mula sa mga tanong niya
Paliwanag ko sakanya

May mga gumugulo lang sa isip ni red. May mga bagay na di siya pinapatahimik neto. May mali lawrence.
Sabi niya, yung feeling ko kinakabahan ako right now.

May mali? Anong mali?
Tanong ko sakanya.

Wala na. Tara na. Andyan na yung uber. HHehe pasensya kana ah wala akong kotse.
Sabi niya saka na siya naunang sumakay

May alam ba siya?!

Huy sakay na.
Sabi niya

Okay
Sabi ko sakanya

Habang nasa byahe kami alam ko sa sarili ko na hindi na dapat ako nakipagkita pero wala ng urungan to para tumigil na din sila.

Dimo namalayan na kanina pa tayo andito. Tara na. Malalim nanaman iniisip mo.
Sabi ni mitchie saka bumaba na ng kotse.

Malayo pa ba mitchie?
Tanong ko, ang init kasi

Malapit na, ang arte mo pa din saka may pwesto naman yung puntod ni alexandra dito kaya dika maiinitan.
Paliwanag niya sakin

Okay. Bilisan mo kasi ng makarating na tayo agad.
Sabi ko, binilisan naman niya after 3minutes nakarating nakami.

Alexandra andito na si lawrence. Magtampo ka nga dito matagal ka din niyang di dinalaw
Pagbibiro ni mitchie .

Bat naman siya magaaksaya sakin, hate niya nga ako dati.
Sabi ko

But minahal ka pa din niya kahit papano.
Singit niya sakin

Di naman totoo yun, planado namin ang lahat alam mo yan mitchie.
Sabi ko, ang effort ng puntod, pinalagay pa yung picture ni alex dito ang dami din bulaklak

Full of love to.
Biglang sabi ni mitchie

Ano?
Tanong ko

Simula nung nawala si alexandra, nagbago yung buhay naming lahat. Lalo na si red and her parents. Si ate alex you know naman si ate alex diba? Nakauwi na din siya. Sa tagal na panahon wala naman siyang kinuwento about sa buhay niya. Si tita at tito ayun nung una masakit kasi anak nila yun e, anak nila yung nawala. Dumating pa sa point na galit na galit si tito kay red dahil siya yung sinisisi bat nawala si alexandra. Tapos ilang years naman nagdusa si red, dahil kay alexandra di kasi alam ni red pano sisimulan ang lahat, pano sisimulan yung araw na wala si alexandra sa tabi niya, ultimo mga kaibigan niyo, ako. Sina tita naghirap para tulungan siya until, dumating si april. Yeah, april montenegro ang favorite cousin mo. Siya yung mapapangasawa ni red. Bagong reto. Alam ko dimo pa alam dahil nabigla ka sa sinabi ko.
Mahabang paliwanag ni mitchie sakin

Anong mangyayare kay april? Alam naman nating lahat na di nagmamahal ng ibang babae si red, mitchie! Sabihin mo kay delgado na wag na wag niyang masaktan ang pinsan natin. Dapat ikaw ang nagsasabi neto saknya dahil pinsan mo din si april.
Sigaw ko sakanya

Ikaw na. Ikaw lang naman nagmamahal sa baliw mong pinsan.
Sabi niya saka niya sinindian yung candles don.

Di baliw si april okay.
Sabi ko

Well sabi mo e.
Saka siya umupo at nagdasal , pagkatapos nun nagsimula na naman siyang magtanong sakin

Anong nangyare? Bakit ka umalis , sakto pa nung namatay si alexandra.
Diin niyang sabi, alam mong seryoso talaga siya

Ewan, nakapagisip isip ako nung gabing yun.
Palusot ko sakanya

Alam mo bang ikaw ang suspect namin non? Dahil nakatawag pa si alexandra kay red nung gabing yun at sinabi niya na nakasunod ka sakanya.
Sunod pa niyang sabi, mukhang may alam talaga siya

Wala naman akong magagawa dun, kwento ni alexandra yun at wala akong karapatan na baguhin yun, kung gusto niyo akong ipahuli. May ebidensya ba kayo?
Tanong ko sakanya

Wala. Pero alam mo ang ibig kong sabihin lawrence, alam ko na mga gawain mo dati pa pero mas pinili kong wag magsalita at pansinin ka. Pinilit kong baguhin ang imahe ko dahil ayokong makilala ako na kapatid mo.
Naluluha niyang sabi sakin

Mitchie. Kung ganito lang din naman paguusapan natin. Aalis nalang ako.
Sabi ko sakanya, para tumigil siya sa kakatanong ng kung ano ano.

Bakit? Dahil may alam ka alam ko lawrence na may alam ka sa pagkamatay ni alexandra. Sabihin mo sakin ngayon ang totoong nangyare nung gabing maguusap kayo ni alexandra. Kung ano yung totoong nangyare bakit siya nahulog sa bangin at namatay?!
Diin niyang tanong sakin, alam ko. Ramdam ko yung galit niya pero di ako papatinag.

Wala akong alam sa sinasabi mo, nasa sayo na yan kung maniniwala ka sa mga nakakasama mo, sa naririnig mo sa ibang tao pero eto tandaan mo mitchie. Kapatid moko ako dapat ang paniwalaan mo sa ganitong sitwasyon.
Sabi ko sakanya pero

Yun na nga yung mas masakit don, kapatid kita ayokong isipin na yung kapatid ko pa mismo ang papatay sa matalik kong kaibigan, ilang taon na din akong di matahimik alam kong may mali sa mga nangyayare. Alam kong may mali sayo at sa mga kinikilos mo. Lawrence sabihin mo na sakin kung ano yung totoo?
Pagpupumilit niya sakin, pero di ako papatalo sakanya

Yun na yung totoo mitchie. Wala na dapat akong ipaliwanag sayo. Aalis nako
Pagpapaalam ko sakanya pero pagtalikod ko nakita ko si.....

Mahal.
Biglang sabi ni gabbie sakin

Nagulat ako... bakit siya andito?

Alexandra?
Bigla naman nagsalita si mitchie mula sa likod ko

Hindi po, gabbie yung name ko.
Sabi naman ni gabbie sakanya

Gabbie? Ikaw yung asawa ni lawrence?
Tanong ni mitchie , yung pakiramdam ko halo halo na lahat

Yes, nice to meet...
Naputol yung pagpapakilala nila sa isat isa dahil hinatak ko na paalis si gabbie.

Hindi to maaari. ..... kailangan na namin makauwi agad agad.

Full Of Lies (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon