CHAPTER 35: CURIOUS

7 0 0
                                    

Gabbie' Pov

Hindi ko alam pero sa lahat ng nangyare at nalaman ko parang ayoko ng umalis dito. Parang may kulang na sakin kapag umalis ako. Sino si alexandra? Sino sila? Ang dami kong tanong sa sarili ko, na diko masagot sagot.

Tumayo nako, at tulog pa si lawrence. Tinago ko yung passport ko para kung sakaling umalis kami di niya ako masasama.

Tinititigan ko ngayon si lawrence. Naging totoo ka nga ba sakin? Ikaw ba talaga ang mahal ko? Ewan ko bat nasabi ko yun gulong gulo nako.

Gising kana pala.
Bigla akong natauhan ng marinig ko ang boses ni lawrence

Yes. Aalis ako ngayon.
Sabi ko sakanya

San ka nanaman pupunta gabbie?
Biglang nagbago yung mood niya.

Mall. May bibilhin lang
Palusot ko, hahanapin ko kasi yung mga nakausap niya nun

No. Dito ka lang
Sabi niya saka na siya tumayo

Ano? Ikukulong moko dito?
Tanong ko sakanya

Kung yun lang ang paraan ko para dika umalis gagawin ko.
Sabi niya

Lawrence dimo pwedeng gawin sakin to, mas lalo mong pinapakita sakin na may tinatago ka nga.
Sabi ko saka ako lumabas ng kwarto.

Lawrence' Pov

Lawrence dimo pwedeng gawin sakin to, mas lalo mong pinapakita sakin na may tinatago ka nga.
Sabi ni gabbie at lumabas na, mabilis ko naman siyang sinundan.

Wala akong tinatago sayo gabbie. Naging tapat ako sayo
Sabi ko sakanya

Lawrence ayoko munang pagusapan yan.
Sagot niya

Basta dika aalis.
Sagot ko sakanya, at napatingin siya agad sakin

Di mo dedesisyunan yung buhay ko.
Sagot niya, kinakabahan ako sa kilos niya ramdam ko may nagbago sakanya

Buong umaga, di kami naguusap. Nagkakatinginan pero di naman naguusap minsan gusto kong kausapin pero bigla nalang aalis. Minsan pupuntahan ko tas iiwas siya ibang tampuhan na to.

Gabbie ano ba, ang babaw ng pinagaawayan natin.
Bigla ko nalang nasabi

Tama ka ang babaw. Pero pinapalaki mo.
Cold na sagot niya

Aalis ka pa din kahit na ayoko ko?
Tanong ko sakanya

Kung gusto mo na sundan ako. Go di kita pipigilan pero aalis pa din ako lawrence.
Sagot niya, alam na alam ko siya ayaw niyang magpapigil

Okay then. Sasamahan kita.
Sabi ko

No.
Sagot niya

Wala pang isang segundo nakasagot kana. Ano ba talagang gagawin mo?
Tanong ko sakanya

Full Of Lies (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon