Somebody That I Used To Know - Gotye

154 10 10
                                    

Note: Ang mga karakter sa storyang ito ay piksyunal lamang, kung meron man itong kagaya, ito ay coincidence lamang. (ANSABE NG ENGLISH)

------

"Now and then I think of when we were together

Like when you said you felt so happy you could die

Told myself that you were right for me

But felt so lonely in your company

But that was love and it's an ache I still remember"

Nasa office ako ngayon. Ginagawa ko ang presentation ko para sa presentation mamaya.

Di ako maka-pagtype! >//////<

Simple lang tong desk ko. Hindi kalakihan, at puno ng libro. At nandito ako ngayon, nakaupo sa computer.

"Don!" Sabi ko sa kakadaan na ka-trabaho ko sa aisle.

"Hoy, wag kang maingay! Marinig ka ni Kobe mamaya." Bulong sa akin ni Don.

"Ano ba trip mo?" Pag-papatuloy nya.

"Anong oras nga ang presentation?"

"Ilang beses na sinabi sa'yo ni Kobe, di mo pa alam?"

"Stressed lang ako p're. Anong oras nga?"

"Langya! Di ka pa ba nakagawa?" Kumuha sya ng office chair at umupo sa tabi ko.

"Oy, sino to?" Sabay kuha sa picture sa desk ko.

Halos wala pang tao na nakakapunta sa desk ko. Si Kobe pa lang.

"Wag mo na pakialaman yan."

"Di ka pa talaga tapos? Twenty minutes nalang. Bilisan mo!" Sabay tayo nya at bitaw sa picture frame.

"Hoy, tanga! Ba't mo binitawan!" Sabay ayos ng frame.

Kinuha ko ang frame, habang tinititigan ang nasa picture. Kung titignan mo mabuti, maganda ang babae. Maputi ang balat, bilog ang mata, may kahabaan ang buhok, naka stripe na red at black and jeans. May kasama syang lalaki, na nakaputi, di kaguwapuhan, medyo moreno, at naka cargo pants.

Ito ako. Este ito kami. DATI.

Nawalan ako ng concentration sa pag-hawak ng picture, at bumagsak ito. Hindi ko napigilan ang pag-bagsak at nabasag ito. Nakita ko na pinag-titinginan ang desk ko. Kinuha ko ang picture at tinapon ang mga bubog.

Napatayo ako para pumunta sa drinking station na nasa dulo, malapit sa desk ko. Kinuha ang thermos ko, at nilagyan ng tubig. Nang matapos ako, bumalik ako at tinapos ang presentation ko.

---

Tinapos ko ang presentation ko nang wala pang limang minuto. Hindi ko alam kung bakit, pero nabuksan ko nang bigla ang isang word processor sa computer ko.

"Akala ko ba tayo na? Akala ko, masaya ka na sa akin, akala ko, tayo na habang buhay. Akala ko, mahal mo ako. Hindi pala. AKALA ko lang yun. Masakit yun, na akala mo mahal ka ng isang tao, pero hindi pala. Like you lost time for each other?

Alam kong napaka-cliché ng set-up natin. Pero, wala akong paki dun.

Akala ko rin naman tayo na, Akala ko, masaya na ako sa'yo. Pero hindi pala. Mahal kita, at alam mo yun, pero bakit mukhang di ako masaya? Diba katuald ng sinabi mo sa akin dati, pag mahal mo ang isang tao, masaya ka sa kanya, no matter what choices he/she has made? Kasi mahal mo sya. Pero ba't hindi ako masaya? Hindi nga ba kita mahal? O sadyang, mahal kita, pero hindi mo ako napasaya?"

Music Into WordsWhere stories live. Discover now