Note: Ito po ay pawang piksyunal lamang. Kung meron man kayong kilala sa mga tao an nabanggit dito, ay wag na po pakialaman, dahil di po kami close. Salamat.
Para kay ToLoveMe LOL. Good luck sa OG story mo tsaka sa mga susunod pa! >:DD
WAG NYO PO AKO PAPATAYIN. ON THE SPOT PO YAN LAHAT.
-------------
"I can feel her breath as she's sleepin' next to me,
Sharing pillows and cold feet.
She can feel my heart, fell asleep to it's beat,
Under blankets and warm sheets."
Ngayon, ako'y naka-tanga sa kama, habang inaalala ang nakalipas. Naalala ko noong katabi ko pa sya dito sa kama na to. Habang pinag-uusapan ang mga nangyari sa amin araw-araw, mga taong nakkita namin, nakaksalamuha, nakakausap, kahit ang mga taong naririnig lang namin na chinichismis ng mga katrabaho namin. Mga bagong tinatayong mga building, mga bagong gamit na nilalabas. Lahat ng mga bagay na napapag-daanan namin, shinshare namin dito sa kamang to.
Napakuha nalang ako sa laptop ko. Binuksan at napatype sa Wattpad.
Nak ng tupa to. Halos lahat ng nasa hot page puro pang-BH? Shet.
Ayoko na sabihin, dahil ayoko na mas mabadtrip.
"If only I could be in that bed again...
If only it were me instead of him..."
Renaire has her own, and I still don't find mine.. because I still love her.
Yan ang nasa isip ko habang naliligo ako. Hayyyyyst. Pati naman sa CR? >///<
Pag-labas ko, dinala ko nalang yung attaché case ko, kasama nung laptop bag ko. Guys, hindi ako law or businessman or something. Simpleng arkitekto lang ako.
Lumabas ako sa pad ko, at bumaba sa garahe para kuhain ang kotse ko. Simpleng kotse lang naman to. Isang red na two-door car lang naman. Kung gusto nyo ng car and driver talk, BMW Z4. Hindi porket BMW, mamahalin kaagad. Pamana lang sa akin ng tatay ko yan na namatay sa isang shipwreck.
Sumakay ako sa driver seat, at pinaandar ang kotse. Ayoko na ikwento ang nangyayari sa daan, dahil puro billboards at mga nag-titinda sa bangketa ang makikita mo. At wala akong kasama para mag-karoon ng script. Nakarating ako sa office ng 8:20. Pag-kabukas ko ng pinto sa office ko, si Renaire nakita ko.
Umagang-umaga oh. >///<
"Hi." Then I felt someone touched my shoulder. I twisted my head to see who is that person. Si Renaire pala. Kasama nya ang isang lalaki na hindi ko masyadong mamukhaan, dahil nakatingin sya sa mga desks.
"Umm.. Hello." Then I smiled at her and proceeded to my desk. Tinititigan ko pa rin kung sino yung lalaki na yun. Mukha naman syang taga-dito. I mean dito nag-tratrabaho, pero di ko ma-distinguish kung ano ang position nya sa kumpanya.
Habang naka-upo sa desk, napa-tapat nalang ako sa computer ko, na bumungad sa akin na mga salita na..
"Renaire Rojas is in a relationship with Landon Richards."
Landon.. Landon.. Si Pareng Landing?! Yep, si Landing, ka-dorm ko dati sa UPD. Kasabayan namin yan ni Renaire, kaklase namin yan in some classes.
So, sya pala yung lalaki na yun. Anak ng tupa, isang buwan palang pag-katapos namin mag-break, may bago na sya? Mga babae talaga.
YOU ARE READING
Music Into Words
Ficción GeneralThis is my 'former' songfic list. I just changed the title, dahil hindi ko na trip ang ginagawa ko. :) Pwedeng mag-request anytime, basta maunahan nyo lang ako makahanap ng gagawin ko. :P Enjoy! :) PS. I'm not forcing you to like it, love it or what...