A/N: All that are in this story is fiction. Daydream ko lang ito, then I was amazed, so I turned it into this. Experimental po ito. Pasensya kung hindi magustuhan.
In dreams, we enter a world that's entirely our own.
-J.K. Rowling
----------
Pauwi na ako, nang makita ko ang bahay namin.
Simple lang naman, semento. Pulang gate. Merong puno ng balete sa tabi. May mga bubog sa taas ng sementong harang.
...Nakita ko si Nanay.
Di talaga siya ang nanay ko. Namatay ang nanay ko thirteen years ago. By murder and rape ng mga tambay about 3 blocks away. Itong nakikita ko ngayon, is stepmother ko. Naka-daster at nag-wawalis sa tapat ng bahay.
Nag-tago ako sa poste ng kuryente, at biglang napaisip..
"Uuwi pa kaya ako?"
Pinakasalan ni Papa ang stepmother ko five years after mamatay si Mama. Nakita niya ito sa trabaho, habang tinatambak ang mga sako ng semento.
Naawa ako kay Papa, kaya pinabayaan ko siya kung ano ang gusto niya. Dahil dito, galing construction worker, pinasa ng Boss niya ang pwesto sa kanya, dahil sa sipag at tiyaga.
Nasa Qatar na si Papa ngayon. At ako.. I'm stuck here.
"Annalisa! Lintik na bata na yan! Gusto ata nitong masaktan! Anong oras na! Dyoskopo."
"Shit. Ihanda na ang kailangan ihanda."
"Hoy! Joboy! Hanapin mo nga yan si Anna! Malilintikan yan sa akin, eh. Laging hinahapon!" Sabi ng 'nanay' ko sa anak niya sa kanya.
Mag-isa lang ako na anak. Si Joboy, eh.. kanang kamay ni 'Nanay' dahil nagtalik sila ng boyfriend nya, at iniwan. Mabait naman si Joboy, kaso di nya alam ang ginagawa niya. Walong taon na si Joboy, ngunit di pa marunong makapag-basa ng ayos. Nga pala, buntis siya nung unang makita siya ni Papa.
May narinig akong tumatakbo, palapit sa akin. Napa-krus ako sa kaba.
Tingin sa relo. 5:45 na pala.
Nakita ako ni Joboy. Patay.
"Hoy ikaw bata ka!" Sigaw sa akin ni 'Nanay', at hampas sa likod ni Joboy.
"Alam mo ba na ginagabi ka na?! Gusto mo malintikan ka na naman? Joboy! Kuhain mo nga yung sinturon ko! Ikaw babae ka! Dumapa ka dun sa sofa! Bilis!" Yan lagi. Araw araw. Saulo ko na. Di ko na siya pinapakinggan.
Naramdaman ko ang kamay ni 'Nanay' sa buhok ko, sinasabunutan na pala ako. Manhid na ako dito. Di naman ganito si Mama, o kaya si Papa. Siya lang talaga ang may trip sa akin. Ewan! Natatanga ako dito.
Hindi ko namalayan, may hampas na pala akong narinig.
"Grabe! Disi-sais na, sira ulo pa rin! Gusto mo pang mapahiya?!" Ganyan habang hinahampas ako. Mas lalakasan niya pa yan.
Dalawang taon ko pa lang ito nararanasan, pagkatapos umalis ni Papa. Pero parang ayoko na.
"Ilan pa gusto mo, ha?! Bruha ka! Pinapahiya mo ako!" Sabay lingon nya at umubo.
"Patayin mo nalang ako! Lecheng buhay to!"
"May sinasabi ka bang bata ka?!" Hampas ulit. Kuha ng sabon at tubig. Palamon sa akin.
Minsan, iniisip ko, sana tapos na. Iniisip ko pa nga minsan, dapat patay na yang feeling na 'Nanay' ko. One time nga, kumuha ako ng itak, habang nag-sasampay siya, kaso nahuli ako, muntik na ako mataga ng itak.
YOU ARE READING
Music Into Words
General FictionThis is my 'former' songfic list. I just changed the title, dahil hindi ko na trip ang ginagawa ko. :) Pwedeng mag-request anytime, basta maunahan nyo lang ako makahanap ng gagawin ko. :P Enjoy! :) PS. I'm not forcing you to like it, love it or what...