Friends
"Wala na bang mas tatanga sayo?" parang ewan talaga itong si Kyra.
"Bakit namaman ba?" inis kong tanong sa kanya.
"Naiinis ako sayo, alam mo ba yon? Bakit hindi mo makita ang halaga ng sarili mo? Nasasaktan ka na nya ng sobra at sinasaktan mo lang din ng sobra ang sarili mo." sagot nya sa akin. Sobrang naiinis sya sa mga pinag gagawa ko.
"Pag mahal mo ang isang tao ay poprotekhan mo sya kahit na ano pa ang mangyari. Mamahalin mo sya kahit alam mong hindi ka nya mamahalin din tulad ng pag mamahal mo sa kanya. Nandyan dapat lagi sa tabi nya pag nasasaktan sya at ako ang tutulong at susuporta sa kanya. Masisisi mo ba ako na mahal na mahal ko sya? 'Yon ang nararamdaman ko eh. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa puso ko na "tama na". Mahal ko eh." pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Ganyan ka pala kamartyr! Wow. Oo na sige, mahal mo nga sya pero isipin mo din naman ang sarili mo."
Naiwan akong mag-isa dahil nag clinic si Kyra. Masakit daw ang ulo niya. Naisipan ko na pumunta sa likod ng school. Pwede naman pumunta doon pero bihira lang ang pumupunta doon. Mahangin doon dahil madaming puno at may mga bench din.
"Wala na nga akong nararamdaman sayo! Please, tama na." narinig kong sigaw ng babae habang papunta ako sa likod ng school.
"Hindi na ba maibabalik ang dati?" si Kean at Kat. Nacurious ako kaya nag tago at pinakinggan ang pag uusap nila.
"Hindi na. May iba na ako. May mahal na akong iba. Masaya ako sa kanya st kuntento na din sa kanya. Ikaw din diba? May Zoei ka na."
"I don't love her. Ikaw lang ang mahal ko. Mahal kita ng sobra. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa na mabuhay ng wala ka. Please, bumalik ka na sa akin. Isang taon na tayong wala pero wala pa din nag babago sa pag mamahal ko sayo." sobrang mahal nya pala talaga si Khat.
"Wala na akong nararamdaman sayo. Alam ko na mahal na mahal ka ni Zoei. Hindi na ako pwede, Kean. May mahal na akong iba at mahal nya din ako. Kung anong meron tayo noon ay tapos na 'yon. Wala na. Sana naman maintindihan mo yung salitang wala. Past is past. Hindi na maibabalik pa ang noon. Hindi mo ako masisisi kung bakit ako nawala sayo. Nakakasakal na kasi masyado. Minahal kita ng sobra pero nakakasawa na kasi. Sakal na sakal na ako. Kaya please, let me go. Pakawalan mo na ako at maging masaya ka na lang para sa akin."
"I miss you so much baby." niyakap ni Kean si Kat kahit na hindi sya nito niyakap pabalik. Sana ay ako na lang.
Tinalikuran na sya ni Khat at umalis na. Naiwan doon si Kean na umiiyak. Ang sakit na makita syang umiiyak. Lalapitan ko ba sya? Icocomfort ko ba?
Nilapitan ko siya at inabot sa kanya ang panyo ko. Kailangan ko syang icomfort ngayon. Kailangan nya din siguro ako. Niyakap ko sya ng sobrang higpit.
"Tinutulungan kitang makalimot kaya sana naman ay tulungan mo din ang sarili mo. Ang hirap na makita kang nasasaktan dahil sa kanya. Ngayon na nasabi nya na sayo na wala, sana naman ay matauhan ka na. Masaya na siya sa iba kaya sana ay maging masaya ka na para sa kanya. Nandito naman ako, ah? Hindi kita iiwan. Promise yan." sabi ko sa kanya at patuloy pa din ang pag buhos ng mga luha nya. Pinunasan ko ang mga luhang lumalandas sa pisngi nya.
"Zoei, sa tingin ko ay dapat ka ng tumigil. Alam ko na nasasaktan na kita ng sobra. Wala ng halaga ang pag papanggap natin at hindi sya nag seselos. Hindi pa din ako nakaka move on at hindi pa ako handang mag mahal ulit. Hindi pa ako handa na palitan sya sa puso ko dahil alam ko sa sarili ko na siya lang. Mahal na mahal ko siya at hindi ko alam kung mag mamahal pa ako ng iba." para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga sinabi niya sa akin. Ang sakit.
"No. Hindi ako titigil. I don't care kung masaktan ako. Kahit na masaktan pa ako ng ilang beses ay ayos lang sa akin. Mahal na mahal din kita at alam ko din sa sarili ko na ikaw lang. Hindi kita kayang ipagpalit sa iba. Kaya nga ako nandito, diba? Para tulungan ka na makalimot. Bigyan mo naman ako ng lugar sa puso mo. Bigyan mo naman ng lugar ang taong mahal ka ng sobra." ang desperada ko na siguro tignan. Nararamdaman ko ang nararamdaman niya. Nasasaktan siya pero mas doble yung sakit na nararamdaman ko.
"Wala ng space dito sa puso ko dahil sya ang laman nito, wala ng iba." Haha ang cute no. Alam ko naman 'yon na wala akong lugar pero someday magkakaroon din. Kailangan lang siguro ng time pa.
"Maging mag kaibigan muna lang tayo. Itabi mo muna ang feelings mo sa akin. Friends lang. Friends." sabi nya. Okay, kung 'yan ang gusto mo edi go.
"Okay. Friends lang." ngiti ko sa kanya at sya din ay ngumiti din.
"Thank you for being here with me. Sana nga ay makalimot ako. Kailangan lang ng time pa."
Simula ngayon ay mag kaibigan na kami. Hindi ko na muna sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko kahit na alam na niya. Mag papanggap na lang siguro kami na wala akong feelings sa kanya. Sa tingin ko din ay mas maayos 'yon. Sa ngayon kasi ay mas nagtatagal pa ang pagiging mag kaibigan kaysa sa mga relasyon. Mas mag tatagal ang pag sasama namin.
Masaya ako dahil sinabi niya sa akin na gagawin niya ang lahat para lang makapag move on na siya. Narealize niya na din ang lahat lahat. Magiging maayos din ang lahat.
Nasasaktan ako pero ayos na iyon. Mawawala din itong sakit na nararamdaman ko. Siguro kung hindi nga sya para sa akin ay kusang mawawala itong feelings ko sa kanya. Hahayaan ko na muna itong nararamdaman ko at papalipasin ko na lang muna.
BINABASA MO ANG
Things I Could Never Tell You
Teen FictionWhy do we love someone who hurt us and hurt someone who love us? Hindi ba pwedeng kapag magmamahal ay magmamahal lang? Kaya may mga bagay na mas pinipili nalang natin na itago dahil takot tayong masaktan. Takot tayong mabalewala. Pero iba si Zoei A...