Chapter Five

37 0 0
                                    


Nag chat siya sa akin para ipaalala bukas na sumama ako sa practice nila. Ang sarap din pala sa pakiramdam ng ganito. Yung may kaibigan ka pero patago kang nag mamahal. Kahit patago ka din nasasaktan, pero atleast lagi kayong mag kasama. May paraan ba para mapigilan ko itong pag hulog ko sayo? Wala na ata.

Kung anong meron kami ngayon ay kuntento na ako doon. Mas ayos na ito kaysa sa dati. Nag simula na akong maligo at mag ayos.

"Ang aga mo naman ata ngayon?" pag tataka ni Kuya. Mas maaga syang gumigising sa akin. Sa mga gantong oras ay nag aayos pa lang ako.

"Wala lang. Maaga din kasi ako natulog kagabi." kumain na ako para mamaya ay may lakas ako. Excited din ako manood eh. Hahaha!

Hinatid ako ni kuya sa school namin. Buti na lang ay maaga akong pumasok, ang traffic din kasi dahil sa mga ginagawang kalsada.

Hindi naman ito ang unang beses na manonood ako ng practice ni Kean. Ilang beses na akong nakapanood ng practice nya. Ang ipinagkaiba lang ngayon ay sya ang nag invite sa akin na manood, pero dati ay ako lang ang nag kukusa at hindi pa nya nga ata alam na nanonood ako. Hindi naman nya ako napapansin noon.

Ganadong ganado ako mag aral ngayon at panay ang sagot ko sa mga tanong ng teacher namin. Aba syempre! Masaya ako ngayong araw na ito.

Lumipas ang dalawang subject at break time na namin. Tatlong subject pa!

"Ano ang nangyayari sa iyo?" nag tatakang tanong ni Kyra sa akin.

"Wala naman. Bakit?"

"Sus. Ako ba maniniwala sayo kung ganyan ang mga nginitian mo?" kilalang kilala na nya talaga ako eh.

"Eh kasi naman bes, niyaya ako ni Kean na manood daw ng practice nila mamaya at susunduin nya pa ako after class para sabay kaming pumunta ng gym. Sino ang hindi kikiligin doon? Dibaa? Crush ko 'yon eh. Matagal ko ng minamahal." tuloy tuloy kong sabi na halos hindi na ako makahinga. Kinikilig kasi talaga ako ng sobra.

"Kalma lang, teh. Kalma. Masaya ako para sa'yo pero paano kung ginagawa nya lang pala 'yan para maka move on kay Kat?" biglang naging seryoso ang usapan namin.

"So? Ano naman? Diba ayon naman talaga ang plano ko nung una? Doon kami nag simula. Kung makaka move on sya kay Kat habang nasa tabi nya ako, baka sakali na magustuhan nya din ako. I love him so much, Kyra. Gagawin ko ang lahat para maging maayos siya." sagot ko sa kanya.

"Iba ka talaga eh, no? Handa kang saktan ang sarili mo para sa kanya. Hindi ko alam kung ubod ka ng tanga. Lagi mong pinaglalaban 'yan, kahit na dapat wala ka namang dapat ipaglaban." Ito nanaman ang pag tataray nya sa akin.

"Opo, mommy." sabi ko at tumawa na lang kaming dalawa.

3rd subject na. May panibago nanaman kaming project. Nakakapagod na. By partner naman at pwede kaming mamili kung sino ang gusto naming partner, syempre automatic na kami na 'yon ni Kyra.

"Nakakapagod naman na. Ang daming gagawin." sabi ko sa kaibigan ko.

"Pero pag kay Kean hindi ka napapagod sa kakaasa? Eh kung sampalin kaya kita? Madaming gagawin pero may time pag manonood ng practice ni Kean. Hay nako." Oo nga naman no. Pero syempre si Kean 'yon kaya hindi pwedeng tanggihan! Minsan lang mangyari 'yon, ang yayain ako kaya bakit ko pa papalagpasin.

Tawa nalang ang naging tugon ko sa kanya.

Mabilis lumipas ang oras kaya naman ay nung last subject na halos hindi ako mapakali. Ayos lang ba ang itsura ko? Hindi ba ako haggard? Baka naman ang oily pa ng face ko.

Things I Could Never Tell YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon